Press Release
April 4, 2020

Interview ni Senator Win Gatchalian sa One News kasama si Cheryl Cosim ukol sa ECQ extension

[start recording]

Q: Magandang hapon po Senator Win.

SEN WIN: Magandang hapon Cheryl at sa lahat ng ating mga tagapakinig.

Q: Papasok na po tayo sa ikaapat na linggo ho nitong ECQ at ang inyo pong tugon ay pabor po kayo sa pag-extend nito. Sinasabi niyo po ba na at least two weeks ito pong enhanced community quaratine?

SEN WIN: Narinig ko kanina na marami pong kinokonsidera pagdating dito sa pagdedesisyon kung papalawigin pa ang ECQ, tama yun dahil maraming aspeto ho ang dapat pag-usapan. Isa na ho ang ekonomiya natin dahil ito ay konektado sa kita, trabaho at kabuhayan ng ating bayan. Pero meron tayong isang pinaka-basic na dapat nating bigyan ng pansin at ito ay napakahalaga sa paglaban sa COVID-19. Ito ay ang tinatawag nating mass testing. Narinig ko two days ago sa ating chief implementer, kay General Galvez na maguumpisa pa lang ang mass testing sa April 14. Kung hindi tayo gagawa ng mass testing, hindi natin alam kung sino-sino ang may sakit at kung ano ang totoong sitwasyong ng bansa natin sa COVID-19. Itong mga nakikita nating tala sa telebisyon o sa radio ay luma na. Kung makikita niyo, almost nine days or eight days ago itong paglabas ng mga resulta so hindi siya real-time. Kaya ang importante ngayon ay magkaroon ng malawakang pagte-testing para malaman natin ang totoong sitwasyon kung tayo ba ay nananalo sa laban na ito. Pangalawa, para malaman natin kung sino-sino ang may sakit at magamit ng mga loka na pamahalaan ang tinatawag nating home quarantine. Dahil kung alam ng lokal na pamahalaan kung sino-sino ang may sakit, hindi na dapat isara pa ang buong syudad. Magkaroon na lang tayo ng home quarantine para isa o dalawang tao na lang ang ilalagay sa quarantine.

Q: So pabor po kayo na huwag muna nating i-lift ang ECQ hangga't hindi nasisimulan ang mass testing by April 14?

SEN WIN: Kasi nakikita ko, kung binuksan natin kaagad ang syudad at payagan na nating gumalaw ang tao, ang malaking delikado rito ay hindi natin alam kung sila ay may sakit o wala. Hindi natin malalaman kung sila ay makakahawa o hindi. For example, dito po sa Valenzuela, kung inumpisahan na yung pagbibyahe, pamamasada nang hindi natin nalalaman kung sino ang may sakit, makakahawa sila at dadami ng dadami. Sayang naman dahil nagsakripisyo na tayo ng 30 days para sa ECQ at kung hindi natin sila ma-test at magkaroon ng mass testing, babalik tayo sa original na problema natin. Parang walang improvement na nangyari.

Q: And Senator Win sakali po nga matuloy na itong plano na palakasin itong ECQ, paano pa palalakasin ng national government at LGUs itong tulong sa mga walang source po ng income ngayong ECQ?

SEN WIN: Ang Nakita ko Cheryl, itong laban sa COVID ay laban ito sa lokal. Bahay-bahay, kalye-kalye at barangay sa barangay dahil dapat mahanap natin ang virus sa ating mga komunidad at sa ating mga lugar para mai-isolate natin at i-quarantine natin yung may mga virus. At importante kasama natin dito at kaagapay natin ang mga lokal na pamahalaan dahil sila ang mag qua-quarantine eh. Sila talaga ang bumababa sa mga bahay at sila talaga ang mag qua-quarantine ng mga may sakit. Kaya importante na kaagapay at ka-partner natin ang lokal na pamahalaan pagdating dito po sa laban. Doon sa tanong mo kung pano natin matutulungan, dapat ho tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda ng mga lokal na pamahalaan, tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng pagkain. Maraming pong lokal na pamahalaan tulad po ng Pasig na maaga pa lang nag-prepara na sila sa pagbibigay ng pagkain. At ngayon second wave na ang ginagawa nila. So importante na tuloy-tuloy ang suporta sa mga lokal na pamahalaan dahil sila yung frontline at sila po ang dapat mabigyan ng supporta para hindi maputol ang pagbibigay ng pagkain.

Q: Panghuli na lamang po Senator Win. Marami pong tanong kung magtutuloy-tuloy ito, tuloy-tuloy rin po dapat itong tulong pinansyal din ano, yung aid kagaya naglabas po tayo ng more than 200 billion para pang-tulong sa mga kababayan natin. Ang tanong din ng marami, saan tayo kukuha? May enough bang pera o pondo po ang ating bansa para po dito?

SEN WIN: Kung makikita natin itong Social Amelioration, ito yung binibigay na tulong, yung walong libo. Ang budget diyan ay 100 billion per month so ang plano ng ating pamahalaan ay magbigay ng dalawang buwan kaya 200 billion. Itong 200 billion na ito ay naka-budget na ho yan at kinuha ito sa mga ahensya na hindi naman nagagamit ang kanilang pondo. Pagdating naman sa pondo tingin ko may sapat tayong pondo. Kung magdadagdag pa tayo ng isa pang 100 billion, tingin ko hindi magiging problema yan dahil ang ating budget ngayon ay mahigit 4.6 trillion pesos kaya kayang-kaya ho natin yan. Pero Hanggang kailan natin tutulungan ang mga kababayan? At yung eight thousand na binibigay natin ay ito ay talagang temporary lang, pansamantala lang ito. Ang importante makabalik sila sa normal nilang kabuhayan para mapakain nilang yung pamilya nila ng tama. Dahil yung eight thousand kakailanganin mo yan pagakasyahin sa gamot, sa pagkain at sa iba pang gastusin. At alam natin sa ganitong panahon talaga kulang ho yan. So ang aking konsepto ay simple lang, magkaroon ng mass testing para malaman natin ang totoong sitwasyon ng ating bansa. Magkaroon ng mass testing para magkaroon ng home quarantine, i-isolate natin sa bahay para hindi na kailangan buong syudad, buong Luzon ang iqua-quarantine natin at pagkatapos nito maging aggressive sa testing. Dalawang linggo lang, tapusin natin ang testing para yung extension na dalawang linggo ay sapat na para malaman natin kung itutuloy pa o hindi.

Q: Marami pong Salamat Senator Sherwin Gatchalian.

[end recording]

News Latest News Feed