Press Release
April 26, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Milky Rigonan of DZRH

On the President's decision to extend the enhanced community quarantine.

SP Sotto: Nung Lunes pa lang, nung tumawag siya ng special meeting para ibriefing siya ng mga health experts tapos pinatawag kaming dalawa ni Speaker Alan, yung heads ng dalawang kongreso, siguro gusto niya kaming makinig para mahingi rin yung reaction din namin pagkatapos magbriefing nila, noon pa lang, medyo nakikita ko na na yun ang tamang action, ang iniisip ko na nung panahon na yun dahil pareho kami ng pinakikinggan. Naisip ko nga sana gawin ng Presidente is ituloy muna doon sa mga areas na masama pa, malala pa. At doon sa hindi naman, yung completely wala namang problema, ilift doon, or medyo modified was the word na ginamit. In other words, Lunes pa lang and then nung gabi at kinabukasan, sa Viber group namin ng mga Senador binigyan ko sila ng pahapyaw kung ano yung mga napagusapan. At saka yung mga statistics na nandodoon, na talaga namang nagbigay ng magandang pananaw sa Pangulo para gumawa ng desisyon na ganyan. So, nung gawin niya yung decision, sang-ayon na sang-ayon kaming lahat lalo na ako.

Q: Ano po ang inaasahan ng Senado dito sa action ng gobyerno na hindi pa nagawa noong inimplement una itong enhanced community quarantine? Ano ang aasahan ng Senado ngayon na nagdesisyon for an extended ECQ?

SP Sotto: Mula nung unang araw na pinasa namin yung Bayanihan Heal as One Act, which is the RA 11469, ito ay inaasahan namin na every week, bibigyan kami ng report ng Pangulo. Binibigyan niya kami tuwing Lunes namin natatanggap. Nakalagay sa batas yun na tuwing Monday nila gagawin at ginagawa nila. Sinusunod ng Pangulo yung batas through the letter kasi pinaka-latest niya magbigay ng report is 11:48 ng gabi. Nakakarating sa amin every Monday. Ngayon, pagdating sa akin noon, ang ginagawa ko noon, ineemail namin sa lahat muna ng members ng oversight committee, yung apat na members ng oversight committee na sina Senator Pia Cayetano, who is the chairperson, and then Senator Lacson, Senator Bong Go and Senator Frank Drilon from the minority, who is the Minority Leader. Pagkatapos noon, ini-email din namin sa mga kasama namin sapagkat pagkatapos nilang ianalyze yun, sila yung mga nagbibigay ng mga comments nila at reaction nila. At ito, kinabukasan or two days after, pinapadala ni Pia sa Executive Department para makita lang nila na hindi naman kailangan yun, pero ginagawa ni Pia yun para malaman ng Executive Department kung ano yung mga reaction namin doon sa ginagawa nilang report. Apat na beses na yan, ang pang lima, bukas. Doon sa apat na beses na yan, nakikita naman namin na talagang they were really trying their best sapagkat medyo may ka...ang isa sa pinaka-key or susi na mahalaga doon sa Bayanihan Heal as One Act, ay yung pagdidistrbute ng SAP which is the social amelioration program. Talagang sa tingin namin, yun ang isa sa mga makaka-alleviate sa problema ng mga kababayan natin na ni-lockdown natin, kung ayaw man nating tawagin or kung gusto mannating tawaging lockdown yung enhanced community quarantine. So inaasahan namin na talagang may problema ng kaunti, pero medyo nadelay talaga sa ibang lugar kasi hindi maayos yung database. Unang linggo pa lang, nakita ko na na mahirap yung database nagtutugma, yung database ng DSWD at saka nung local government units kaya medyo sumakit yung ulo ng kaunti ng DILG diyan at saka ng DSWD diyan. Pero makikita sa mga report na pinipilit ayusin, yung pondo dumarating, yung pondo nandiyan, nadownload na. Ang problema, yung paano ibababa kaya after the first week, nung pagbigay ng report sa amin, hiniling ko na kaagad na, hinanap ko na kaagad, nasaan na yung National ID System dahil kung ginawa ng Executive Department yung National ID System nuong isang taon pa lang, two years ago nung pinasa namin, magdadalawang taon na. Kung meron noon, walang kahirap-hirap yung distribution. Talagang hindi madedelay. So ngayon, nadelay pero ginagampanan naman ng Executive Department.

