Press Release
April 18, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with DWIZ's Ms. Cely Bueno

Transcript of Interview with Ms. Cely Bueno of Usapang Senado on DWIZ

April 18, 2020

(Saturday)

On the start of session on May 4

Q: Matatapos na itong enhanced community quarantine on April 30 at ang session naman po ng Congress ay nakaschedule ng May 4. Sa tingin ninyo ba matutuloy yung pagbabalik ng session sa May 4 o pwedeng mabago ang inyong legislative calendar?

SP Sotto: Yung legislative calendar hindi pwedeng baguhin kahit na mag extend pa ang Executive Department o sabihin ng Pangulo na dapat ay iextend yung ECQ sa middle of May para mas safe pa or probably (unclear) ganun. Depende, hindi natin alam. Hindi natin makuha yung eksaktong mga figures ng mga agencies nung mga nirereklamo ng ibang tao na nababasa ko. Kung minsan yung lumalabas lang yung mga total, hindi alam kung ilan yung nag positive dito, ilan yung pinauwi sa ganito, saang lugar, ano? So nanghuhula rin yung mga tao kaya siguro mas magbigay ng magandang impormasyon pa yung tungkol diyan. Hindi natin matatantiya kung tayo lang unless hindi sila nakakakita, hindi natin matatantiya (unclear) yung mga dapat iextend pa, at (unclear) yung pwedeng hindi, or pwedeng ibalik doon sa community quarantine lang hindi yung enhanced community quarantine which is (unclear) lockdown. Baka pwede ring at the end of the month, sabihin naman hindi, total lockdown ito, ganito-ganitong area, hindi natin masabi. As far as time is concerned, it is up to the Executive Department. Pag dating sa Senado or sa Kongreso for that matter, ang legislative calendar namin hindi pwedeng baguhin, mandato yun. We have to convene on May 4 no matter what. Totoo naman trabaho ko yun. Mag isa man ako doon o may dumating akong mga kasama, icoconvene ko yun, trabaho yun eh. I am sure marami sa amin makakaattend. Icoconvene ko yun and then as a matter of fact, there was a suggestion about a few days ago by both Senator Drilon and Senator Lacson na madalas ko naman kausap, ang suggestion nila, one week before, pagusapan na namin yung legislative agenda. Kung merong importanteng pwedeng pagusapan, o pwedeng reference of business, pagkatapos. Katulad niyan, napakaraming resolution nakafile. Maraming resolution na alam kong nakafile, minimum. So, magkakaroon ng reference of business on May 4 yan. Ibig sabihin niyan pwedeng mag hearing yung mga committee during May 4 up to the adjournment sine die. Maraming pwedeng mangyari. Una, may legislative agenda kaming paguusapan. Ang usapan naman namin dito, at saka sang-ayon I am sure majority sa mga kasama ko, ay yung hindi mga controversial. Kung mag-uubos lang ng oras namin yung paguusapan ay hindi mapapasa. Ang dapat pagusapan namin yung mga ipapasa, yung mga kailangang-kailangan ng gobyerno or ng taong bayan. So yung mga resolution ay, syempre resolution yun, depende sa (unclear) so pwedeng pagusapan din yun. Yan ang sitwasyon at (unclear) medyo unless malala at sabihin ng Pangulo na hindi, total lockdown, wala eh, (unclear) talagang matigas ang ulo, labas pa rin ng labas, hawa pa rin ng hawa, ang mangyayari doon, magcoconvene pa rin kami pero ang plano ko, at (unclear) malalaman ng mga kababayan natin yan bagamat nasabi ko na sa ibang senador yan, ang plano ko magsususpend ako. So I can call anytime.

Q: May 4?

SP Sotto: Ihahampas ko yung May 4, tawag namin yun and then kung nakalockdown, magsususpend lang para anytime hindi na kailangan tumawag ng special session ang Presidente. Pag may kailangan, pwede kami magconvene.

Q: Isususpend ninyo lang yung session sa pag-open ninyo ng May 4?

SP Sotto: Oo pero that's one plan. The other, mas tinitingnan ko yung possibility ng a silver lining wherein pwede na kaming magtuloy ng trabaho after May 4.

Q: Na talagang balik na sa dati na normal?

