Press Release
March 29, 2020

Gatchalian urges LGUs to put up isolation facilities, makeshift hospitals to contain COVID-19 spread

As the country sees the increasing number of Filipinos contracting the deadly coronavirus, Senator Win Gatchalian has urged all Local Government Units (LGUs) to set up makeshift hospitals and isolation tents where patients with mild symptoms can be isolated and mitigate the risk of spreading the virus.

Gatchalian proposed that these temporary facilities be set up in wide, well-ventilated, and covered spaces like gymnasia, where tents can serve as isolation areas for persons under investigation (PUIs) and those who are recovering from the disease. He said that schools, dormitories and hotels can also be utilized as isolation areas.

Gatchalian warned that hospitals are now overwhelmed with the spike in COVID-19 cases straining medical facilities and triggering some to turn away patients. In Quezon City for instance, three patients who tested positive for COVID-19 were sent home because the facilities where they were supposed to be confined did not have enough space.

The lawmaker cited the example of Wuhan, China, formerly the epicenter of the coronavirus pandemic, which had 16 makeshift hospitals that treated 13,000 patients. These facilities have closed following a plunge in Wuhan's cases. South Korea, for its part, solved its bed shortage problem by reserving hospital beds for the acutely ill while putting less sick patients in dormitories. The lawmaker added that these would also help hospitals prioritize admission for severely ill patients.

"Kailangang manguna ang ating mga lokal na pamahalaan sa mga hakbang na tulad nito. Kung titingnan natin ang halimbawa ng ibang bansa, makikita natin na posible pala ang paglalagay ng mga pansamantalang pagamutan upang matulungan nating gumaling ang mas marami pang positibo ng COVID-19," explained Gatchalian.

Gatchalian also touted Valenzuela's centralized isolation facilities at the Balai Banyuhay and Valenzuela Astrodome, which has modular tents and military cots for patient use. Balai Banyuhay, the city's unused drug rehabilitation and treatment facility, has 100 beds.

Gatchalian then called on the Department of Interior and Local Government (DILG) to ensure that all barangays comply with its directive to establish "Barangay Isolation Units" (BIUs) and mobilize Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

###

Gatchalian hinikayat ang LGUs na magtayo ng pansamantalang mga ospital at isolation areas

Habang patuloy na umaakyat ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, isinusulong naman ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatayo ng mga pansamantalang mga pagamutan at isolation facilities sa bawat Local Government Unit o LGU. Ito ay upang ibukod at matulungang gumaling ang mga pasyenteng may mild symptoms ng naturang sakit.

Upang mapigilan ang lalong pagkalat ng coronavirus sa bansa, iminungkahi ni Gatchalian na itayo ang mga pasilidad na ito sa mga maluluwag, malilinis, at maaliwalas na espasyo tulad ng mga gymnasium. Maliban sa mga pasyenteng nagpapagaling mula sa sakit, maaari ding gamitin ang mga pasilidad na ito ng mga "persons under investigation" o PUIs. Pwede ring gamitin aniya ang mga paaralan, mga dormitoryo, at mga hotel bilang mga isolation areas.

Nagbabala si Gatchalian na hindi sapat ang kasalukuyang kapasidad ng mga ospital sa bansa upang tugunan ang pag-akyat ng mga kaso ng coronavirus dito. Sa Quezon City, halimbawa, may tatlong pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 pero pinauwi ng ospital dahil wala nang sapat na espasyo.

Ibinahagi ng mambabatas ang halimbawa ng Wuhan, China na dating tinaguriang epicenter ng pandemic sa coronavirus. Nagpatayo ang Wuhan ng labing-anim (16) na pansamantalang mga ospital na nakapagpagamot ng halos labing-tatlong libong (13,000) mga pasyente. Ipinasara na ang mga naturang ospital matapos bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod at sa buong China.

Naging prayoridad naman ng South Korea na ipagamit ang mga kama ng ospital sa mga may malubhang sakit, habang ang mga may mild symptoms naman ay nanatili sa mga dormitoryo. Ayon kay Gatchalian, magandang halimbawa ito sa pagbibigay prayoridad sa mga pasyenteng may malalang sintomas ng coronavirus.

"Kailangang manguna ang ating mga lokal na pamahalaan sa mga hakbang na tulad nito. Kung titingnan natin ang halimbawa ng ibang bansa, makikita natin na posible pala ang paglalagay ng mga pansamantalang pagamutan upang matulungan nating gumaling ang mas marami pang positibo ng COVID-19," paliwanag ni Gatchalian.

Ibinahagi rin ng mambabatas ang pagkakaroon ng mga centralized isolation facilities ng Valenzeula na matatagpuan sa Balai Banyuhay at Valenzuela Astrodome, kung saan naglagay ng mga modular tents at higaan para sa mga pasyente. Ang Balai Banyuhay ay isang pasilidad para sa drug rehabilitation na may isang-daang (100) kama.

Nanawagan din si Gatchalian sa Department of Interior and Local Government o DILG na siguruhing ang bawat barangay ay may Barangay Isolation Units o BIUs at Barangay Health Emergency Response Teams o BHERT.

###

News Latest News Feed