Q: Sa issue naman ng mass testing, (unclear) mukhang mabagal po ang pagpapatupad sa mga lugar na lalo na po yung matataas ang kaso ng Covid-19?

SP Sotto: Nabigla kasi ang gobyerno, hindi tayo nakapag-handa. Yun ang isa sa mga pinpintas talaga originally, pinipintas ng mga Senador sa Department of Health, na dapat noon pang panahon ng SARS, nagkaroon ng SARS, dapat pinag-isipan na in the future baka sakaling may mga ganito pang darating in the future so dapat may mga nakahandang ganoon. Meron naman, pero not on a national scale. So hindi natin masisisi ang DOH at saka ang gobyerno namabigla kaya ang testing kits ay hindi marami, hindi kumpleto at saka yung mas maraming dumating nung una, yung rapid testing kit, pero yung main na gusto ng DOH na ginagamit ay hindi sapat yung supply, kaya medyo nadelay talaga yung paguumpisa ng mass testing. Well, sa ngayon naman ang magandang balita, itong linggong nakaraan at saka ngayon, nadagdagan na at nadagdagan na rin yung mga laboratoryo na nagnais nito. Ang Red Cross lang, merong 1,000 a day na mass testing na pwede, so araw-araw yun, pwede sila isang libo, bukod doon sa RITM at doon pa sa mga ibang laboratoryo ng gobyerno na naitayo na, I think there are about three more. And then meron pang mga local government units na gumawa, Marikina, Pasig, Valenzuela, meron na rin yata ang Quezon City, so malaking bagay yun, nakakahabol na.

Q: Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, sapat pa rin ba yung pondo ng gobyerno para ipatupad itong extended ECQ? O kailangan po tayong magpatibay ng supplemental budget?

SP Sotto: Sa katotohanan lang, pagka tiningnan mong mabuti, pinag-aralan mo yung batas, wala kaming nilagay na amount. Wala kaming specific amount na nilagay sa kabuuan and I should know, dahil ako yung principal author nung batas. Kasi, alam namin na pwedeng kailangan mas malaki ang elbow room, so napakalaki ng binigay namin na pwersa or power, special powers sa Pangulo, sa Executive Department, para magawa yan so ang tantiya lang nila, ang nangyari doon, may tantiya, ng tantiya was about P275 billion. Sa ngayon ang tantiya mga nasa P300 billion pero may mga underlying na maaari pang maging gastos. So sa ngayon, ang iniisip nga nung iba, baka daw kailangan ng supplemental budget, kakapusin ito, meron pang mga additional na mga ganito. Kung tutuusin, hindi kailangan sapagkat nandoon lahat ang binigay naming power doon sa RA 11469, hindi na kailangan ng supplemental budget. Pwedeng gumalaw, pwedeng galawin ng Pangulo yan. As a matter of fact, isa sa mahalaga doon sa batas na yun ay inilagay namin doon yung Constitutional provision which is the Article 6 Section 23 No. 2. Ano yun? Yun yung emergency powers ng Pangulo na pwede niyang gamitin kapag kakailanganin in the span of the lifetime of the law. Kasi yung batas, ano yun, may lifespan yun. Parang may sunset provision yun, yung mga special powers ng Presidente at saka yung emergency powers na pwede niyang gamitin doon, ay merong sunset provision which is pagka tapos na yung problema ng Coronavirus-19, or Covid-19 kung tawagin, or nitong virus, okay na rin yan, sarado na yung batas. Pwede ng itiklop yun, kaya nandoon lahat. Ang tingin ko, hindi ko maisip ano pa ang hihinging supplemental budget, eh pwedeng galawin ng Presidente. Pwedeng galawin, kaya lang syempre ayaw ng Presidenteng galawin yung build-build-build dahil yun ang pinakamabilis na pangrecover din naman ng gobyerno pagkatapos nito. Sapagkat hindi natin maiiwasan na ang ekonomiya ay nagsusuffer at yun ang isa sa mga binabalanse ng Pangulo sa pagpupulong namin noon. Binabalanse niyang mabuti na hanggang kailan pa pwede kaya ito para ang ekonomiya natin ay umaandar pa rin. At yun ang dahilan kung bakit originaly noon pa lang first week nung ating problema which was March 11, ganyan pa lang, sinuggest ko na kaagad sa Executive Department na parang kailangan magbigay tayo ng pera, huwag nating asahan yung pagkain ang gagawin sapagkat nakikita natin na yung pagkain, bibilhin ng mga local government units o ng DSWD, lulutuin, irerepack, at saka ididistribute. Yung paghahatid na lang sa pagdistribute, ilang oras yun? Ilang araw aabutin yun? Samantalang yung pera, pag binigay mo, mabubuhay ang ekonomiya doon sa barangay nila, sa paligid nila. Bakit? Eh sila na ang bibili. Bibili sila sa sari-sari store, magagamit nila yung pera, huwag lang sa pagrerebond ng buhok, ha?

