Press Release
March 30, 2020

Interview ni Senator Win Gatchalian Sa Totoo Lang with Cheryl, Jove & Chiqui ukol sa mass testing bilang solusyon sa COVID-19 lockdown at Bayanihan Act

[start recording]

Q: Hi Senator Win. Kamusta po kayo?

SEN WIN: Okay naman. Good evening sa inyo at sa lahat ng listeners.

Q: Tapos na ho ba ang inyong 14-day quarantine?

SEN WIN: Tapos na, matagal na. In fact, right after naming makalabas sa self-quarantine, kaagad akong bumalik sa Valenzuela upang tingnan ang mga activities dito at importante rin na alam natin kung ano ang mga dapat gawin dahil kung ano ang nagagawa namin sa Valenzuela, kung ano ang experience naming dito, sigurado akong nae-experience rin ito ng ibang LGUs natin.

Q: Speaking of Valenzuela, kamusta po ba ang sitwasyon sa Valenzuela kung saan ay naitala ang pitong taong may COVID-19?

SEN WIN: Actually, umakyat na ang aming cases to nine. Meron na kaming dalawang nasawi by today and ang nakakatakot, meron na kaming mga namatay na hindi pa lumalabas ang resulta. Nakikita natin ito sa iba't-ibang parte ng ating bansa. Pero itong may mga sakit sa aming ospital, meron siyang symptoms ng COVID pero hindi pa sya nate-test. Ang iba, hindi pa lumalabas ang resulta. Nasabi ko itong pangyayaring ito dahil ang mga namatay na hindi pa lumalabas ang test at ang mga may sakit na hindi na-test, ang nakakatakot dito, ang kanilang mga pamilya ay baka infected din. Pinapayagan naman natin sila na lumabas upang bumili ng pagkain o gamot, nakakapaghalubilo ho sila sa iba't-ibang kababayan natin. Although restricted pero pwede pa rin silang lumabas at may risk na maka-infect sila ng ibang mga kababayan natin. Kaya ko nasabi ito dahil napakaimportante ng mga test.

BAYANIHAN ACT

Q: Alam natin na binigyan ninyo ang Presidente ng special powers at nakasaad doon sa inaprubahan ninyo na magrereport ang executive sa inyo kung ano ang nangyayari. So after a week, meron na bang nabigay sa inyo?

SEN WIN: Ito ay naintindihan naman naming dahil sa lawak ng krisis na ito, hindi agad ma-implement ng executive ang Bayanihan Act o ang special power na binigay natin sa Pangulo. You have to understand na ang mga tao nil ana papasok doon, gagawa ng papeles ay skeletal din. We are talking about eight executive departments na sabay-sabay gumagalaw pero limited ang kanilang manpower kaya ini-expect naming sa first week ay malaking challenge yan para sa kanila para ma-implement ang batas na ito. But hopefully, by this week ay magkakaroon na ng specific programs at projects para malabanan ang COVID virus. I'll give you a very specific example, doon sa batas, nakasulat doon na pwedeng bumili ng mga test kits. Ang process dapat ay mas mabilis so itong powers na binigay natin sa Pangulo ay napakahalaga dahil kailangan nating bumili ng maraming test kits ngayon at ang pondo ay pwede nyang kunin sa mga projects na hindi ginagamit kung meron pang savings na natitira doon.

Q: Merong mga usap-usapan na meron nang recession sa mga ekonomista ngayon pa lang. I'm sure, isa rin yan sa mga concern ninyo sa Senado, meron ba tayong safeguard diyan just in case mapunta tayo sa ganyang sitwasyon?

