Press Release
April 27, 2020

DZBB interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Joel Reyes Zobel at Weng Dela Peña ukol sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya

[start recording]

Q: Kamusta po kayo Senator Win Gatchalian?

SEN WIN: Okay naman. Minomonitor natin ang sitwasyon ngayon lalong lalo na sa darating na school opening dahil nga malapit na ang June. Yan ang isang bagay na tinututukan natin bilang Chairman ng Basic Education.

Q: Gumawa ho kayo ng resolusyon para agad magkaroon ng assessment ang ating pamahalaan sa magiging epekto bago pa tayo magka-ECQ ng COVID-19 pandemic dito sa atin?

SEN WIN: Tama ho yan at siguradong may negatibong epekto itong COVID-19 lalo na itong lockdown sa ating ekonomiya dahil ang Luzon ay almost 70% ng ating ekonomiya at ang Metro Manila alone ay almost 50% ng ating ekonomiya. Ngayon, dahil wala ngang trabaho, walang factory at Negosyo, walang production. Kapag walang production, liliit ng liliit ang ating ekonomiya. Ang sektor po ng tourism and hospitality ang talagang kinakabahan ako, yung mga hotels, restaurants at spa ay mahihirapan ho sila dahil kahit magbukas po ang ekonomiya natin, walang mga turista ang papasok ho dito kaya ito yung sektor na dapat bigyan natin ng malaking pansin dahil malaking employment generator ang tourism ang hospitality. Hindi lang ho yung mga nagtatrabaho sa hotel kundi yung mga tour guides, bangkero. Yung mga turista ho sa Cebu at Siargao dinadala ho nila sa island hopping-sila ho ay mawawalan ng trabaho.

Stimulus package

Q: May pino-propose ho ba kayong stimulus package na dapat paglaanan ng halaga?

SEN WIN: Opo. Kung matatandaan natin, ang Kongreso at Senado ay naipasa ang Bayanihan Act. Ito ay isang rescue package dahil nga ang gusto ho natin ay rumesponde ho kaagad sa COVID-19 at siguraduhin na may pondo ang pamahalaan sa pagte-testing, isolate at pagbibigay ng gamot sa mga may sakit. Ngayon naman itong stimulus package na tinatawag natin, sa pagbukas ho ng ating ekonomiya, sigurado ho ako na walang kapital itong mga negosyo lalo na ang mga maliliit na negosyo. Kung wala kang kapital, hindi ka makakabili ng produkto mo, hindi ka makakabayad ng sweldo at kailangan hong pumasok ang pamahalaan natin para matulungan sila dahil kung walang negosyo, walang trabaho.

New normal

Q: Tayo ay papasok na sa tinatawag nating new normal, kayo ho bilang ekonomista at negosyante rin, ano ho ang nakikita niyong mga pagbabago sa papasukin nating new normal? Ano po ang fallback ng MSMEs? Ano ang pwede nating ipanukala?

SEN WIN: Matagal kong pinag-iisipan kung ano ba ang magiging buhay natin pagkatapos ng May 14? Talagang magbabago ang ating pamumuhay dahil hindi naman mawawala ang virus, nadiyan pa rin eh. After May 15, hindi magiging zero ang cases natin, meron pa rin tayong magiging cases. Ngayon, ang weakest link natin sa Metro Manila ay ang public transportation dahil kahit wala pang lockdown, makikita nating siksikan na ang tao sa LRT at MRT at bus lalo na kapag rush hour. Having said that, base sa aking pag-aanalisa, walang solusyon sa public transportation natin dahil kulang tayo sa pasilidad pero sa pagbubukas ng ating ekonomiya, importante ang ating public transportation para sa ating mga workers. Para mapanatili natin ang social distancing, mainam na unahin munang buksan ang mga industriyang esensyal sa pang araw-araw dahil hindi pwedeng lahat sabay-sabay. Kapag sinabay-sabay natin ito kasama ang eskwelahan, siguradong mapupuno ng tao ang public transportation natin at malaki ang tsansa na magkahawaan. Kaya dapat pumili muna tayo ng mga sektor na kailangan na nating buksan kagaya ng manufacturing, food at medicine. Yun muna. Kapag bumaba pa ang cases natin, pwede na nating papasukin ang ibang industriya. Yung malls, sinehan, at iba pa. So dahan-dahan lang para hindi mabigla ang transportation system at hindi magkaroon ng hawaan ulit.

