Press Release
April 9, 2020

Message of Sen. Francis Pangilinan on Good Friday

"Parang mas matagal ang Biyernes Santo at Semana Santa ngayong may COVID-19.

Mag-iisang buwan na tayong nakakulong sa ating mga bahay. Ang ilang mag-isa, may mga kasama ang pamilya. May mga front-liner na buwis-buhay sa pagbibigay serbisyo. May mga may sakit, walang sahod, walang hanapbuhay.

Parang mas mahaba ang panahon ng penitensya.

Ang panalangin ko, kapag nalipol na ang sakit, ang maiwang aral sa ating lahat ay paano tayo naging mas matulungin sa ang ating kapwa? Paano tayo naging bahagi ng solusyon? Paano natin maiiwasan ang lahat ng nangyari ngayon upang hindi na maulit pa?

Kasama ninyo, nananalangin akong malampasan din natin ang pagsubok na ito. Kasama ninyo, nananalangin kami para sa mas payapa at maayos na bukas."

News Latest News Feed