Press Release
March 6, 2020

Gatchalian: graduation rites should be COVID-19-free

As graduation season kicks off this month, Senator Win Gatchalian urges the Department of Education's (DepEd) task force on the novel coronavirus to ensure schools' strict adherence to health authorities' safety recommendations on public gatherings.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture made this call amid growing global concern on the COVID-19, which has already infected 87,137 people in 59 countries. The World Health Organization (WHO) already upgraded its global risk assessment of COVID-19 to "very high," its top level of risk assessment in terms of spread and impact.

According to Gatchalian, this should prompt DepEd to ensure that protocols are in place before and during graduation and moving-up ceremonies. Citing WHO's planning recommendations for mass gatherings, Gatchalian emphasized the importance of the schools' constant coordination with local health officials, starting with the undertaking of comprehensive risk assessments.

Based on the WHO guidelines, these assessments should guide the formulation of action plans to mitigate identified risks, the handling of which should be clearly delegated to event organizers and local health care providers. Gatchalian reiterated the importance of information dissemination, which should give advice on proper hygiene, detecting symptoms, and access to local health care, among others.

Systems to identify illness indicators among the participants of these ceremonies should also be in place. Should participants to the rites display COVID-19-like symptoms, isolation areas or transportation to treatment facilities should be immediately available, the lawmaker added.

"Isang masayang okasyon ang pagtatapos ng ating mga mag-aaral at hindi natin dapat hayaang masira ito ng panganib at pangambang dulot ng COVID-19. Kaya naman sa ating paghahanda, mahalagang gawin natin ang lahat ng posibleng hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, mga guro, ilan pang kinatawan ng mga eskwelahan, at mga magulang," said Gatchalian.

Based on the Department of Health's COVID-19 case tracker as of March 2, 638 individuals in the Philippines have been tagged as "persons under investigation (PUI)." Among these PUIs, three are confirmed cases, 43 are currently admitted, and 592 have been discharged.

###

Gatchalian: mga hakbang kontra COVID-19 siguruhin sa pagdaraos ng graduation

Sa panahon ng graduation, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education o DepEd na gawin ang lahat ng pag-iingat upang mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus o COVID-19 sa mga paaralan.

Ibinahagi ni Gatchalian ang kanyang pahayag sa gitna ng patuloy na pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19 sa iba't ibang bansa. Umabot na sa mahigit walumpu't pitong libong (87,137) katao mula sa halos animnapung (59) bansa ang nag-positibo sa coronavirus. Kamakailan lamang, idineklara ng World Health Organization o WHO na umabot na sa "very high" ang antas ng panganib na dulot ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, dapat siguruhin ng DepEd na may mga nakahandang hakbang ang mga paaralan sa pagdaraos ng mga graduation at moving-up ceremonies, kabilang ang mga rekomendasyon ng WHO sa pagsasagawa ng malaking mga pagtitipon. Simula sa pagsasagawa ng comprehensive risk assessments, mahalaga na ang ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at mga local health officials, ayon kay Gatchalian.

Dapat tukuyin ng mga assessment ang nakaambang mga panganib at kung paano aaksyunan ang mga ito. Mahalagang may linaw kung sino sa mga paaralan o mga local health care provider ang nakatakdang manguna sa pagtugon sa mga sitwasyong ito. Dagdag ni Gatchalian, dapat magkaroon ng sapat na impormasyon sa mga bagay tulad na lamang ng tamang hygiene, pagsusuri sa mga sintomas, paghingi ng tulong medikal, at kung kanino maaring humingi ng tulong.

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng sistemang tutukoy kung may sintomas ba ang lalahok sa programa ng pagtatapos. Kung may makitaan ng mga sintomas na naiuugnay sa COVID-19, dapat may nakahandang isolation area o transportasyong maghahatid sa mga pasyente sa angkop na pasilidad.

"Isang masayang okasyon ang pagtatapos ng ating mga mag-aaral at hindi natin dapat hayaang masira ito ng panganib at pangambang dulot ng COVID-19. Kaya naman sa ating paghahanda, mahalagang gawin natin ang lahat ng posibleng hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at mga magulang," ani Gatchalian.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), mahigit anim na raang (638) katao na sa Pilipinas ang naituring na "persons under investigation" noong March 2. Tatlo rito ang nag-positibo sa COVID-19, higit apanapu ang kasalukuyang inoobserbahan, at halos anim na raan ang nag-negatibo sa naturang virus.

###

News Latest News Feed