SP Sotto: Hindi pa rin. wala na, tingin ko hanggang mga dalawa or tatlong taon hindi na magbabalik sa normal na pareho ng dati tayo. Ibig sabihin, hindi naman sa ako ay nananakot. Ibig sabihin, siguro after two or three months pa, magsusubside na yan, sa tingin ko, awa ng Diyos. God permitting, God willing, huhupa na yan, pero hindi na babalik ang ugali ng Pilipino, tingin ko. Hindi na palagi na lang may hugging, may kissing, may kamayan, maingat na.

Q: So magkakaroon ng new normal, hindi na tayo babalik sa dating normal?

SP Sotto: Palagay ko. Oo, magiging ganoon, in the next two or three years, magiging ganoon ang mangyayari.

Q: So pag nagbalik ang session, halimbawa hindi total lockdown, pwede na kayong magbalik ng trabaho ng May 4, yung mga committee hearings papayagan ninyo na po? Di ba diyan nagsimula ang maraming nahawa dahil diyan sa committee hearings na maraming mga guest na hindi pala alam ng carrier nitong virus na ito?

SP Sotto: Meron na kaming mga bagong protocols na paguusapan. As a matter of fact, the Sergeant-at-Arms and the Senate Secretary, Atty. Villarica, alam na nila yung pinaguusapan naming plano which is wala ng bisita. Pag may bisita ka, lumabas ka. Hearing, yung importante lang at saka meron ng cross-checking syempre. Siguro kung hindi naman importante yung hearing, hindi muna.

Q: Pero kung importante yung hearing, papayagan ba yung maramihan sa isang hearing room?

SP Sotto: Hindi, hindi mangyayari yun. Siguradong safe distancing pa rin.

Q: Kanina nasabi ni Senator Panfilo Lacson na sa inyong paguusap, ang akala po niya ay baka nga magkaroon ng pagbabago sa legislative calendar pero ang sinasabi ninyo ay kung hindi uubra, magoopen kayo ng May 4, pero pwedeng inyong isuspend para anytime pwede kayong magconduct ng hearing, so...

SP Sotto: Tama. Nagkausap kami, alam niya yun.

Q: Ano ang magiging priority ng Senado kapag nagbalik ang session? Alin doon sa napakaraming resolution? May kaugnayan po ba ito dito sa Covid crisis pa rin? Yun ang focus ninyo?

SP Sotto: May kaugnayan sa Covid sigurado, mapaprioritize yun. For example, ano ang nangyayari diyan s national ID system na dapat kung in place yan, last year p. Dapat yan, August 2019, yun ang target niyan, tapos naging January 2020 na daw, wala pa rin. Kung natupad nila yung pangalawang postponement nila na nagawa nilang 2020, imagine kung gaano kadali ngayon yung special amelioration program ng gobyerno, napakadali, di ba? At saka alam mo kaagad kung sino ang nabigyan o sino ang hindi nabigyan. Hindi maiiwan sa kamay nung mga sa baba, sa local level na namimili, parang ganoon, di ba? Ano ang nangyari? Gusto naming malaman ano ang nangyari, bakit nagkaganoon, ang dami ko pa namang impormasyon na nakarating sa akin na coming from within the government and without the government, galing din sa international community, may sinasabi din tungkol diyan, so malalaman natin sa hearing.

Q: Ano po yung mga ilang impormasyon na nakarating sa inyo bakit hindi talaga tinutuuan ang implementasyon nitong batas ukol sa national ID dahil mismong si Pangulo nga po, kagaya ng linya ninyo, kung daw meron ng national ID eh di mas mabilis nga ang implementasyon nung naturang programa?

SP Sotto: Yan nga, nung unang araw na nagsession kami, hinahanap ko na yun, di ba? Siguro, I'd rather not talk about it now, lalo na yung isa sa mga nakakaalam niyan ay nagresign, so tingnan natin.

Q: Si NEDA Secretary Pernia?

SP Sotto: NEDA Secretary, oo. Mas (unclear) yung mga ganoon, baka hindi makasagot. Hintayin na natin yung (unclear) sapagkat hindi rin nila magagawa yung (unclear) unless bigla nilang ifast-break, by next month ay meron na.

Q: (Unclear) na within the Executive merong kumokontra sa agarang implementasyon ng national ID law?

SP Sotto: Ewan ko kung kumokontra yun or nakakaabala pero siguro the last word that I can say is (unclear) just to play safe, ang balita ko may red tape. Ikaw na ang bahalang magdecipher kung ano yung red tape.

Q: Di ba hate na hate ni Presidente ang red tape sa gobyerno?

