Press Release
May 2, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Cely Bueno and Raul Esperas of DWIZ

On the resumption of session on May 4

Q: Kahit extended until May 15 ang ECQ sa ilang bahagi ng NCR at ng Luzon, tuloy pa rin ang resumption ng session on May 4?

SP Sotto: It's a mandate of the legislative calendar ng Senado at ito ay mando sa amin na gawin namin yan, ng Constitution na nagset-up kami ng legislative calendar namin, at yun nga ay nakasaad nuong July pa lang, at inapprove namin ng both Houses of Congress na magreresume ng May 4. So, trabaho ko yun to convene it. Kailangan iconvene ko sa May 4.

Q: At kahit na may naunang naipalabas na guidelines ang IATF na bawal lumabas ang mga senior citizens ay tuloy po dahil marami na pong senior ciizens sa mga Senador po?

SP Sotto: Una sa lahat, yung directive ng DOH at saka ng IATF, hindi kayang isupercede ang mando ng Constitution. Hindi niya pwedeng sapawan yun. So, it does not apply to the Senate. Ngayon, balita ko naman din ay naglabas na ng bagong directive naman na hindi naman ganoon. Hindi naman binabawalan ang mga seniors na lumabas, kung mahalaga at kung sila lang yung nandodoon. Maraming nilagay na points kung ano yung pwede. So, okay na rin, hindi na siguro problema yun.

Q: Si Senate Minority Leader Franklin Drilon may suggestion na idaan sa teleconferencing ang session on Monday kasi nga may enhanced community quarantine, bawal pa yung mass gathering, bawal pa yung paglabas nga ng ilang kababayan natin so uubra po ba yun?

SP Sotto: Pinadala niya sa akin yung sulat niya, at nagkausap naman kami sa telepono at sabi ko sa kanya ay we'll inform the others of the letter, pero as far as nung kausap ko ang secretariat (unclear) yan, ang sinasabi sa akin, sabi din ng legal ng Senate, na merong protocol na naestablis sa Senado so hindi pwedeng iconsider na mass gathering, there will be protocols in place. Hindi lahat ng empleyado dapat pumunta. Bawat isang Senador, isa lang ang pwedeng legislative staff, either their COS or their legislative staff. Tapos ang secretariat, skeletal din, ang Sergeant-at-Arms, lagi namang nandoon,linggo-linggo. Araw-araw ang nag-oopisina ng Senate is buong linggo, may skeletal force. So kung sila ay nagpupunta, parang unfair naman na kami ay hindi naman, at isa sa mga dahilan yun. Ngayon, pangalawa, paano namin babaguhin ang entirety ng rules para gawin yan? Paano ko icoconvene yan? Saan ilalagay yung mace? Mando yun. Puro mandate lahat yun. Paano yung order of business? Yung reference of business? Hindi ganoon kadali na sasabihin ko lang sa teleconference na o, resume tayo, hindi ganoon kadali. Madaling sabihin, pero mahirap gawin. Ineeksplika naman namin, ineeksplika ko naman sa mga kasama natin yun. Yung Viber group ng Majority, sinabi ko rin yung sinasabi ni Senator Drilon. As a matter of fact, may mga isa, dalawa na ang gusto ganoon din. Si Senator Villar at saka si Senator Marcos. Pero karamihan sumusuporta at (unclear) doon sa sinasabi ko na on the first day, kailangan iconvene natin. Sapagkat doon natin iaapprove yung teleconferencing. Or iaapprove natin na papayagan talaga natin na yung mga kasama nating hindi makakapunta ay pwedeng magparticipate. Pwedeng bumoto, pwedeng magpropose ng amendments, kung may mahahalagang paguusapan. So, hindi pwedeng hindi gawin yung May 4. Yun ang pinakamahalaga sa lahat. As a matter of fact, ang plano ko kahit aprubahin na namin yung teleconferencing, basta every start of the session, icoconvene ko sa plenary.

Q: So lagi kayong papasok?

SP Sotto: Oo. Para sigurado ako na walang wise guy na balang araw, pag may ipasa kaming controversial ay kukwestiyunin sa Supreme Court na mali ang pagkapasa namin dahil wala sa batas or wala sa rules namin yung ginawa naming pagpasa. Therefore, I am just playing it safe na hindi kami lalabag sa kahit anong kautisan namin, o kautusan ng Constitution, or ika nga ay nakagisnan. Kasi yung tinatawag na nakagisnan which is a part of tradition, as most of the Senators know, sometimes tradition is stronger than rules. So, ganoon pa yan, nung araw pa yan. Natutunan ko sa mga matatandang Senador na nakasama ko nung 1992, na mas mabigat pa nga yung mga tradition kesa sa mga kautusan. Hindi basta-basta binabali yun.