Q: O kaya yung pagbili ng droga o mga hindi kinakailangan, di ba?

SP Sotto: Oo. Yun talagang yun, dapat ay pinapalo talaga dapat ng sinturon yung mga yun. Grabe naman, hindi ba? Pang pagkain ng pamilya yun, gagamitin mo sa pagsusugal at kung anu-ano, sa droga, grabe. Anyway, kaunti lang naman yun, hindi naman...generally naman, ang mga kababayan naman natin may isip naman at saka (unclear) at saka inaasikaso nila ang pamilya nila, nakikita naman natin. Karamihan ganun naman. May ilan lang na matitigas ang ulo.

Q: Ang desisyon po ninyo ay tuloy ang pagbabalik session sa May 4 kahit meron tayong extended ECQ. May panukala yung ilan ninyong kasamahan sa Senado, Senate Majority Leader Migz Zubiri, Sen. Sherwin Gatchalian, na kung pwede daw po teleconferencing na lang?

SP Sotto: Hindi pwede sa May 4 sapagkat meron kaming legislative calendar na pinasa namin every year at saka utos ng Constitution na gagawa kami ng legislative calendar so we cannot do it on May 4, yung suggestion nila. Pwede naming pag-usapan yan sa May 4. In other words, kailangan magconvene muna ako ng May 4. May kasama ako o wala, may dumating or wala, magcoconvene ako as Senate President, trabaho ko yun. Pero alam ko na karamihan sa mga Senador ay darating. Malakas ang loob ko na, karamihan naman sa kanila, halos lahat, halos lahat ng Senador, very conscientious sa trabaho. Nakita ko yan. Lahat, pati yung nakakulong, conscientious sa trabaho. Kaya lang merong mga hindi makapunta, merong syempre may mga ailment or nagkaroon ng problema sa Covid-19, kaya inaasahan ko na hindi lahat makakapasok pero ang karamihan makakapasok. Doon, pwede namin pagusapan yun at habang kausap namin, pinaguusapan namin yun, pwede naming kausap yung hindi makakarating to teleconference in. Pipiliin lang namin kung anong sistema yan, pero we decide on May 4 on what to do thereafter. Kasi kung wala namang major na paguusapan, or kung ang paguusapan namin ay napakahaba din ang interpellations, ay huwag na. Di ba, kung magdedebate lang kami doon, naku huwag na, magsuspend na lang kami. Pero kung mahalaga yung paguusapan, sige. Like for example, kailangan naming ipasa, ang tingin ko mahalagang ipasa namin yung tungkol doon sa pagiimbistiga nung National ID System, ano ang nangyari doon sa dalawang taon. Ano ang nangyari doon? Daalawang bilyon ang binibigay namin sa kanila every year, saan napunta? O, hindi ba? (Unclear) NEDA, sila ang mananagot nung tatanungin namin. Importante yun, isa. Pangalawa, hindi pwedeng hindi namin i-honor si Senator Heherson Alvarez. Lahat ng naging Senador, lahat ng pumapanaw na Senador ay ginagawa namin yun, so meron kaming resolution na dapat ipasa tungkol doon, yung mga ganoon, mahalagang pagusapan. Pero, ano pa ang ibang pwede namin? Meron kaming agenda, paguusapan namin, pero kung hindi rin lang talaga masyadong kailanga, pwedeng suspended lang kami or kaya iapprove namin yung ibang gusto sa amin na mag teleconferencing, okay lang. Kaya lang, yung sistema, kailangang pag-aralan mabuti. Who calls the shots, paano gagawin, saan gagawin kasi hindi pwede yung Zoom, may legal question, di ba? Pero maraming ibang sistemang pwede, so paguusapan namin sa May 4 yun, kailangan nandoon kami. At siguro yung iba naman (unclear) kasama namin, okay yung teleconferencing pero merong major vote na gagawin, kailangan physically present.