SP Sotto: Oo. Di ba nagpasa pa kami ng ease of doing business para (unclear) yung red tape which is also the original bill of Senator Lacson, di ba? Naalala mo yun dati, yung anti-red tape? Mga two, three years ago or four years ago yun tapos pag pasok naman ni Senator Zubiri, pinasok niya yung ease of doing business, na-enhance yun.

Q: Kung baga yung red tape na yun na nagiging sagabal dito sa national ID implementation...

SP Sotto: Nangyari doon sa national ID system.

Q: Di ba paglabag yun sa batas or kung sa ease of doing business?

SP Sotto: Kaya nga magandang malaman natin kung ano ang nangyari diyan at sino ang mga nasa likod ng mga balakid na yan.

Q: Nabanggit ninyo na nagresign nga yung isa sa mga dapat ay nagpatupad ng national ID system law. Sabi nitong si Cecille ng Philippine Star. Ano ang masasabi ninyo sa pagresign ni NEDA Secretary Pernia? Ang temporary na papalit sa kanya ay si Finance Usec. Chua.

SP Sotto: Magandang siguro si Karl Chua, masilip niya kung ano ang nangyari at bakit nabaon.

Q: Kahit nagresign si Sec. Pernia, pag nagconduct ng hearing ang Senate, pwede pa rin siyang patawag kahit wala na siya sa serbisyo?

SP Sotto: Pwede kung kakailanganin.

Q: Pero kanyang kinakatuwiran na merong ding mga Cabinet members na mukhang hindi tugma, ang kanyang position ay parang hindi kumporme yung mga miyembro ng Gabinete kaya siya nagresign sa pwesto?

SP Sotto: Medyo malalim yung (unclear) kaya magandang malaman natin ano yung mga pangyayari.

Q: Considering itong datos ng mga nagpopositibo na tuloy ang pagtaas, six thousand plus na nga, may mga nasasawi pa rin although tumataas yung nakakarecover, sa inyong personal na pananaw, safe na po ba April 30 ilift na itong enhanced community quarantine?

SP Sotto: In the absence of concrete national statistics and information, ang hirap sabihin. I would rather not venture into saying na o, okay na, or sabihin na hindi, hindi pa. Hindi ko nakikita, puro media report lang ang nakikita natin tapos sa briefer na report ng Presidente, ang nakikita pa lang natin is that everything is in place, supposed to be tumatakbo na. Merong mga pinapalaganap na, let's say sa Department of Agriculture, maganda na yung mga dapat gawin. Sa DSWD, (unclear) yung mga dapat bigyan ng tulong. Sa labor, sa foreign affairs. Sa Department of Transportation, ang kanilang ginagawa. Pati Department of Tourism, (unclear) nag-aassist ng mga (unclear) mission, yung mga travel ng mga foreign nationals, tapos yung Bureau of Corrections meron na rin silang ginagawang pamamaraan, mga temporary tents, lahat ng Bureau...yung Mines and Geosciences, Bureau of Customs, yung CHED, DepEd, DTI, lahat ng halos lahat na dapat gawin at yung mga tinalakay namin doon sa aming proposal nung una pa lang gawin yung Bayanihan Act, ay in place na naman at ginagawa na. Meron syempreng mga delay-delay ng kaunti doon sa mga iba pero umaandar na (unclear) lang so (unclear) ngayon. Now, what we expect is ma-contain ba ito or hindi pa, tataas pa ba ito or bababa na ang figures, (unclear) dalawang araw ng sunod na 100 plus nagpopositive, compared nung (unclear), two hundred plus.

Q: Pabago-bago pa rin.

SP Sotto: Oo. Kahapon, ilan?

Q: Hindi ko namonitor pero tumaas pa rin, marami pa ring nadagdag. Siguro sinasabi naman ay dumarami na rin yung nasasailalim sa Covid test na dapat matagal ng nagawa, so parang hindi pa rin makita yung sinasabing kailan magfaflatten yung curve.

SP Sotto: Yun nga, hindi natin masasabi. At saka yung mga labas ng labas, makikita mo yung mga nakakalat sa kalsada, yun ang mga dapat pinagte-test.

Q: Kaya nga. Parang (unclear) hindi nasusunod itong ECQ, minsan meron pa daw mga senior citizens na nasa kalsada, wala namang sumusuway sa kanila.

