Press Release
February 13, 2020

Gatchalian calls for improved implementation of free tuition law

Senator Win Gatchalian urged the Commission on Higher Education (CHEd) and the Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) to have clear and definite guidelines for an improved implementation of the Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931) or the free tuition law.

Gatchalian, co-author and co-sponsor of the law, cited a discussion paper by state think tank Philippine Institute for Development Studies (PIDS), which identified unclear and delayed guidelines as "birthing pains" in the implementation of the landmark education reform measure. According to the study, this resulted in issues on disbursement, billing, and the processing of documentary requirements.

A component of the law that suffered from a lack of clear guidelines is the Tertiary Education Subsidy (TES), which provides additional funding for education-related costs. These include books, transportation, board and lodging, and allowances for disability-related expenses among others. In the initial call for TES application, vague and incomplete guidelines led to a second call for submissions and changes in documentary requirements, which tend to be voluminous and redundant.

The delay in the release of guidelines was another major issue raised by higher education institutions (HEIs). When the detailed guidelines for TES was released in October 2018, enrollment for the first semester has already ended in most HEIs. For students who could have been given the chance to benefit from this subsidy missed the opportunity.

"Dahil sa lawak ng pagbabagong dulot ng free tuition law sa ating sistema ng edukasyon, naging isang malaking hamon para sa CHEd ang unang taon ng pagpapatupad nito. Ngayong malinaw na sa atin kung aling mga bahagi ng programa ang kinakailangang ayusin, mahalagang matutukan natin ang mga ito upang maging mas maayos na ang pagpapatupad ng batas sa mga susunod na taon," Gatchalian said.

"Kung walang malinaw na pamantayan sa pagpapatupad ng programang ito, ang ating mga mag-aaral ang pangunahing maaapektuhan at marami ring kabataan ang maaaring hindi makinabang sa libreng kolehiyo," he added.

Gatchalian also urged the CHEd and UniFAST to ensure that the manpower in charge of rolling out the free tuition law has adequate technical capacity.

As of December 3 last year, 1.2 million students from state universities and colleges and local universities and colleges benefited from the free tuition law.

###

Gatchalian: batas sa libreng kolehiyo dapat ipatupad nang maayos

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Commission on Higher Education (CHEd) at Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) na magkaroon ng mas malinaw na mga pamantayan para sa mas maayos na pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931) o free tuition law.

Lumalabas kasi sa isang pananaliksik ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang kawalan ng malinaw at napapanahong mga pamantayan ang ilan sa mga naging suliranin ng pagpapatupad ng free tuition law. Ayon sa pag-aaral, nagdulot ito ng iba pang mga isyung may kinalaman sa pag-gasta ng budget at sa pag-proseso ng mga dokumentong isinumite ng mga mag-aaral.

Isa sa mga bahagi ng libreng kolehiyo na naapektuhan dahil dito ang Tertiary Education Subsidy (TES), isang programang nagbibigay tulong pinansyal para sa mga aklat, transportasyon, at tirahan. Sa ilalim ng programang ito, maaari ring makatanggap ng karagdagang panggastos ang mga mag-aaral na may kapansanan.

Pinuna ng mga kolehiyo at pamantasan na kulang at hindi malinaw ang mga pamantayan noong unang buksan ang application para sa TES. Dahil dito, nagkaroon ng panibagong application at nadagdagan ang mga dokumentong kailangang isumite ng mga mag-aaral, na ayon sa mga paaralan ay labis at hindi na kailangan.

Naging problema rin ang panahon ng paglabas ng mga pamantayan para sa TES. Nang lumabas ang mga pamantayan noong Oktubre 2018, tapos na ang pagpapatala para sa ilang kolehiyo at pamantasan. Kaya nasayang ang pagkakataong ito para sa ilang mga mag-aaral na maaari sanang makinabang sa programa.

"Dahil sa lawak ng pagbabagong dulot ng free tuition law sa ating sistema ng edukasyon, naging isang malaking hamon para sa CHEd ang unang taon ng pagpapatupad nito. Ngayong malinaw na sa atin kung aling mga bahagi ng programa ang kinakailangang ayusin, mahalagang matutukan natin ang mga ito upang maging mas maayos na ang pagpapatupad ng batas na ito sa mga susunod na taon," ani Gatchalian.

"Kung walang malinaw na pamantayan sa pagpapatupad ng programang ito, ang ating mga mag-aaral ang pangunahing maaapektuhan at marami ring kabataang Filipino ang maaaring hindi makinabang sa libreng kolehiyo," dagdag ng mambabatas.

Noong nakaraang Disyembre, mahigit isang (1.2) milyong mag-aaral mula sa mga pampublikong pamantasan at mga kolehiyo ang nakinabang sa batas.

###

News Latest News Feed