Q: Bukas po kayo for teleconferencing sa mga hearings, plenary sessions? Paguusapan on May 4?

SP Sotto: Oo, okay yun, paguusapan namin sa May 4 yun. Okay yun, yun ang pinupush na resolution ni Majority Leader Migz Zubiri.

Q: Ang isa sa mga problema pa rin natin ay itong insurgency sa kabila ng health crisis natin ng Covid-19. Pasaway pa rin ang New People's Army. Maraming mga insidente na namatay yung ilan sa mga sundalo natin. Sa nakalipas na statement ng Pangulo, ang sabi niya ay mapipilitan daw siyang iimplement ang martial law. Ano po ang take ninyo dito?

SP Sotto: Sa akin, ang kaisipan ko diyan sana naman mag dalawang isip mabuti yung mga NPA pagka ganoon. Sapagkat huwag nilang pilitin ang Presidente magdeklara ng martial law sapagkat ang dami na nga nating mga kababayan na nahihirapan tapos sinasabayan nila ng panggugulong ganoon. Talagang ano ba, gusto ba nilang makikita ng mga kababayan natin na wala silang pagtingin sa kapwa na mga kababayan natin pagka ganoon. So siguro naman na ay panahon na huwag muna silang ganyan ant yung kanilang pinaglalaban, kung idelohiya man yan, ay pwedeng ipagpaliban habang gumagaling muna yung bansa natin sapagkat ibang klase itong nangyayari sa ating paligid. Pagka may giyera, ang mga Pilipino handang ibigay yung buhay niya para sa bayan. Pero sa klase ng situwasyon ngayon, hindi yung buhay niya, yung buhay ng Pilipino nakasalalay ngayon sa bayan. Baliktad. Pwedeng mamatay ang bansa, pero kailangan buhay ang Pilipino. Paano mamamatay? Kung bumagsak ang ekonomiya sasabayan pa nila ng gulong ganyan, hindi ba? So tingin ko naman huwag nilang gawin kasi pag ginawa nila, at ang Pangulo ay nagdeklara ng martial law, in furtherance of a problem on rebellion, pwedeng gawin ng Presidente yan, umasa kayo na karamihan ng mga Senador papayag.

Q: Ano ba ang sistema nitong declaration ng martial law if ever? Dadaan ba ito sa proseso din sa kongreso?

SP Sotto: Siyempre, nasa Constitution yun eh. Kailangan sumang-ayon pa rin ang kongreso, (unclear), yun yung ginawa, at saka yun naman (unclear) martial law ngayon nitong 1987 Constitution medyo mas malabnaw ito kesa roon martial law nung 1935 Constitution.

Q: Isa sa ga plano ng bagong NEDA chief, si Karl Chua, magpatupad pa rin, isulong ang mga panukalang additional taxes, ano po ang tingin ninyo dito sa harap ng mga nararanasang health crisis natin?