SP Sotto: Yan na nga, so hindi ba? Enforcement ang kailangang diinan pagka ganoon. Tingnan mo ang nangyari sa Cebu, isang barangay. Kasi ang mentality ng iba, hindi kami, hindi naman kami tatamaan niyan, sanay kami sa dumi, mga ganoong salita.

Q: Lumalabas pa na walang face mask.

SP Sotto: Oo. Wala ito, okay lang yan, yan ang dialogue. Pig yan tinest mo, malamang positive.

Q: Ang Pangulo napipikon na dahil syempre ginagawa nga ang lahat.

SP Sotto: Ako din.

Q: Nakakapikon talaga dahil tayong mga sumusunod, marami namang hindi, so nagbanta na nga ang Presidente na pagka naubos ang pasensiya niya, baka military takeover na para talagang sumunod.

SP Sotto: Para madala sila. Eh nasa sa kanya yun.

Q: Pero yung sitwasyon ngayon, kakayanin pa na hindi naman martial law ang ipapatupad ng gobyerno?

SP Sotto: Hindi naman. Pwede naman, pwedeng hindi. Ibig sabihin, siguro ang Armed Forces, baka pwedeng tulungan ang PNP.

Q: Na walang deklarasyon ng martial law? Tumulong lang?

SP Sotto: Oo, tumulong na ipatupad ang batas, which is the Bayanihan Heal As One Act. Ipinapatupad mo yung RA 11469, anong martial law ang pinagsasabi nung iba, hindi martial law yan, sa (unclear) yan, ang sabi natin doon, wag lalabas, stay home.

Q: Under that law ba may mga parusa sa mga magviolate? Sa mga pasaway?

SP Sotto: Parang meron yata, hindi ko na matandaan. Ako ang principal author, sa kapal ng batas hindi ko matandaan, (unclear). Ang tanda ko meron. Merong mga penalties sa mga hindi sumusunod.

Q: Kagaya niyan, kayo ang gumawa ng paraan na mabigyan ng ayuda itong mga mahihirap nating kababayan pero nung maibigay pala yung pera, merong iba na nagpasabong, nagpatupada, may nag tong-its, may nag-inuman, so parang, di ba?

SP Sotto: Hindi pa ba hinuhuli?

Q: Dapat nga po yung mga dapat masampolan at baka gayahin pa nung iba.

SP Sotto: Oo, tama hinuhuli yun, violation ng batas yun. (Unclear) let's give credit where credit is due. Kung ako yung unang nagbanggit nito, at sinabi ko sa mga kasama ko sa Senado, pinarating natin sa Malacañang, kinausap kay Sec. Dominguez, bigyan natin ng pera, subsidize natin yung mga kababayan nating nahihirapan bukod sa nagbibigay ng pagkain, pero yung ideyang yun, binigay lang sa akin ng mga businessmen. Mga top businessmen ang kausap kong dalawa na sabi nila, sinugest nila, sinugest ko yung idea sa Executive Department at sa mga kasama ko nung mga bandang February ba yun? First two weeks of February pinagusapan namin yung idea na yun dahil delikado ang tingin nila, one week pa lang into the ECQ, sa tingin nila mauubusan ng pera ang local. I mean the general LGU hindi yung malalaking mayayaman na lungsod although nandiyan yung kakapusin din yun, kaya nga doon sa Bayanihan Act, inalis namin yung cap. Inalis yung cap sa calamity fund, at saka doon sa isang subsidy, inalis din namin yung cap doon. Para pwede silang gumamit ng pondo nila.

Q: Di ba may suggestion nga kayo na yung mga LGUs, kung kulang yung binigay ng DSWD, abonohan muna nila at saka na lang magreimburse, tama po ba yun?

SP Sotto: Oo. Mababalik sa kanila yun. Mapapagtulungan namin ng gobyerno, ng Executive Department, mapagtulungan yun na maibalik sa kanila pero in the meantime, kasi mamaya sabi nila ito nakalaan ito para sa ganito, ito, nakalaan ito para sa ganyan, kung patay na yung kabayo, aanuhin mo pa yung damo? Aanuhin mo yung mga (unclear), anuhin mo yung mga ganyan kung wala na?

Q: Isang tanong lang, barangay chairman daw ito sa isang mahirap na barangay: kasama sa bahay niya yung ina na matanda at may sakit, walang trabaho, pero inalis daw yung nanay niya na senior citizen na may sakit sa listahan ng beneficiary ng social amelioration dahil kasama daw po siya sa bahay ng barangay chairman. Pero yung barangay chairman, P3,000 lang daw ang sweldo niya kada buwan. Tama daw po ba yung pagtanggal ng DSWD doon sa listahan sa nanay niya?