SEN WIN: Ang Luzon is about 70% of our output, ng buong bansa. Ito talaga ang kumbaga nage-generate ng ating economic growth, ang Luzon at ang Metro Manila ay almost half of our economic growth. Napakaimportante ng Metro Manila. Dahil nga tumigil ang Metro Manila, ang output natin ay titigil at marami sa ating mga kababayan ay mararamdaman ito dahil hindi sila kumikita. Ang pinakamahalaga ngayon ay ma-address ay pinaka-vulnerable. Ito ang mga minimum wage earners; ito ang mga no-work no pay; informal sectors o ang mga nagtataho, fishball, market vendors; pangatlo ay ang tinatawag nating job orders sa gobyerno na binibigyan na ngayon ng sweldo. So itong dalawa na lang ag dapat nating ma-address, yung ating mga minimum wage earners as well as yung mga informal sectors natin. But specifically, sa tourism industry. Isa ito sa pinaka-hardest hit. In fact, maraming hotels at airlines ngayon ang nakasara na. Ang iniisip ko pa ang mga driver ng van, tour guides, bangkero na walang kita ngayon. Importante kaagad na mabigyan natin agad sila ng tulong. Kasama ito sa Bayanihan Act na pwedeng magbigay ng minimum P5,000 all the way to P8,000. Ang challenge ngayon is hanapin sila. Madali ang pera eh. Ang importante ngayon is mahanap sila at maibigay ang pera on time dahil ang kalaban natin dito ay oras at importante na mabilis mabigay ng gobyerno. Dito talaga natin makikita ang pagtutulungan ng local government at ng national government. Napansin ko after two weeks ang local government talaga ang gumagalaw para maging effective itong lockdown na ito. All the way down to our barangays, nakikita ko na sila talaga yung nagpapatupad nitong lockdown. Ganun rin yung pagtutulungan, importante rin ang collaboration ng local government and national government.

Q: Senator, magkano po yung budget, while we're talking about workers, magkano po yung budget doon sa DOLE, doon sa cash assistance natin na 5,000 per employee? Yung gagawa ka pa ng establishment report and COVID-19 atsaka yung irereport mo yung mga number of employees mo.. yung payroll mo, magkano po ang budget nito?

SEN WIN: Actually, maliit lang yun Chiqui. There is now a program ng DOLE, ang tawag nila CAMP at ang programa na ito, kung ako ay negosyante, mag-aaply ako sa DOLE at sasabihin ko ilan ang empleyado ko both minimum wage earner at both yung regular, bibigyan ng 5,000 pesos lahat yun. Ang nakikita kong problema dito, optional yun sa employer. Paano kung yung employer nag bakasyon na? Paano kung yung employer walang pakielam sa kanilang mga empleyado, may mga ganun talaga eh nakakalungkot, kawawa naman yung employees. Dapat ang ginawa na lang mandatory ng CAMP. Lahat ng negosyo big and small, especially yung mga maliliit dapat mag apply ng CAMP para mabigyan sila ng gobyerno ngayon ng 5,000 pesos na pwede nilang ibigay sa mga employees, kasama na rin dito yung mga tinatawag natin dito na 'no work, no pay'. Pero Chiqui meron tayong mas malaking programa ito yung sinasabi ko sayo kanina na 5 to 8,000 pesos. Meron kasing 18 million na mga pamilya sa atin na tinatawag nating informal sector at bibigyan sila, depending on the wage scale, bibigyan sila ng 5 to 8,000 pesos. Ngayon ang kakailanganin na pondo diyan is about 200 billion pesos a month at yan ay nakasama na doon sa Bayanihan Act kung saan ang ating pangulo at pwede i-realign yung mga pondo at gamitin yung 200 billion pesos para matulungan yung mga 18 million na pamilya na tinatawag natin na nasa informal sector, yung mga pinakamahihirap natin na mga kapamilya.

MASS TESTING

Q: Kaya po nananawagan ho kayo-sinusuportahan nyo po ang pagsasagawa ng mass testing?

SEN WIN: Ang aking sinusuportahan dito, hindi lang ang testing kung hindi ano ang gagawin natin sa resulta ng testing? Importante ang resulta eh. Ang resulta ay hindi lang para sa DOH para maitala nila kung ilang ang may COVID, ilan ang wala. Ang resulta ay magagamit ng mga local governments sa kanilang strategy sa paglilimita ng infection sa kanilang mga komunidad. Bibigyan kita ng very specific example na ginawa namin two days ago. Dahil nalaman nga naming na meron kaming siyam na patients na merong COVID, ang ginawa namin is "home lockdown". So sabi namin sa kanila, wag kayong lalabas doon at maglalagay rin kami ng tao sa labas para ma-monitor at kung meron kayong pangangailangan, pwede nyong i-text ang tao at kami ang magdadala ng pagkain sa inyo. In effect, hindi namin ni-lockdown ang kanilang community at ang barangay, ni-lockdown lang namin ang bahay at ang mga nakatira doon. Nakita naman namin na may kanya-kanya silang kuwarto, para hindi sila makahawa ng iba. Nasabi ko ito dahil pwede natin itong i-replicate on a bigger scale. Ang kinakabahan ako, by the end of April 12, ang mga kababayan natin na wala pa ring trabaho at kinikita ay magiging malaking problema ng ating pamahalaan at kailangan natin slowly, somehow, itong lockdown na ito ay pakonti-konti nating dapat i-lift sa iba't-ibang parte ng ating bansa. Magagawa lang natin ito kung pwede nating gawin ang "home lockdown" so hindi lahat. Kasi kung lahat, talagang marami ang hindi makakapagtrabaho.