Q: Baka daw yung mga tradition, may mga point na dahil nga dito sa new normal, mga dating hindi nangyayari ay nararanasan na ngayon, ay mukhang hindi na yun applicable sa panahong ito na may emergency sa atin.

SP Sotto: Tama din yun, dahil national emergency, at ito naman ay paguusapan namin kung paano namin maiincorporate dito sa mga bagong ginagawa, kung magkakaroon ng mga ganyang national emergency. Kung natatandaan mo, ung 19818, nagkaroon ng ganyang national emergency, ang Kongreso noon ay meron na sa Pilipinas, nagtatawag na sila noon, pero hindi nila binago yung mga gawa nila, so sa akin naman ay ako naman yung susubo sa alanganin. Ako naman yung papasok, hindi naman sila so hindi sila dapat mag-alala.

Q: Sa Monday, nakapag-head count ka na bakung makakabuo ng quorum, yung physically ay aattend doon sa resumption ng session?

SP Sotto: Tingin ko. Ang tingin ko, merong mahigit na labing dalawa na papasok sa Monday para iconvense, kasi alas dos pa lang may caucus kami, paguusapan namin yung dapat ipasa para mabilis lang. At saka meron din kaming safe distancing or social distancing kung tawagin. Doon, kahit sa caucus, kahit sa ano. Ginawa na namin yun nung naipasa namin yung Bayanihan Act, di ba?

Q: So yung labing dalawa na Senador, doon sa mga designated na upuan, magkalayo na dapat, may mga in-between?

SP Sotto: Oo, isasama na sa protocol ng secretariat yan at saka ng Sergeant-at-Arms kung paano ang gagawin. As a matter of fact, pagpasok mo pa lang ng Senado, bawat Senador, bawat ano, aside from the check, yung dadaanan namin merong disinfectant.

Q: Nakita ko sir nagkaroon na kayo ng inspection. Paano po yun? Pag dumaan ka doon, mababasa ba yung sapatos mo?

SP Sotto: Hindi naman, yung ilalim,may disinfectant, may gamot. May mga ano yun, so ika nga ay play safe lang.

Q: After doon sa mat na yun, meron pang isang dryer ba, parng tutuyuin?

SP Sotto: Oo, meron. Tapos syempre, yung temperature mo, kukunin, and then making sure that you are wearing the mask and all necessary (unclear) dapat. Lahat ng necessary precautions.

Q: Sigurado na na on Monday, maaamend yung Senate rules , maaprubahan po yung resolution na inakda ng labing limang Senador na nananawagan nga na payagan itong teleconferencing o video conferencing sa pag-gawa ng session at committee hearings?

SP Sotto: Ang 100 percent kong tatanggapin at lulusot na ay yung unang-unang prinopose ni Senator Zubiri na amendments sa Section 21 kung hindi ako nagkakamali, which is yung mga hearings. Yung mga hearings pwede nang iconduct ng teleconferencing. Pwedeng iconvene at iconduct on teleconferencing. Ngayon, pineprepare na rin ng Secretariat kung paano nilang imomonitor at paano nila irerecord sapagkat kailangan yun. Hindi pwedeng mag teleconferencing yung magkwentuhan kayo lang, hindi ba? Wala sa official records yung pinaguusapan ninyo. So yun, malamang na malamang, 100 percent as is, matatanggap na yun. Doon sa Section (unclear) na binago, may slight na mga amendment na paguusapan siguro kami kasi doon sa proposal nung mga majority ng members ng Senate, yung mga hindi nakapirma doon, merong mga proposals katulad nila Senator Lacson, meron silang tweak, ika nga may kaunting pagbabago. Ako din, meron akong kaunting pagbabago doon, kasi ang nakalagay doon kasi sa rules is parang tatawag kami ng session, ang Senate President again, of course yun ang laman doon, yung sa original, has the power to call on the session pero ito, sinasabi sa teleconferencing or in plenary session. Pero ako, ang tingin ko, dapat baliktarin. Dapat, yun pa ring dating rules na tatawag ang Senate President ng session, or, tele conferencing, hindi ba? Kailangan, secondary yun para hindi natin ginagalaw yung tradition at saka kung sakali mang tapos na yung national emergency, hindi na kailangang magbago ng rules, hindi na kami kailangan uling magpublish. Kasi oras na binago namin yan sa Lunes, kailangang magpublish pa kami para maging effective, para mag take effect. Although we can do it already the following day. I am sure nobody will question it.