SP Sotto: Hindi tama. May special mention tungkol sa mga PWD at saka sa mga senior citizens. Kasama ba siya sa pamilya nila?

Q: Kasi po yung barangay chairman dalaga pa siya, so nasa bahay pa siya ng magulang niya. Ang magulang niya matanda, may sakit, walang pinagkukunan ng ikabubuhay.

SP Sotto: Pamilya nila?

Q: Oo, pamilya sila. Tinanggal daw sa listahan.

SP Sotto: Ay hindi, kasama sila. Sino ang nagtanggal? Naku ang Presidente, pag hindi sinampal yan.

Q: DSWD daw po dahil kasama daw yung barangay chairman sa bahay.

SP Sotto: Sino sa DSWD ang (unclear) nun, mali yun. Isang pamilya yan. Ang usapan, per family. Kahit kaninong pamilya yun, kahit may PWD totoo o hindi, kahit (unclear), pamilya, bigyan mo. Hindi pwedeng alisin.

Q: So may maling pananaw?

SP Sotto: Mali ang diskarte. Yun ang pinaguusapan namin nung isang araw, information dissemination, malaking bagay. Pati sa mga, kahit sa mga nagpapatupad ng mga empleyado natin, kung minsan, namimisinterpret. (Unclear) yan sinasabi ko, pinipilit ko. Kailangan ipaalam natin dito sa mga DSWD, DOF, hindi baling sumobra, wag lang kulang. Wag kayong alis ng alis. Sabihin hindi, madoble, hayaan mo na, basta bigyan mo lahat. Kaya nga dinagdagan na ng gobyerno, sinabi na ng Executive Department, sinabi ng Pangulo na pati yung middle income, isama na. Wala ka ng halos pipiliin.

Q: Maraming pumupuri kay Mayor Vico Sotto dito sa Pasig kasi ganoon talaga ang ginagawa niya. Halos lahat, ke botante o hindi, basta residente ng Pasig may ayuda na pinamamahagi po.

SP Sotto: Tama, yun ang sinasabi natin, matagal na. Dalawang linggo ng sinasabi natin yan, mabuti nakikinig yung mga katulad ni Vico na Mayor. Yung (unclear) ginagawa din naman.

Q: Pero marami daw pong hindi.

SP Sotto: Maraming hindi. (Unclear) sa kanila kung paanong sintensiya ang gagawin doon sa mga yun, sa 2022.

Q: Tama yan sir.

SP Sotto: Kaya nga sabi ko, hindi baling sobra wag lang kulang. Ang pinaguusapan dito hindi pera, ang pinaguusapan dito buhay. Yung pera kikitain ng gobyerno, madali yan, kahit ikaw local government official ka, or local government unit ka, kapos kayo, eh itong pera na ito (unclear), hindi pwedeng hindi, may IRA kayo. Merong paggagamitan, hindi, gamitin ninyo muna ito sa mga tao. Ang buhay, hindi naibabalik, ang pera maibabalik, kaya doon muna. Kahit na sobra. Hindi ako makapaniwala doon sa iniisip ng iba sa atin sa baba na alisin doon sa listahan, kasama. Ito, kasama ka. Isama mo lahat. Wag mo (unclear), magugutom yun dahil hindi mo isinama. Okay lang sa iyo, gutumin yun dahil hindi mo sinama? Hindi ba?

Q: ...Paulit-ulit ang national government na magpaliwanag ng sa gayon yung mga DSWD at yung mga LGUs doon sa mga malalayong lugar, malaman po nila kung paano nila ipapatupad yun kasi may iba talaga na hindi nagbibigay dahil mukhang mali yung kanilang interpretasyon sa sino yung dapat na beneficiary ng naturang programa?

SP Sotto: Oo, ang daming mali na interpretasyon. Kaso, araw araw nagkakaroon ng virtual presser ang Malacañang, hindi naman sila nanonood. Naka standby sa kanto. Hindi naman sila nanonood, hndi naman sila nakikinig, eh kung (unclear) nila yung pinagusapan na yun, paano kung (unclear) ka doon?

Q: Pero di ba meron namang mga dokumento na nandoon yung policy na pagbabatayan nila doon sa pamamahagi noong tulong pinansiyal na yun, pero ganoon pa rin?

