Press Release
March 24, 2020

Transcript of DZBB's Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon

SFMD: Alam mo, ako ay handang pumunta, ngunit I was advised by my doctor to avoid going there because I'm a medical risk, mayroon akong pacemaker, hindi naman ako kasingbata ni Igan. Ganunpaman, binigay sa akin ang committee report, pinag-aralan namin at nag-suggest ako ng mga amendments at tinanggap naman ng majority. Kaya marami sa mga nakita kong pagkukulang ay naipasok doon. Halimbawa lang, para maintindihan ng taumbayan, doon sa original bill ay halos perpetual ang emergency power. Pwedeng ulit-ulitin after two months if may be necessary. Kaya ang sabi ko, huwag naman ganon, sige tatlong buwan hanggang end of June. Pero kung kailangan pa habaan, kailangan ng resolution ng Kongreso.

Saka ang power to realign ay dapat sang-ayon sa mga reglamento na inilabas ng Korte Suprema doon sa PDAF at DAP cases. Ang sinabi ng Korte Suprema ang pwede lang i-realign yung within the executive branch, hindi kasama yung sa legislative, judiciary, constitutional commissions, at dapat may savings; kung walang savings hindi pwede mag-realign. Ano ba ang ibig sabihin ng realignment? Ang ibig sabihin nakalaan ang pera sa GAA, halimbawa, sa pambili ng sasakyan, pwedeng i-realign ng Pangulo ang budget sa pambili ng sasakyan dito sa Coronavirus crisis. Iyan po ang pinakasimpleng halimbawa.

Q: Ito pong binanbanggit to authorize yung programs, projects and activities ng ehekutibo, iyan po ay ide-declare as the savings?

SFMD: Iyan po ay dahilan sa pangangailangan. Ordinarily, iyan ay gagawing savings dahilan sa iyan ang proseso na sinabi ng Korte Suprema sa kaso ng PDAF at DAP. Sa aking tingin, iyon naman ay sang-ayon naman sa kasalukuyang kapangyarihan ng Pangulo sa ating Saligang Batas. Kung inyong napansin, walang bagong appropriation dito. Ibig sabihin, walang bagong budget kung hindi yung budget pa rin dati only that ni-realign at binigyang priority yung tungkol sa pangangailangan natin sa Coronavirus.

Q: Yung nasa decision po ba ng SC na dapat naka-breakdown sa line item yung programa?

SFMD: Ang desisyon ng Korte Suprema ay pwede mong ilipat mula sa isang item papunta sa isang item na nandoon na para i-augment mo. Halimbawa, yung budget para sa pambili ng sasakyan ay ililipat mo sa item na pambili ng gamot. Iyan ay pwede po sang-ayon sa Supreme Court dahilan mayroon na ring appropriation na existing.

Q: Sa kabuuang halaga na P275 billion broken down to P200 billion for 8 million households for P8,000 a month for 2 months at P75 billon for health and other services, kayo po ay sang-ayon doon?

SFMD: Yes, basta maayos ang pagdi-disburse, kailangan natin iyan. Ngunit, ito lang ang aking bigyang diin: hindi ibig sabihin na isasantabi na natin ang ating audit rules, ang anti-graft law. Hindi po isinasantabi iyan. Iyan ay umiiral kahit may kapangyarihang malawak, kahit na may kapangyarihang ibinibigay para i-realign ang existing budget doon sa pagdagdag ng pera para sa ibang mga programa.

Q: Kasi yung po na pangamba yung safeguard that is only what is needed will be utilized.

SFMD: Well, that is true. Iyan ay isang risk na we are exposed to, dahilan sa emergency ngayon. Kaya sa akin talagang, aminin natin o hindi, talagang may emergency sa ating paligid ngayon, maraming may sakit and the demands on medical services is very high, marami sa ating mga kababayan ay nawalan ng trabaho at income dahilan sa quarantine. So ito ay extra ordinary times at siguro, sa tatlong buwan, bigyan natin ng enough leeway ang executive branch to do the job. Ngayon, hindi ibig sabihin na isinasantabi natin yung COA rules, anti-graft law. Kapag hindi natin sinunod ito ay may pananagutan pa rin tayo.