Q: Okay, isang hirit na lamang ako, Senator before we let you go, is this something po talaga na ipu-push natin sa DOH na simulan na po ang mass testing?

SEN WIN: Cheryl, dapat maintindihan ng ating mga viewers, especially DOH na hindi natin ginagawa ang mass testing because ginagawa ng ibang bansa, o ito yung uso o ito yung nababasa natin palagi. Itong mass testing na ito, ang resulta ay para sa local government, para ma-contain yung spread ng virus sa kanila. Itong mass testing, isang kasangkapan ito upang gamitin ng mga local government para hindi na kumalat sa ating mga komunidad. Remember, on the ground ang mga mayors, barangay captains, ang mga governors ang gumagalaw at kailangan nila ng mga tools para makita nila, malaman nila na yung kanilang ginagawa ay effective o hindi at ang importante sa ating mga local governments ay hindi kumalat at para malaman mo kung kumakalat yan dapat alam mo kung sino ang infected o hindi kasi ngayon bulag ang ating mga local government eh. Ang alam namin dito siyam ang may COVID pero siyam ba talaga?... [inaudfible] it's almost 300 ngayon? So baka isa doon sa 300 mayroon sakit? Pero hindi namin alam dahil hindi namin sila nate-test. So itong in-approve ng FDA, game changer talaga ito. Ngayon ang next challenge, I hope ma-resolve na ng DOH this week eh yung processing centers or processing hospitals dahil pag test, dadalhin pa natin yan sa isang ospital para i-process nila at malaman nila kung negative o positive. Ngayon sa kasalukuyan, isa pa lang ang pwede gumawa niyan, yung RITM at ngayon pila-pila ngayon sa RITM kaya ang aking panawagan sa DOH yung mga nag-aaply, narinig ko kanina, may 30 na nag-aaply, i-accredit na kaagad. Kami sa Valenzuela, hindi na kami pipila sa RITM, pupunta na lang kami sa ibang accredited center, accredited hospital para mas mabilis namin makukuha ang resulta.

Q: I understand now we have six centers but sabi nga po ni Secretary Duque ay inaasahan yung tatlumpu na nga po na titignan nila at iche-check para makita kung may kakayanan itong government and also private hospitals na maging isang testing center.

SEN WIN: I would just like to say, kung andiyan na yung test kit at andiyan na rin yung processing center, ako naniniwala ako na by April 12 we can slowly ease the lockdown para makapag trabaho na yung ating mga kababayan, provided na dapat yung local government na alam nila kung saan yung may mga sakit para doon nila i-contain at i-isolate.

Q: Naku hihiritan ko pa ng isa pa yan, sabi niyo po by April 12 ay pwede nang i-ease? Ang ibig-sabihin sa tingin niyo by that time na binigay satin na date, hindi pa po dapat i-lift itong Enhanced Community quarantine sa Luzon?

SEN WIN: Ang aking analysis diyan ay pag andiyan na yung test kits at marami nang testing centers at lumalabas yung resulta within 24 hours para malaman ng local government, pwede nang gawin ng local governments yung lockdown na per house na lang or per family na lang... dahil kung wala kang sakit damay ka eh. Kahit wala kang sakit hindi ka pwede mag trabaho. So ngayon, i-isolate natin yan, yan ang ginagawa ng Korea, ginagawa ng Singapore, ginagawa ng Taiwan dahil alam nila masakit sa bulsa ang lockdown eh. So ang ginagawa nila per house ang nilo-lockdown.

Q: Senator Sherwin Gatchalian marami pong Salamat for joining us.

[end recording]

News Latest News Feed