SP Sotto: Kaya nga kulitin ninyo sa inyong impormasyon. Kailangang kulitin ng impormasyon ng Executive Department sa baba, lalo na yung DILG. Yun ang (unclear), kailangan doble sipag ang DILG dito sa information dissemination. At yung DSWD din na siyang namamahagi nito. Madali nga yung middle income, pinaka madali sa lahat, inuumpisahan na nila dahil may SSS. Through SSS ang gawin nilang listahan. So kung wala ka sa listahan ng SSS, ibig sabihin hindi ka empleyado.

Q: Yung mga middle-income earner na nawalan ng trabaho?

SP Sotto: Oo, dahil natigil ang trabaho.

Q: Itong nagresign na si NEDA Sec. Pernia, ang gusto niya, end of (unclear), yung calibrated opening ng mga mall, 50 percent daw magbukas yung mga mall, (unclear) sa Presidential Adviser on Entrepreneurship na si Joey Concepcion ng proposal niya gradual reopening ng mga mall, pero itong si Sec. Carlito Galvez, chief implementer ng government response dito sa Covid-19 kontra po siya dahil pag daw binuksan na yung mga mall maaari daw magkaroon ng second wave ng Covid-19.

SP Sotto: Ako ay ipagpatawad nila pero ako ay sumasang-ayon kay Gen. Galvez. (Unclear) yan. Kung hindi pa tayo nakakasigurado na sumubside, at yung subside na mababa, hindi yung subside na bumaba lang nga kaunti, magkaka second wave yan pag kinalat na yan. Hindi pa naman tayo maingat. Walang disiplina.

Q: So baka masayang lang yung ating naging sakripisyo na almost two months?

SP Sotto: Oo, mababalewala lahat yun. Makakakita ka na naman diyan ng kinukunan ng temperature nung gwardiya, magagalit pa, iinit yung ulo, aawayin yung gwardiya, o aawayin yung enforcer. Hinuhuli yung nasa labas. Naka-motor, wala siyang ID na pwede siyang lumabas. Walang helmet, hindi siya dapat lumabas, inaaway pa yung mga enforcer. Kung sino-sino pang mga pangalan yung pinagbababanggit eh ganoon yung mga kababayan natin, matatapang.

Q: So dapat mag-ingat ang ating mga concerned government (unclear) sa pagdedesisyon kung ano ang gagawin after April 30?

SP Sotto: Oo, medyo pag-aralan munang mabuti yan.

Q: Sabi nga ng iba dapat daw nagkaroon ng council of yung mga dati daw na health secretaries, dapat daw isa sa mga tinap para pagdating dito sa paglaban sa Covid-19 ay lagi silang nakukunsulta rin?

SP Sotto: At saka yung mga prominent na doctor sa private sector. Yun ang mga kunin mong council na kausapin at magbigay ng kanilang mga pananaw. Kasi marami akong nababasa na mga pananaw nila, salungat doon sa diskarte ng DOH. Maganda sana kung nakakausap yung ganoon, napag-uusapan nila. Mahirap din yung mga dating secretaries, iba ang perspective noon. Iba ang perspective noon, yung perspective noon yung kabuuan ng DOH ang perspective noon. Ibang klase, iba ang tingin ko kesa doon sa mga doctor na ang talagang focus hindi bureaucracy ng DOH, hindi mga (unclear) kungdi yung diskarte ng medisina.

Q: At saka yun talagang kalusugan.

SP Sotto: Oo, kalusugan, agham, yun ang mga mentality. Yun ang kunin mong adviser pagka ganitong klaseng pandemic.

Q: Isa ba yan sa naging pagkukulang ni Health Secretary Duque? Dahilan bakit nagkaisa ang mayorya ng Senado na sumuporta doon sa resolution seeking his immediate resignation?

SP Sotto: Maraming lumabas kasi doon sa aming Viber group nung mga senador. Maraming lumabas na pagkukulang, sumbong, omission, commission, mga kung anu-ano, so sabi ko nga, kahit kaibigan ko si Sec. Duque, when two-thirds of the Senate, pag sinabi mong two-thirds of the Senate, napakabigat, talo doon yung majority of the Senate, kasi ang majority dose lang, trese kung nandiyan si Leila. Pero ito kinse ang nakapirma may dalawang hindi nakapirma pero gustong pumirma, wala lang electronic signature. Labing-pito, eh di more than two-thirds yun. Anong gagawin mo, Senate President ka, hindi ka sasang-ayon? Hindi ba? Ang daming nakarating sa amin na report na ganito, na ganyan, siguro tama na pakinggan yung resolution. Hindi naman pinakinggan ni Sec. Duque, at ang sinasabi nila ay si Presidente ay stay put daw, hindi naman pumayag, medyo nagkakamot lang kami ng kaunti ng ulo kasi hindi naman namin inadress yung resolution kay Presidente.