CAMP

Q: Ang sinasabi ho ng Malacanang, magpapasa tayo ng isang budget na nakatuon na sa COVID. Anong nakikita niyong pagbabago sa ating budget considering na nasa new normal na tayo at may pandemic tayong problema? Mukhang kinakailangan nating magtayo ng isang pandemic department?

SEN WIN: Dalawang bagay ang dapat nating gastusan. Unang-una ang tinatawag natin job preservation dahil marami talagang mawawalan ng trabaho at ayaw nating mangyari yan. May isang program ang pamahalaan na napakaganda pero nahinto lang, ito ang COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP. Ito ay nagbibigay ng 5,000 sa mga manggagawa natin. Yung mga tinatawag nating monthly na manggagawa at yung no work no pay. Yung importante dito ay yung no work no pay kaya isa sa mga pagbabago na gagawin natin sa budget ay lakihan ang budget nitong CAMP under DOLE para lahat ng manggagawa natin ay mabigyan natin ng tulong at ang kanilang trabaho ay mapreserba dahil kung hindi natin mapipreserba ang trabaho nila at matatanggal ho sila, baka paglago ng ekonomiya ay wala na rin silang trabaho. Wala na silang mapapasukan. Pangalawa, importante rin na ang ating pamahalaan ay gumagastos. Dahil ngayon, pamahalaan lang ang may pera eh. Kapag gumagastos ang pamahalaan, ang trabaho ay lalago at ang pera ay mapupunta sa kamay ng tao. Kaya importante na gumagastos ang ating pamahalaan sa mga imprastraktura, social services na dapat lakihan. This year, malak ang negatibong epekto nito sa ating ekonomiya. Ang ating pamahalaan ay hihiram ng pera para may panggastos pero ang importante ay may job preservation tayo at may pera ang tao.

Tourism

Q: Prior sa pandemic, may airline company na nag-lay off so marami ang nawalan ng trabaho sa tourism industry. Ano ho ang mensahe nyo sa mga apektadong manggagawa? Paano sila babangon?

SEN WIN: Komplikadong sitwasyon talaga ang hinaharap natin ngayon pero ang unang dapat gawin ng ating pamahalaan ay siguraduhin na mapanatili ng mga tao ang kanilang trabaho at dapat tuloy-tuloy pa rin ang sweldo nila para hindi sila pumasok sa kahirapan. Pagdating sa airline, alam ko nag-forced leave sila for 30 days. Ibig sabihin gamitin mo lahat ng vacation at sick leaves mo, babayaran ka pa rin ng kompanya. Eh ngayon ay nag-extend ng another 30 days, dito na papasok ang ating pamahalaan in two ways. Number one, pwedeng magbigay ng subsidy sa mga manggagawa nila like sa mga porters at ground handling service. Bigyan sila ng direktang subsidy para at least may makuha. Ang ayaw natin ay ang matanggal sa trabaho itong mga trabahador na ito dahil walang pangsweldo. So ang gobyerno ang magbibigay ng subsidy through the corporations para tuloy-tuloy pa rin ang kanilang employment at meron silang matatanggap na subsidy. Hindi lang ganun kalaki, hindi kaparehas ng kanilang sweldo pero may makukuha sila para makatawid sa krisis na ito.

Q: So dapat walang mga kompanya ngayon ang magtatanggal ng empleyado anuman ang mangyari?

SEN WIN: Correct dahil kung nagtanggal ka, wala ka nang sweldo, wala ka pang security of tenure. At para sa isang empleyado, nakakakaba iyon dahil hindi mo alam kelan ka magkakaroon ng trabaho. Nabanggit ko kanina yung CAMP program ng DOLE, maganda ito dahil ang sabi ng DOLE sa mga kumpanya, i-submit niyo lang sa amin ang payroll niyo at kami na ang magbibigay ng 5,000 sa ating mga manggagawa. Pwede pang i-expand ito. Pwedeng lahat na ng mga korporasyon, kung tinamaan ka, mag-submit ka ng payroll mo at bibigyan kayo namin ng subsidy na 5,000-8,000 depende kung nasaan ka para may pangsweldo naman kayo at may matanggap na ayuda ang kanilang mga manggagawa.