SP Sotto: Doon sa mga pakikinabangan na pwede, pwede siguro yun, pero sa kabuuan, sa taong bayan, huwag sa taong bayan. Gulong-gulo nga ang taong bayan, hirap na hirap dito karamihan, pero tingnan mo, for example, nung isang araw binalita sa akin ni Sec. Sonny Domingez ng Department of Finance na bumaba daw ang gasolina, P17. Aba, matindi yun. Matinding baba yun, hindi ba? Kung P17 ang binaba, at bababa pa, bababa pa raw, eh di yung bawas na yun ay pwede nating itax doon sa mga kumpaniya, hindi ba? Yun, kung mga ganoon ang mga tatargetin, okay lang, ganoon. Kahit mga three or four percent, nung nasasave sa buwis na yun baka pwedeng makuha ng gibyerno, pwedeng pangdagdag sa tulong sa Covid-19 yan, pwedeng mga ganoon, pero additional taxes that will burden the Filipino, or the common tao, ay huwag muna. Huwag naman kasi hindi ngayon ang panahon para gawin yan.

Q: After May 15, ano po ang nakikitang scenario po ng Senado sa extended ECQ?

SP Sotto: We can only have our fingers crossed na sana pagdating ng middle of May, ay GCQ na lang itong mga key areas na medyo malaki ang problema at doon sa rest of the country lifted na, sana. Sana, yun ang dasal natin. Ngayon, meron pang mas magandang dasal, na sana itong natatagpuan sa Israel at ang Israel at WHO, through the United Nations, meron silang very powerful research institute, matindi ang research institute niya, ang China meron din, ang Pilipinas meron din. Kung makatagpo na kaagad sila ng vaccine or talagang approved yung 100 percent nakakagamot na gamot nito, eh pwede ng ilift yan. Ililift ng Pangulo kaagad yan. Yun ang pinakamatinding pinakamagandang dasal at pinakamagandang mangyari. Magkaroon ng ng antidote, magkaroon ng vaccine.

Q: Ng gamot?

SP Sotto: Oo, yun na. Solved na lahat yung problemang yan. Yun ang ipagdasal natin.

Q: At sana huwag ng umabot ng ilang taon. Ang projection ng mga eksperto ay mga isa, dalawang taon bago makadevelop talaga ng vaccine dito sa Covid-19.

SP Sotto: Yun ang projection talaga ng mga iba sapagkat blind eh, blinded pagpasok, di ba? Nung pasukin natin itong problemang ito, ang mga karamihan, bulag, nabigla. Ngayon, kung totoo yung tsismis na meron naman daw antidote yung China, aba eh (unclear) nila tayo. Tsismis lang yun, huwag kayong patol ng patol baka tayo masisi at magkaroon ng diplomatic problem.

Q: Baka meron kayong panawagan sa ating mga kababayan na nahaharap dito sa talagang matinding pagsubok dahil dito sa nararanasan nating krisis?

SP Sotto: Salamat, Milky, maraming salamat sa inyo, salamat din sa media, malaking bagay kayo. Hindi entertainment value ngayon ang nangyayari sa mga radio and television stations natin, sapagkat ang nangyayari ay sa media umaasa ang mga kababayan natin kung ano ang mga nangyayari. Asahan ninyo naman na kung ano ang dapat na gawing trabaho ng mga Senador, ginagawa po namin. Kami naman umaasa na yung Executive Department ay may ginagawa ding mabuti, nakabantay kami. At doon sa mga nag aakala na walang ginagawa ang mga Senador napakalaki ng pagkakamali ninyo. Hindi lang ho kami mahilig magbitbit ng media pagka kami ay tumutulong nationwide. Meron akong listahan ng mga ginagawa nila at ginagawa namin. Magugulat kayo sa amount involved ng ginagawa ng mga Senador. Lahat sila. Kaya nandiyan po kami at nakabantay pa bukod doon sa gumagawa kami ng sarili naming pagtulong. So huwag tayong magkukulang sa pagdarasal, dun ang pag-asa natin sapagkat sa isang kisap-mata, isang pitik, pag sinabi ng Panginoong Diyos ito, tama na, siguradong matitigil yan kaya asahan natin ito, sapagkat nasa kanya lahat, nasa Panginoong Diyos. Baka ito ay nangyayari para medyo magising at mamulat ang mata ng mga kababayan natin lalo na ng mundo na hanggang ngayon, parang ganoon pa rin, parang hindi pa rin nakakatikim ng hagupit. Lalo na doon sa America at sa Europe, sana magising na at sana maawa ang Panginoong Diyos sa atin at makaraos tayo dito.

News Latest News Feed