Q: Si Duque lang?

SP Sotto: Inadress ba namin kay Presidente? Hindi. (Unclear) namin kay Sec. Duque.

Q: (Unclear) na nag-apologize, may admission ng kanyang possible shortcoming, so ano ang ineexpect ninyo, nanindigan siyang manatili sa position, may admission ng pagkukulang, nag apologize, so ano ang dapat gawin ninyo ngayon?

SP Sotto: Paguusapan naming mga senador siguro on May 4 kung ano ang nararapat na gawin namin doon sa resolution. Syempre we will take into consideration kung ano yung mga sinabi ni Sec. Duque.

Q: Pero kung mag level-up yung performance niya dahil nalaman niyang marami palang reklamo laban sa kanya, doblehin niya yung pagtatrabaho niya, maging agresibo at maging successful na siya, iimbistegahan pa ba siya?

SP Sotto: Paguusapan a rin namin yan. Whatever the case, by May 4, pagka reference of business yan paguusapan namin kung ano ang gagawin. I cannot second guess the sentiment of the majority.

Q: (Unclear) sa signatory, hindi ko na lang babanggitin yung pangalan, isa sa mga pumirma, sabi niya ayaw daw niya sa kalihim na DOH secretary na may pagkabusiness-minded. Isa pa sa mga dahilan ay sobra daw naging mabagal ang kalihim pagdating sa approval nung mga kinakailangang testing kits, mga PPEs, dahilan bakit marami ang napahamak tayong frontliners.

SP Sotto: Nakaka-ano, medyo...totoo ba yung nabasa ko kanina na nagscroll lang sa isang TV station yung 86 ba yung health workers na ba yun, ano yung...?

Q: Na health workers?

SP Sotto: Oo. Positive?

Q: Dito po sa atin, pero kahit sa abroad, marami rin tayong mga health workers na nagpositive at may mga namatay na rin na mga...

SP Sotto: Oo pero ibig sabihin, (unclear) isa sa mga complaint nila yan na dapat yan, napaghandaan sila. Yung mga kagamitan nila, yung mga approval ng ganito, approval ng ganyan, yun ang karamihan ng reklamo, yung approval ng ganito, ng ganyan, yung iba may sulat sa amin, yung iba reklamong personal.

Q: Naalala ko doon sa Senate hearing, ang dami na ring nakitang weaknesses ng Senate di po ba, dahil sa contact tracing na lang, may nagpositive na parang (unclear) hindi pa natetrace na nakasalamuha...

SP Sotto: Yung Cebu. Yung unang-unang dumating sa Cebu na galing sa abroad?

Q: Oo, nagturuan pa.

SP Sotto: Oo, nagturuan ng contact tracing. Dapat yun, yung buong eroplano pati crew.

Q: Mabilis naman sumuko yung mga pangalan...

SP Sotto: At saka yung pinuntahang hotel (unclear).

Q: Mabilis lang yun dahil may mga listahan ng lahat ng nakasakay sa eroplano.

SP Sotto: Lahat ng sinakyan nung (unclear). Kung kinontact-trace mo kaagad lahat yun, tapos tinest mo na kaagad lahat yun, di ba? Dapat ganoon, inisolate mo agad sila, teka muna, dito kayo sandali. Kaunti pa lang yun, walang isang daan yun. May isang daan pero mas madaling nakontrol kaagad kahit paano.

Q: Isa sa development ngayon, yung contact tracing wala na sa kamay ng DOH, inilipat na sa DILG.

SP Sotto: Kung may (unclear) na ngayon, wala tayog magagawa, malaganap ng masyado yun.

Q: Doon siguro talagang nagkulang, hindi dapat nating hinayaan na umabot sa community transmission dahil doon na talaga, mabigat na pag community transmission.

SP Sotto: Oo, parang nangyari sa atin, nag-aabang na lang. Wala pa namang local transmission, yun ang dialogue. Ilang na ilang ang DOH noon di ba? Wala namang local transmission pa di ba kaya okay lang yan, ibig sabihin puro galing ng abroad yan, yun pala hindi lang natetest. Hindi pa lang natetest.

