Press Release
February 21, 2020

Gatchalian urges DepEd: work with LGUs to enhance reading intervention programs

After the Philippine Informal Reading Inventory 2019's (Phil-IRI) pre-test results revealed a big number of struggling readers in Bicol, Senator Win Gatchalian urged the Department of Education (DepEd) to closely work with local government units (LGUs) to enhance intervention programs for struggling readers and non-readers.

Phil-IRI is a classroom-based assessment tool that determines whether students' reading and listening skills are appropriate to their grade level. According to Gatchalian, the results of the Phil-IRI should guide schools and LGUs to implement their intervention programs. To date, DepEd has not released the official nationwide results.

According to DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, it is difficult to release the results because the Phil-IRI is not standardized like the National Achievement Test (NAT). Hence, the data could not be used for analysis or guide policy implementation. For Gatchalian, however, it is a waste of time and resources to administer the Phil-IRI if it cannot guide future policies and interventions.

"DepEd should take Phil-IRI seriously. It should conduct a nationwide assessment and release the overall results", said Gatchalian.

The recent Phil-IRI revealed that 20,857 students from Grades 4 to 6 in Bicol are struggling to read in English and 18,143 students from Grades 3 to 6 who took the Filipino test are struggling readers too. According to the DepEd Region 5, students in Grade 4 to 6 who took the English test are the same ones who took the Filipino exams.

"Mahalagang malaman natin ang kabuuang larawan pagdating sa kakayahan ng ating mga mag-aaral upang malaman natin kung paano ba natin maiaangat ang kanilang kakayahang magbasa. Matapos lumabas itong datos ng Phil-IRI sa Bicol, malinaw sa atin ngayon kung bakit kailangan natin ng reporma sa ating sistema ng edukasyon upang masigurong walang batang maiiwan," stressed Gatchalian.

Gatchalian cited as a good practice Valenzuela's "Summer Reading Camp," a remedial program introduced in 2014 after the Phil-IRI results showed that 83 percent of the city's students have difficulty reading. The "Summer Reading Camp" is a month-long intervention that aims to develop students' reading comprehension and capability through four hours of remedial classes.

The first "Summer Reading Camp" had 18,736 participants from Grades 3 to 6. In 2016, the Development Academy of the Philippines (DAP) reported that the program helped 5,536 out of 6,375 non-readers in Valenzuela become instructional and independent readers.

The lawmaker also said that the Phil-IRI's findings reinforce the urgency of enacting education reforms following the dismal results of the 2018 Programme for International Student Assessment (PISA). The triennial survey by the Organisation for Economic Co-Operation and Development (OECD) revealed that out of 79 countries, the Philippines ranked lowest in Reading Comprehension.

###

DepEd at LGUs dapat magtulungan para mahasa ang pagbabasa ng mga estudyante

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education o DepEd na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) upang palakasin ang mga programa sa pagbabasa. Ito ay matapos lumabas sa mga pre-test ng Philippine Informal Reading Inventory 2019 (Phil-IRI) na may malaking bilang ng mga mag-aaral sa Bicol ang nahihirapan pa ring bumasa.

Isinasagawa ang Phil-IRI upang suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng English at Filipino. Ayon kay Gatchalian, dapat gamitin ang mga resulta ng Phil-IRI upang magabayan ang programa ng mga paaralan at mga LGUs. Sa kasalukuyan, hindi pa nilalabas ng DepEd ang kabuuang resulta ng naturang assessment.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, mahirap ilabas ang kabuuang resulta ng Phil-IRI dahil hindi ito standardized tulad ng National Achievement Test (NAT). Kaya naman mahirap gamitin ang nakalap na datos bilang basehan ng analysis at polisiya. Pahayag naman ni Gatchalian, sayang lamang ang panahon kung hindi magagamit ang resulta ng Phil-IRI sa pag-disenyo ng mga programa at mga intervention.

"Mahalagang tutukan natin nang husto itong Phil-IRI. Kailangan natin ng assessment sa buong bansa at ianunsiyo ang magiging resulta," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Sa kalalabas na resulta ng Phil-IRI, higit dalawampung libong (20,857) mga mag-aaral na nasa Grade 4 hanggang Grade 6 ang nahihirapang bumasa sa English. Mahigit labing walong libong (18,143) mag-aaral naman mula Grade 3 hanggang Grade 6 ang nahihirapang magbasa sa Filipino.

"Mahalagang malaman natin ang kabuuang larawan pagdating sa kakayahan ng ating mga mag-aaral upang malaman natin kung paano ba natin maiaangat ang kanilang kakayahang magbasa. Matapos lumabas itong datos ng Phil-IRI sa Bicol, malinaw sa atin ngayon kung bakit kailangan natin ng reporma sa ating sistema ng edukasyon upang masigurong walang batang maiiwan," pahayag ni Gatchalian.

Binahagi ni Gatchalian bilang isang halimbawa ang isang programang inilunsad noong 2014 sa Valenzuela na tinawag nilang "Summer Reading Camp". Inilunsad ito matapos lumabas sa resulta ng Phil-IRI nuon na mahigit walumpung (83) porsyento ng mga mag-aaral sa lungsod ang nahihirapang bumasa. Ang "Summer Reading Camp" ay isinasagawa sa isang buwan at sa loob ng apat na oras kada araw at layon nitong hasain ang kakayahan ng mga mag-aaral na bumasa at intindihin kung ano ang binabasa.

Higit labing walong libong (18,736) mga mag-aaral sa Grade 3 hanggang Grade 6 ang lumahok sa unang "Summer Reading Camp." Noong 2016, lumabas sa isang ulat ng Development Academy of the Philippines o DAP na mahigit limang libo at limang daan (5,536) sa higit anim na libong (6,375) mga non-readers sa Valenzuela ang nagkaroon ng sapat na kakayahang bumasa.

###

News Latest News Feed