Press Release
January 24, 2020

Gatchalian wants PH disaster management law reviewed

Senator Win Gatchalian has filed a resolution calling for an inquiry that will review the impact and effectiveness of the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 (Republic Act 10121).

The lawmaker highlighted the urgency of the inquiry considering that implementation drawbacks and other shortcomings still exist during and after disasters, which is evident in the devastating effects of Taal Volcano's activity and the government response that followed.

According to the World Risk Report, the Philippines ranked 3rd in 2018 among 172 countries and ranked 9th in 2019 among 180 countries in terms of disaster risk. Gatchalian stressed the importance of addressing the root causes of vulnerabilities to disasters since the country is exposed to multiple hazards, such as typhoons, earthquakes, flooding, drought and volcanic eruption, among others, due to its geographic location.

"Halos sampung taon na ang lumipas simula nang maisabatas ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ngunit marami pa ring mga kakulangan sa ating sistema na kailangang bigyan ng pansin," Gatchalian said.

The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) reported that as of January 20, a total of 53,716 families in the provinces of Batangas, Quezon, Laguna, and Cavite have been affected by Taal's eruption. Almost thirty thousand of them are now in evacuation centers.

Approximately 21,000 children remain in the 14-kilometer danger zone, according to the organization 'Save the Children'. The NDRRMC also reported that agriculture damage already reached more than P3.2 billion.

"Nais nating maisagawa itong pagdinig hindi para magturo kung sino ang mga may pagkukulang sa pagsabog ng Taal at sa mga nagdaang sakuna. Ang ating layunin ay malaman kung paano natin lalong mapapalakas ang ating sistema ng pag-responde sa panahon ng kalamidad," said Gatchalian.

Meanwhile, Gatchalian has also filed in July 2019 Senate Bill No. 746 (SBN 746) or An Act Expanding the Application of The Local Disaster Risk Reduction and Management Fund which proposes to use the Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) in funding infrastructure projects designed to mitigate the effects of natural disasters. The bill will also allow Local Government Units (LGUs) to use the LDRRMF to pay for obligations incurred in funding projects related to disaster preparedness and mitigation.

###

Gatchalian: kahandaan ng gobyerno sa panahon ng kalamidad dapat pag-aralan

Sa kabila ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal, naghain si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon upang magkaroon ng isang pagdinig sa pagpapatupad ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 o Republic Act 10121.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang gagawing pagdinig upang mapalakas ang kahandaan at kakayahan ng bansa sa pag-responde sa mga sakunang tulad ng pagputok ng Bulkang Taal. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mahigit limampu't tatlong libong (53,716) pamilya sa Batangas, Quezon, Laguna, and Cavite ang naapektuhan ng pag-alboroto ng bulkan. Mahigit dalawampu't siyam (29,424) sa mga pamilyang ito ang kasalukuyang nasa higit apat na raang (416) evacuation centers.

Pumalo na sa mahigit tatlong bilyong (3.2B) piso ang pinsala sa sektor ng agrikultura, ayon sa NDRRMC. Sa isang ulat naman ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs o OCHA, mahigit walong (8) milyong mag-aaral mula sa halos walong libong (7,900) paaralan ang naapektuhan ng pagsuspinde ng klase at pagsara ng mga paaralang tinamaan ng ashfall. May dalawampu't isang libong (21,000) mga bata naman ang nananatili sa 14-kilometer danger zone sa paligid ng bulkan, ayon sa grupong Save the Children.

Naantala naman ang pag-aaral ng may sampung libong mag-aaral dahil mahigit isang libong (1,147) mga silid-aralan ang ginagamit bilang evacuation centers. Dahil dito ay nanawagan na ang DepEd sa pag-lipat ng mga evacuees upang makapagpatuloy na ng pag-aaral ang mga apektadong estudyante. Nanawagan din ang DepEd sa mga pampublikong paaralan sa CALABARZON na tanggapin ang mga mag-aaral na kailangang lumikas.

"Nais nating maisagawa itong pagdinig hindi para magturo kung sino ang mga may pagkukulang sa pagsabog ng Taal at sa mga nagdaang sakuna. Ang ating layunin ay malaman kung paano natin lalong mapapalakas ang ating sistema ng pag-responde sa panahon ng kalamidad," ani Gatchalian.

"Halos sampung taon na ang lumipas simula nang maisabatas ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ngunit marami pa ring mga kakulangan sa ating sistema na kailangang bigyan ng pansin. Mga kababayan natin ang patuloy na magdurusa kung hindi natin palalakasin ang ating kahandaan at kakayahang tumugon sa mga sakuna," pahayag ng senador.

Nananatili sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal kaya malaki pa rin ang posibilidad na magkaroon ng malaking pagsabog sa mga susunod na oras o araw. Simula Enero 12, mahigit pitong daang (714) pagyanig na ang naitala dulot ng pag-alboroto ng bulkan.

Dagdag ni Gatchalian, mahalaga ang gagawing pagdinig dahil madalas makaranas ang Pilipinas ng mga sakuna. Para sa taong 2018 at 2019, kabilang ang Pilipinas sa sampung pangunahing bansang may pinakamataas na panganib na dulot ng mga kalamidad, ayon sa United Nations University-Institute for Environment and Human Security (UNU-EHS).

News Latest News Feed