Press Release
February 1, 2020

Gatchalian reiterates need for schools to ramp up defense against Wuhan coronavirus

Following the Department of Health's announcement that the Philippines has its first confirmed case of the novel coronavirus (2019-nCoV), Senator Win Gatchalian underscored the need for schools to be more vigilant and ensure that protocols are in place to prevent students from getting the infection.

Gatchalian also emphasized that the World Health Organization (WHO) has declared that the 2019-nCoV outbreak is now a "Public Health Emergency of International Concern," which should prompt the Department of Education (DepEd) to work more closely with the Department of Health (DOH) in the implementation of safety guidelines.

"Ngayong may kumpirmadong kaso na ng novel coronavirus sa Pilipinas, mahalagang paigtingin natin ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Kung may mga mag-aaral tayong nakikitaan ng mga sintomas kaugnay ng virus o history ng pagkakaroon ng respiratory infections, mahalagang handa ang ating mga paaralan, local health officials, at mga magulang sa pag-responde upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Intensified information dissemination is also more critical in schools at this point, Gatchalian added. According to him, raising awareness on the disease and its prevention should emphasize DOH reminders on proper hygiene and sanitation. These include frequent proper handwashing, cough etiquette, staying away from people with flu-like symptoms, and thorough cooking of food.

Gatchalian maintained that Chinese schools who have not yet suspended classes, especially those with high numbers of students from mainland China, should announce suspensions immediately. According to Gatchalian, this would help contain the virus as most of the confirmed cases of the novel coronavirus are from China.

The country's first case of the 2019-nCoV is that of a 38-year old Chinese woman who arrived in the Philippines from Wuhan via Hong Kong on January 21. The patient was admitted in one of the country's government hospitals on January 25 after seeking treatment for a mild cough.

DOH officials also said in interviews that the number of persons under investigation (PUI) on novel coronavirus in the country as of Friday, January 31, has reached 31. One person from China who was under investigation died of pneumonia at the San Lazaro Hospital.

###

Gatchalian: mga paaralan dapat mag-doble ingat laban sa novel coronavirus

Matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang unang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus o 2019-nCoV sa bansa, binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na dapat may nakahandang mga protocol ang mga paaralan upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.

Dahil itinuring na ng World Health Organization na isang "Public Health Emergency of International Concern" ang pagkalat ng coronavirus, lalong dapat paigtingin ng Department of Education o DepEd ang pakikipag ugnayan sa DOH kaugnay ng pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, pahayag ni Gatchalian.

"Ngayong may kumpirmadong kaso na ng novel coronavirus sa Pilipinas, mahalagang paigtingin natin ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Kung may mga mag-aaral tayong nakikitaan ng mga sintomas kaugnay ng virus o nagkaroon na ng respiratory infections, mahalagang handa ang ating mga paaralan, local health officials, at mga magulang sa pag-responde upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit," ayon kay Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Sabi pa ng mambabatas na lalo ring dapat ipakalat ng mga paaralan ang kaalaman tungkol sa coronavirus at kung paano maiiwasan ang pagkakaroon nito. Aniya dapat bigyang diin ang mga hakbang na ipinapaalala ng DOH tungkol sa kalinisan katulad ng tama at palagiang paghugas ng kamay, pagtakip ng bibig kapag inuubo, at pag-iwas sa mga taong may sintomas ng trangkaso.

Nanindigan si Gatchalian na ang mga Chinese school na hindi pa nagsususpinde ng klase ay dapat nang mag-anunsyo ng suspensyon, lalo na iyong mga may maraming mag-aaral galing China. Ayon sa senador, makakatulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na't karamihan sa mga kumpirmadong kaso ng coronavirus ay galing sa China.

Isang tatlumpu't walong (38) gulang na babae mula sa Wuhan, China na dumating noong Enero 21 sa Pilipinas ang naitalang unang kaso ng novel coronavirus dito sa bansa. Nagpatingin sa isang government hospital ang naturang pasyente dahil sa pagkakaroon nito ng ubo.

Dumadami pa ang bilang ng mga inoobserbahan ng DOH na may sintomas ng novel coronavirus o yung tinatawag na "persons under investigation".

Samantala, isang lalaki mula China na sumailalim sa obserbasyon dito ng mga doktor ang pumanaw na dahil sa pneumonia.

###

News Latest News Feed