Q: Paano si Senator Leila de Lima pag teleconferencing or video conferencing, papayagn na o bawal pa rin ito talaga alinsunod sa Supreme Court decision?

SP Sotto: Ang problema kasi diyan, una, merong Supreme Court decision tungkol diyan kaya yung binabanggit nung kampo ni Senator de Lima tungkol doon, parang lihis doon sa original na sinasabi ng Supreme Court. Hindi lang sa case niya, kungdi kay Congressman Jalosjos, at sa iba pa, kasi (unclear). Pangalawa, nung ako ay Minority Leader nung 16th Congress, yan ang hinihiling ko, kahit Facebook man lang maapagparticipate si Senator Enrile, Senator Estrada, Senator Revilla, dahil alam ko si Senator Enrile maraming pwedeng iencorporate at maitulong sa mga pinaguusapan namin noon, na kasama ko sa Minority noon, eh inout-vote nila ako at ang dahilan na sinabi sa akin, ang dahilan na sinasabi ko ngayon na hindi pwede. So sana, pinayagan nila ako noon, para ngayon ay malakas ang loob kong sabihin na pwede. That's one. The other thing is, ang problema, hindi ko alam kung paano magkakaroon ng internet, telepono, gadget si Senator de Lima, eh bawal.

Q: Oo, doon sa kanyang detention cell.

SP Sotto: Oo, paano yun, hindi ba? So, napakasalimuot ng problema, na palagay ko mas mabuti ng huwag na naming pasakitin ang ulo namin doon sa problemang yun sapagkat maiiba. Walang pulitika doon, sinasabi kasi, pulitika daw, parang ganoon. Hindi naman, sinusunod lang namin kung ano yung mga dating ginawa nila. Sila yun nung 16th Congress.

Q: Pero di ba may resolution si Senator Drilon, tapos suportado ni Senator Lacson yung papayagan si Senator de Lima? Particular ba yung resolution nila Drilon and Lacson?

SP Sotto: Alin yun, parang hindi ko matandaan.

Q: Allowing Senator de Lima na makapagparticipate via teleconference.

SP Sotto: Hindi ko matandaan. I doubt kung mapapagusapan ngayon yun, at saka pangatlo pa, si Senator de Lima is under the jurisdiction of the courts and the Philippine National Police so sila muna ang tanungin. Or kami, yun nga sinasagot na kaagad ng Majority Leader namin, Senator Zubiri, meron na siyang press statement na nilabas, at cinite niya doon yung mga dahilan kung bakit hindi namin mapapagbigyan.

Q: Hanggang kailan tatagal yung ganitong doon sa ipapasa ninyong resolution, itong ganitong sistema na via teleconference or video conference ung session at saka committe hearing although pwedeng highbrid yung pagdating sa session? Hanggang mag-adjourn sine die na?

SP Sotto: oo, as a matter of fact, pag inamend namin yung rules at pinublish ito, yun na yun. Yun na muna yun. Isa pala, (unclear) ang pinopropose ni Senator Lacson, habang may national emergency. Yun ang gustong ipasok ni Senator Lacson.

Q: Pero pag tapos na yung national emergency stop na?

SP Sotto: Oo, hindi na.

Q: Ang hirap din, paano kung magpiprivilege speech dapat pumunta ka ng session hall?

SP Sotto: Usapan namin yun, sinabi ko sa kanila sa Viber group yun, kung magpiprivilege speech ka, doon ka mag privilege speech sa session hall. Kasi, hindi bale kung sponsorship lang, itatabi lang pagkatapos at saka na paguusapan, okay lang yun, pero pagkamag-piprivilege speech at iinterpellatin ka, parang medyo masalimuot gawin sa teleconferencing. Una, hindi ka nakakasiguro na may nakakarinig sa iyo, di ba? Baka nag-iisa kang nagsasalita. Hindi ka pala pinapansin ng mga kasama mo. Sabagay, nangyayari rin sa session hall yun. Pero sa session hall, naka livestream ka sa buong Pilipinas at saka ikaw ay nirerecord ng secretariat.

Q: Kamusta na yung ating mga Senador? Magaling na ba yung mga napaulat na nagkaroon ng Covid-19?