Q: Ang pamilya nila ay kilalang nasa manufacturing sector. Kamusta ang tulong ninyo sa mga empleyado ninyo Senator? Parang kahapon ay nag-donate rin ho kayo ng mga PPE di ho ba?

SEN WIN: Wala na kami sa manufacturing sector since 1987. Pero kahapon ay kausap ko ang kapatid ko na nasa tourism ang hospitality sector naman. Ngayo ay sarado talaga ang lahat ng Negosyo ng pamilya namin dahil wala nang kliyente, walang flights at walang tourists. Ang ginawa ho ng ating korporasyon, sinigurado na kahit naka-leave ang ating mga empleyado, makakatanggap pa rin sila ng sweldo. Kahit another 30 days extension, tuloy-tuloy pa rin ho pagbibigay namin ng sweldo. Kasama ho dito ang lahat ng employees namin, daily at contractual. Sa hospitality industry, meron tayong tinatawag na contractual at seasonal. Sinama ho namin sila sa pagbibigay ng sweldo. Talagang ini-expect ho natin sa tourism industry na wala ho talagang turista kaya ho importante na itong mga negosyo ay mabigyan ng subsidiya hindi ho para sa korporasyon kundi para sa mga empleyado para hindi ho sila matanggal sa trabaho.

Q: Kanina rin yung tungkol doon sa stimulus package, kailangan pera, pera ang kailangang pera. Ang suhestiyon ng pamahalaan kung pwede kung mauubusan tayo ng budget, na ibenta na ho yung ibang mga property natin, mga assets, Mga ari-arian ng mga gobyerno? Ano po ang pananaw niyo ho doon sa Senator Win?

SEN WIN: Ako bukas ako doon sa ideya na yan pero dapat siguraduhin natin na hindi pa palugi ang ating pagbebenta natin dito dahil kung maganda ho yung ekonomiya hindi na ho talaga bebenta yung gobyerno. For example ho yung PAGCOR yung alam ko ilang taon na hong sinasabing ipa-privatize pero maganda yung ekonomiya kaya hindi na-privatize. So sa mga ganitong panahon, kailangan ho natin ng pondo, open tayo sa ideya na ibenta yung ibang tinatawag natin na non-governance assets. Kung walang nang kinalaman sa governance, pwedeng ibenta na natin. Wag lang palugi dahil itong krisis na ito pangsamantala lang naman. Ako ay naniniwala na ang ekonomiya natin ay matatag at babalik ho, siguraduhin lang natin na hindi palugi ang bebenta.

Q: May mga ideya ba kayo kung anong property, ari-arian na pwedeng ibenta kaya?

SEN WIN: Marami hong lupain ang ating pamahalaan pwede pong ibenta at marami pong mga korporasyon na pwedeng ibenta na hindi naman kasama sa governance. Ang trabaho ng government is governance hindi po mag negosyo kaya kung merong pagkakataon na ibenta yung wala naman kinalaman sa governance, ibenta na ho natin para ang focus ng gobyerno ay sa governance, para makapagbigay ng serbisyo sa tao.

Q: Well yung donasyon, ano ba yung donasyon naibigay po ng tanggapan po ninyo? Kung kahapon?

SEN WIN: Joel yung ating pamilya ay nag-donate ng PPEs at ibang medical equipment para po sa ating mga frontliners para mapakita natin sa kanila yung pakikiisa at suporta natin. Mabilis po kasi maubos ang PPEs at medical items talagang araw-araw ho yan ginagamit kaya minabuti ho ng ating pamilya na direktang bumili ho sa China dahil mas mura ho doon. At nagpapasalamat nga ho ako kay Secretary Lorenzana, kay General Felimon Santos at LTGen Paredes, sa ating Philippine Airforce. Pinahiram nila ang kanilang C-130 para pick-upin itong mga PPEs. Puno-punong po yung eroplano at ito ay makakasupply sa ating mga frontliners for the next one to two months.