Q: Problema ngayon, kahit hindi ka naexpose sa isang nagpositive, hindi ka pa matest dahil wala ka naman daw matinding symptoms, priority daw yung matinding symptoms. Sana basta naexpose, automatic ma-Covid test na.

SP Sotto: Correct. Sana. Yun ang sinasabi namin noon. noon pa lang, hindi ba, tapos pinipintasan nga kami na bakit daw kami nagpapatest wala naman daw kaming pinapakita? Exposed nga kami. Iba naman yung situation namin sapagkat may tinatawag na governance survival ang tawag doon para sa kaalaman ng karamihan. Ang sinasabi na governance survival, yan, at pinapaliwanag sa bawat constitution sa bawat bansa yan, na kailangan, na yung mga nasa gobyerno in succession. Yung Presidente, Bise-Presidente, Senate President, Speaker of the House, Chief Justice of the Supreme Court, yug governance line na yun, kailangan yun, safe. Pag may mangyari doon, sasabit yung buong bansa, magkakagulo. Ganoon yun, kaya merong importanteng, merong tinatawag na governance survival kaya wag silang pintas ng pintas, maraming magagaling. Sa totoo lang, magagaling pumintas, imbis na tumulong. Magbigay kayo ng suggestion. Pag namintas ka, magbigay ka ng suggestion, yun ang maganda.

Q: Okay lang mamintas kung meron kang magandang suggestion.

SP Sotto: Oo. Pagka pinintasan mo, meron kang suggestion, hindi yung pintas ka ng pintas, puro personal pa yung pintas mo, hindi maganda.

Q: So tama lang yung ginagawa ng PSG na kahit sino, basta lalapit sa Pangulo, talagang dapat kang magpa-Covid rapid test? Meron daw isang kalihim na lahat ng daliri niya ay na-prick na dahil...

SP Sotto: Oo, okay lang yun, Presidente yun, eh kung nahawa mo yun?

Q: Pero ang Pangulo pag nagsasalita, talagang nakikita mong aminado siyang ang bigat nung kanyang dinadala na problema. Nagdadasal na daw ngayon ang Pangulo.

SP Sotto: Kailangan talaga, at saka yun ang panglaban natin. Sayang na lang yung pagka relihiyosong bansa natin dapat talaga daanin natin sa dasal ito. Everything is God's will. God permitting, makakalusot ang bansa natin dito. May mga bansa na nakakalusot na, may magagaling ang diskarte, sana maawa ang Panginoong Diyos sa atin.

Q: Isang malaking hamon ngayon kapag medyo naprevent na natin ito, ay iyong economic recovery.

SP Sotto: Saka na yun, madali yun, hindi problema yun. Kayang-kaya ng gobyerno yun at saka madaling ipang-utang yun. Importante muna mailigtas muna yung ating mga kababayan. Dapat ipagdasal natin yan, God permitting, pero sabi ko nga, maawa sana ang Diyos sa atin, paano maaawa doon sa labs ng labas, nagsusugal pa sa labas? Matitigas ang ulo, hindi maaawa sa kanila, di ba?

Q: Binibigyan mo pa ng tulong.

SP Sotto: Ang mabigat doon, dinadamay tayo, di bale kung sila lang.

Q: So kayo hindi na rin lumalabas ng bahay?

SP Sotto: Hindi, puro telepono. Pero pagka nakakasilip ako, may simbahan na malapit sa amin, walang tao. Ilang hakbang lang, simbahan na kaya simple ako doon.

Q: Bukas naman po yung simbahan?

SP Sotto: Oo, pero napakalaki nung simbahan, walang tao.

Q: May nagmimisa?

SP Sotto: Wala. Walang misa. Sa harapan ng blessed sacrament magdasal ka.

Q: Ano po ang maaasahan ng mga Senate employees sa May 4? Maghihintay na lang ng abiso o talagang may pasok?

SP Sotto: May pasok yun. Even before that, magkakaroon na kami ng pagpupulong, pero ano yun, still skeletal. Ganoon pa rin yun, para hindi full force para itong Senate hindi full force, yung mga hindi dapat pumasok, hindi kailangan sa session or sa opening ng session, hindi na.

Q: At sa mga bisita, hindi muna allowed?

SP Sotto: Wala na munang bisita.

News Latest News Feed