SP Sotto: Ang alam ko negative na silang tatlo. Yun ang pagkakaalam ko, at saka, pangalawang negative na yata. Ang sabi lang sa akin, nabasa ko lang na binanggit ni Senator Pinentel, na pagiisipan niya kung makakaattend siya or hindi dahil ang gusto niya, parang makarecover muna siya fully kasi alam mo naman yung nangyari sa kanya, stressful, hindi lang physically kungdi mentally. I do not know about Senator Angara, Senator Zubiri, I think he is attending, siya ang Majority Leader.

Q: Sabi ni Speaker Cayetano, nakipag meeting siya last Thursday yata with some Senators headed by Senator Go tungkol doon sa prangkisa ng ABS-CBN. Hindi kayo kasama doon sa mineet ni Speaker Cayetano?

SP Sotto: Wala, hindi ko alam yan. I am not aware.

Q: Pagusapan daw kung ano ang dapat gawin, dapat bang may resolution or whatever. Hindi po pala kayo kinausap tungkol dito?

SP Sotto: Hindi kami kinausap, at saka wala naman sa kamay namin yan.

Q: Nasa House.

SP Sotto: Nasa House at nasa NTC, Executive Department yan. Wala sa amin yan, magiging jurisdiction lang namin yan pagka pinadala sa amin yung House Bill.

Q: Pero sa panahong ito nakita natin kung gaano kaimportante ang papel po ng media sa panahon ng crisis, siguro naman ay hindi na nila tatagalan pa ang pag action doon sa franchise renewal ng naturang TV network?

SP Sotto: Your guess is as good as mine. Mahirap unahan yung kaisipan nila.

Q: Panghuling tanong, essential ba yung POGO operation para payagan na yung pagbabalik ng operation ng POGO?

SP Sotto: Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pinapayagan, narinig ko lang yung mga explanation ni Chairwoman Andrea Domingo, na parang sila-sila lang yun, doon lang, hindi pwedeng lumabas, parang something to that effect. Pero anong essential thing doon, kumikita ba ang gobyerno doon? Kumikita ba o hindi? So mahirap, ako, sa akin, ang tingin ko, kung hindi rin lang masasabi sa akin kung ano yung mga dahilan na yun, eh sa akin, hindi essential. Di ba? Pero kung may magandang dahilan yung Executive Department ay call nila yan. Wala kaming say diyan unless magpasa kami, pagusapan sa batas yan or mag push ng bill ang isa sa mga Senador or Congressman na sabihin na alisin na yang mga POGO na yan forever, di ba? Unless yun, mapapagusapan namin, otherwise, it is the call of the Executive Department. We can only come up with our own personal opinion on the matter, so ako naman ang opinion ko is ano ang dahilan? Ano ang essential doon?

Q: Para yung kikitain, magamit daw sa pagtugon sa Covid-19. Ang sabi nila ay marami ding mga Pinoy na manggagawa doon, at ang mga kanila namang daw kliyente ay mga nasa labas ng bansa.

SP Sotto: Narinig ko nga yun, Narinig ko rin yung sinasabi na nandoon lang sila sa building, or papayagan lang yung nandoon sa building nila. Hindi pwedeng lumabas, parang ganoon. At 30 percent lang daw ang papayagan. Tingnan natin, mahirap magbigay ng direct na opinion diyan, kung hindi ko naman talaga kapa yung issue.

Q: Pero dapat diba ingat kasi lumilitaw na yun ang isa sa mga naging source ng pagkalat ng Covid-19? May kababayan ako sa Nagcarlan, ang unang naging possitive doon ay POGO worker na umuwi ng Nagcarlan pag-uwi ay possitive sa Covid-19.

SP Sotto: Yun ang mabigat. Magkakaroon ng, hindi naman prejudice, parang pandidirihan talaga yun. Yung sinasabi ko nung una, di ba sabi nila na pauwiin dito yung mga nakatira sa Wuhan na Pilipino, sabi ko teka muna, baka yung mga kamag-anak noon mismo, magkaroon sa kanila, maging biased sa kanila, kawawa naman, sabi ko, parang safe pa sila doon, di ba, basta sumunod sila sa mga protocol doon, baka safe pa sila. Which is true nga, (unclear) na safe na nga sila.

Q: Bakit nga?

SP Sotto: Ewan ko, ang galing nila or nag galing-galingan.

Q: After nilang ikalat sa atin, sila yung unang naka...nakita mo ba yung dayuhan sa Makati na minura at sinisigawan yung Makati police?