Q: Doon sa draft, marami yung umalma dahil doon sa pag-take over ng public utilities. Dito po sa naipasang version, naalis poi yon?

SFMD: Ang naalis doon, I think, doon sa telecommunication. Ang public utility tulad ng transportation ay nanatili. Ngunit iyan pong takeover ng public utilities, unang-una nasa Saligang Batas. Pangalawa, sa amendments na ating pinasok, ang pag-take over ay para lamang tugunan ang problema dito sa Covid-19.

Iyan ay ibinigay dahil iyan ay mga pangangailangan ng gobyerno para tugunan itong Coronavirus. Uulitin ko lang po, I want to emphasize that the rules of the Commission on Audit and the law on the anti-graft are not being waived insofar as the execution of this law is concerned.

Q: Gusto ko lang matanong kung pwede, ang nakikita lang natin sa TV ay Metro Manila. Yung health nasa local bilang bahagi ng devolution of power, pwede bang isantabai muna iyon ay ibigay sa national?

SFMD: Unang-una, yung DOH-operated hospitals at specialty hospitals, marami pa rin po iyan operated by DOH and funded by the national budget. ngayon yung mga provincial hospitals ay funded by the LGUs.

Q: Wala pong pangangailangan sa mga local hospitals?

SFMD: Hindi ko sinasabing walang problema. May problema iyan dahilan sa pera rin. Ibig sabihin, national man o local, ang problema ay kung may sapat bang pera para tugunan itong krisis.

Q: The world is looking at South Korea kung paano tinutugunan itong crisis since noong MersCov in 2015. Were we remised before that we did not prepare for this like what South Korea did?

SFMD: Alam mo, it is all a question of funding. Kapag yung ating ekonomiya maliit at hindi kasinlaki ng Korea, and mas marami tayo in terms of population, the demand on social services is much heavier compared to South Korea. Kaya sa akin, kailangan nating bigyan ng priority yung mga mahihirap, ngunit kailangan din nating palaguin at palakihin ang ating ekonomiya para tugunan itong lahat ng pangangailangan. Iyan po ang basic. Kailangan ay lumago at lumaki ang ating ekonomiya para tayo ay magkaroon ng sapat na pera para tugunan itong problema at bigyan ng priority ang health, education at para rin sa imprastraktura. Wala pong sikreto diyan, simple logic at common sense. Ngunit iyan ay hindi madaling gawin. Maraming polisiya na dapat natin tingnan at isa-isahin. Ang ginawa ng South Korea ay maganda dahilan sa sila ay may sapat na kakayahan para tugunan ang lahat nilang problema.

Q: Sa napagkasunduan na P8,000 kada pamilya, buong pamilya po ba iyon o yung naka-quarantine lang?

SFMD: Sa aking tingin, buong Pilipinas. Unang-una, hindi madali ang imprastraktura diyan, may record ang 4Ps, iyan ay base sa survey na ginawa, may listahan. Doon sa hindi pa nabibigyan ng tulong, ang lahat ng nangangailangan. Ganundin sa DA, may listahan sila kung sino ang hirap dito sa rice tarrifiation. Nakahanda yung mga listahan na iyan. Ang problema ay kung may sapat na salapi ang pamahalaan upang maiabot sa kanila.

Q: Meron daw po.

SFMD: Good, kung meron, dahil isa iyan sa tatanungin natin pagbalik sa Mayo doon sa oversight na binuo. Pangatlo, mabigyan man ng pera eh meron tayong quarantine, paano nila magagastos? Kaya kailangan nang mabilis na pag-execute nito.

News Latest News Feed