Q: Sir yung turismo, nabanggit yung inyong negosyo sa pamilya ay nasa hospitality and tourism. Pagkatapos netong covid-19, nakikita niyo na talagang mabagal ho talaga ang takbo ng turismo, papano po natin ibu-boost ulit ang turismo sa ating bansa? Maghihigpit ba tayo sa turista dahil baka may panganib pa rin ang covid-19? At paraan ho ng pagkita natin diyan ay kapag dumadagsa dito ang mga turista? Magkakaroon ba tayo ng paghihigpit muna sa pagdasa ng mga turista dito?

SEN WIN: Weng, sa tingin ko this year talagang wala nang papasok na turista sa ating bansa dahil talagang nakikita natin na ang pagputok ng covid-19 sa iba't-ibang panig ng mundo ay iba-iba rin eh. For example sa Singapore una okay, ngayon hindi na okay. So delikado rin na magpasok tayo ng mga Singaporeans dito dahil hindi natin alam kung may covid sila o hindi. For example sa Amerika o sa Europe, doon din po ang sitwasyon ay medyo malubha kaya mahihirapan din tayo mang-akit ng turista na galing sa Amerika at sa Europe. Nakikita ko mga at least three months ganito ho ang magiging sitwasyon until end of the year, posible ho yan. Ang tourism sector and hospitality sector talagang nahihirapan ho sila mag-survive kaya ang nakikita ho namin dito, dapat unahin natin ang mga empleyado dahil yung mga may-ari makakakain yan, tatlong beses sa isang araw pero ang empleyado kapag tinanggal ho yan sa trabaho problema na ho yan dahil hindi natin sila mahahanap at wala silang makakain. Kaya dapat ang unahin sa tourism sector ay ang mga empleyado. Siguruhing may trabaho sila at may sweldong makukuha.

Q: Meron ba kayong panukala kung hindi ako nagkakamali, cultural sites ho natin, heritage sites pwedeng i-boost natin para local tourism muna ang i-promote natin siguro?

SEN WIN: Tingin ko kapag medyo gumaan na ang sitwasyon, tingin ko by May or July, dahan-dahan lang pwede na nating akitin yung ating mga local tourist na umikot sa Pilipinas. Pero depende yan sa sitwasyon Weng, mahirap sabihin ngayon, nagumpisa pa lang tayo ng testing. Ang aking punto naman hanggang nandiyan ang virus, hindi ho tayo pwedeng lumawas at bumisita sa iba't-ibang lugar. Dapat safe na muna tayo bago tayo gumala. Delikado pa at dapat manatili muna tayo sa ating mga tahanan.

Balik Probinsya program

Q: Last question na lang Senator, yung Balik Probinsya program, binubuhay. Ano ho yung pananaw niyo doon? Lumuwag ang Metro Manila at ma-decongest ika nga?

SEN WIN: Marami kasi tayong mga stranded workers dito sa Metro Manila, in fact sa Valenzuela meron kaming 1,200 na stranded construction workers. Karamihan ho galing Bicol at karamihan ho galing Leyte. Itong dalawa nakita ko dito sa Valenzuela mga taga-Leyte at taga-Bicol. Kung pwede, dapat i-uwi muna natin sila sa kanilang mga pamilya sa probinsya dahil mas madali ang kanila pamumuhay doon. Pwede silang magtanim, mas mababa ang cost of living kaysa gumastos ho sila dito sa Maynila, iuwi na lang muna natin sila. Doon naman ho sa mga tinatawag na informal sector, o informal settlers, ito yung mga nakatira sa squatters area pwede rin ho natin silang hikayating bumalik sa kanilang probinsya habang ganito ang sitwasyon. Sa probinsya sa pag-ikot ko sa Bulacan, nakita ko na pwede silang magtanim doon. Sa Angat Nagtatanim ho sila, sa DRT nagtatanim ho sila doon kaya mas magaan ang kanilang pamumuhay sa probinsya kumpara dito sa siyudad.

[end recording]

News Latest News Feed