SP Sotto: Oo, eh pag napanood mo yung unang nilabas ng Rappler, at saka doon sa Facebook na nilabas nung resident, aba'y talagang manggigigil ka doon sa police. Sabihin mo, bakit ganoon? Yun pala, meron palang video before that, kaya pala sobra pala ang angas noon. Nagmumura pa, hindi ba? Tapos, ang nagreklamo pala taga doon, parang kapitbahay yata. Ang sinasabi, bakit yun, hinahayaang ganoon. Pinipilit niya private daw sila. Katulad nitong mga ewan ko kung sino itong kumakampi sa kanya na private naman daw yun, anong private, eh kaming dito sa private naming lugar, sumusunod kami kasi yun nga ang sabi nung barangay, sabi din ng association. Sumunod ka, di ba? Ewan ko kung paanong kumakampi pa yung iba doon, gigil na gigil nga si Lieutenant Lacson at si Lieutenant dela Rosa.

Q: Pero napacheck na ninyo yung records sa Bureau of Immigration?

SP Sotto: Oo, tagilid. Talagang pwedeng madeport si loko. Oo, naku, hindi ninyo nabasa? Hindi ba kayo napadalan ng report? Turista. Dating nagresident, pagkatapos nagviolate. Pagkatapos, ngayon, tagilid. Tagilid ang situation niya,tapos ang trabaho pala, nagpapasok dito ng mga Chinese yung opisina niya. Palagay ko blessing in disguise na nangyari yan para mabisto siya.

Q: Ang yabang pa niya, dayuhan siya dito, ang yabang.

SP Sotto: Oo, sobra sa angas. Alam na ng Bureau of Immigration. One of these days, tingnan mo. Alam nila.

Q: Bakit galit na galit yung foreigner, at ipinagtanggol niya yung kanyang kasambahay.

SP Sotto: Ang tingin ko, lasing pagkatapos yung kasambahay, mali yung sumbong. Ang sinasabi siguro hinihingan siya ng isang libo. Hindi, sinasabihan lang siya, huwag mong gawin yan, ang fine dito, P1,000 ang fine kapag yung ganyan nandiyan sa labas wala kang mask at saka nasa kalsada ka, nagdidilig sa kalsada. Yun ang pagkakasabi. Pagdating sa loob ang sabi sinisingil ako ng P1,000, parang ganoon. Ang akala, nanghihingi, nangingikil. Pero still, alam mo kung ikaw foreigner ka or hindi, may police doon, kausapin mo ng malumanay. Boss, bakit, ano ba ang problema? Di ba ganoon? Teka, hindi po yata, mali, ano ang rule? What's wrong? Ganoon, hindi yung (cuss word), di ba? Na sisigaw, get out of my way, maggagaganun ka. Sabi ko nga, sabi nga din nung mga kaibigan kong tenyente nung araw, sabi nga nila, kung sila daw yun, ang bait daw nung police. Kung sila daw yun, (unclear) dadalhin ng Crame yun at baka hindi raw umabot ng Santolan.

Q: Si Senator Drilon na senior, aattend sa Monday?

SP Sotto: Hindi ko alam. Hindi ko sigurado. Si Senator Drilon kasi may, alam mo naman, may mga physical issues siya. Pwedeng hindi, pwedeng umattend sandali yon, pwede ring hindi, okay lang yun, walang problema.

Q: Si Senator Cynthia takot din daw dahil senior citizen na siya.

SP Sotto: Senator Cynthia, hindi nga. Hindi yata, hindi, sinasabi niya na hindi. I don't know, hindi ko masabi rin. Alam mo na, baka mamaya ay sipagin sila sa Lunes.

Q: So mabilis lang yung pag open ng session sa Monday?

SP Sotto: Depende. Tingnan natin, hindi ko masabi, pwedeng mabilis, pwedeng kung approve namin kaagad ang resolution, pwede rin, pero kasi merong isang reference for business na importante, yung pag amyenda nung sa basic education. Kasi ang nakalagay sa batas, yung huling batas na pinasa nung mga nakaraang taon na, sinasabi, June dapat magsimula ang mga klase. Eh di iviviolate ng Executive Department yun sapagkat September magbubukas? Kaya kailangang baguhin namin yun, gawin naming September or when the President calls for.

Q: So hindi yun nakita ng Executive Department na dapat may iammend na batas?

SP Sotto: (Unclear)Nag-file na ako, last week pa. Finile ko na nung maisip ko na teka muna, gawin kong September, sa isip ko, teka muna, alam ko June. Tsinek ko kaagad yung mga batas natin.

News Latest News Feed