Press Release
September 18, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On the GCTA hearing scheduled for Thursday.

Q: Sabi ni Sen. Lacson Si Atty. Santos at si Roque tetestigo na at magsasabi ng totoo pero nagbago ng isip?

SP Sotto: Una sa lahat, dapat hindi magbabago ang isip nila. Sana bumalik yung kaisipan nila nung oras na yun nung papunta sila sa amin nung umaga, pagdating ng umaga nakausap pa namin, nagbago ng isip, biglang naging mum. Anyway, we are expecting Mayor Magalong bukas, siya yung lead ng raiding team noon tsaka yung lead ng investigation team nila nuong siya ay CIDG if you will recall. And then, supposed to be, merong surenderee, dalawang surenderee, magkaiba, hindi sila magkasama, nagpasabi sa akin nung gustong sumurender, hindi ko alam kung bakit sa akin pa susurender, o bakit sa amin pa sa Senado susurender, pwede naman siyang dumeretso doon. Baka takot o baka merong gusto munang ibunyag, aabangan na rin namin bukas ng umaga.

Q: Yun ho bang nakadetain ngayon sa Senado, nacontempt, ipahaharap pa rin bukas?

SP Sotto: Oo, automatic yun at kung masasag9ot nila namang mabuti yung mga tinatanong ng mga Senador, pagkatapos ng hearing bukas, pwede na silang palabasin ulit.

Q: But so far wala tayong inaasahang bago po na haharap?

SP Sotto: Sa aking pagkakaalam, wala except yung sinasabi kong sa amin susurender, at saka yung raiding team natin sa NBP.

Q: Nakailang raid na po yan, panahon pa ni Secretary De Lima, pero hanggang ngayon ganun pa rin ang kwento. Yung instructions, yung dealings, nangyayari sa go signal nung nasa loob ng Bilibid. Paano po nangyayari yun, sino ang nasa likod noon sa Bilibid, sinong particular na drug lord yan, at saan kinukuha yung supply? Kasi wala naman pong laboratory sa loob ng Bilibid?

SP Sotto: Wala na. Kung hindi ako nagkakamali, transaction ang nangyayari doon sa loob, kasi katulad noon, yung pinaguusapan nga natin, alam mo naman hindi ito sikreto, yung si Colangco, dati, financier lang yan. Parang palautangan nila or something like that. Pagkatapos daw, later on nagventure na rin sa droga na transaction, pero ang key diyan, ang susi diyan, communication. That is what I have been saying all along. Nakakapagtransact pa rin ang drug lord or ang high-level drug trafficker, kahit nakakulong na. Kaya ang hirap pigilin noon, kung hindi rin lang walang communication, doon sa kabuuan ng NBP. Talagang matindi, ang tawag nga ng iba di ba cancer? Ang tindi ng problema pero di dapat ito kumpara sa cancer. Hindi maganda yun. Ang ibig sabihin, talamak talaga ang corruption. Sapagkat halos talaga from top to bottom, nacocorrupt sila. Kung minsan doon pa sa kanila nanggagaling yung corruption. Di ba nakita ninyo, nag-aalok. Iba-iba nag-aalok, imbes na yung preso ang nag-aalok, naghahanap ng paraan, sila ang inaalok. Ganun din sa droga, ang alam namin, transaction ang nangyayari doon sa loob, ang bentahan, merong bentahan para sa mga user doon pero small scale yun, hindi big time. Sa labas, yung mga transaction sa loob nangyayari ang command, parang ganun.

Q: Maganda pong matukoy din yan. Yun nga, saan nanggagaling yung droga? Hindi maubos-ubos.

SP Sotto: Sa labas yan. Hindi galing sa kanila sa loob pag malakihan. Nagsusmuggle sila sa loob para magamit lang doon. Ang transaction sa labas, sa labas galing. For example, pag shabu, merong minamanufacture dito sa atin, meron ding pinapasok na methamphetamine hydrochloride na, meron ding nagsusmuggle ng cocaine, medyo lumalaki ng kaunti yung market, tapos yung marijuana, talaga namang talamak din sa atin yan, meron din silang transaction tungkol doon, pero usually, ang pinaka-malaki nilang transaction kung hindi ako nagkakamali, shabu.

Q: Kasi ngayon medyo may kaunting hindi pagkakaintindihan itong hanay ng PNP at PDEA dito po sa recycling of drugs issue. Ano po ang balak ninyo dito, kasi siguro sa tatlong taong panunungkulan ng pamahalaang ito, hanggang ngayon pinag-uusapan natin by the hundreds of kilos of shabu, hindi maubos-ubos.

SP Sotto: Kung ang tinatanong mo yung mga nahuhuli at hindi maubos-ubos, kasi nadedelay talaga sila doon sa instruction na sinasabi, sapagkat kailangang sinusunod yung may court order, pero maliwanag ito sa batas, kukuha ka lang ng sample, ng sampler mo, quantity, quality, and then destroy na. Nung DDB chair ako, destroy ng destroy yun. Nasa kamay nila yan, sino ang hahabol sa kanila kung titirahan nila yun? Wala naman silang mga kaso. Naghihintay sila ng kaso, dalawa, tatlo? Kada taon wala naman silang nahuhuli? Alam mo yung mga leader din natin medyo may kakulangan. Ang sisisihin ng iba, sasabihin na naman yung batas, hindi, kasi yung batas kailangan may court order, (unclear), sinira ninyo yun, di ba? Ngayon, dito naman sa tanong mo which is bakit tuloy ng tuloy, ito yung matagal ko ng sinasabi, ang problema dito, doon sa causes ng droga, ng illegal drugs at drug abuse, which I have compacted into P.E.A.C.E., P starts for peer pressure. Yung A stands for availability. Yung E, escape. Akala nila mawawala ang problema, ganun. Yung curiosity, yung iba E, escape, emptiness, pero doon tayo sa A, availability, kasi business. Therefore, they make it available in your homes, in your streets, in your work place, anywhere. Kasi, may demand. Kaya nga dapat, kung nag PDEA at PNP ang pinag-aawayan nila, ang pag-awayan nila at itodo nila, yung sinasabi ko pa nung araw na demand reduction strategy. Pag walang bibili, walang magbebenta, kung walang bibili. Lagi kong sinasabi yan, paulit-ulit. The day we stop buying, is the day they stop selling. Kaya available, kasi may bumibili, at gagawin nilang available basta malaking negosyo, alam mo naman, bilyones, bilyones ang takbo diyan, umabot pa sa trillion kung pagsasamahin mo lahat ng klase ng droga. So, ginagawa nilang available.

Q: So what do you think is the best strategy to reduce the demand?

SP Sotto: Una, sundin nila yung Dangerous Drugs Act. Pangalawa, yung demand, nandun din yun, yung demand reduction strategy, drug prevention program, itodo nila. Drug abuse resistance education program in the schools, grade six, grade seven, pati grad five, dapat meron noon, involve everybody. The media, the church. Kung yung demand reduction, kasing lakas sa supply reduction strategy nila.

Q: Kasi kailangan lang naman ipakita sa judge, icertify na ito yung sample na nakuha namin, the rest nandoon sa bodega namin, after one week we dispose.

SP Sotto: Correct. Yung pinasa natin nung araw, yun yun. Baka hindi alam nung mga nakikinig sa iyo, kasama ka sa mga author at gumawa nung batas na yun. Magkasama tayo, tandang tanda ko pa, pati sa bicam. Isa sa mga pinag-uusapan natin yan. Destroy evidence, dahil kakainin ng dagang may dalawang paa. Naalala mo bago ako naging DDB chair nasunog yung evidence room?

Q: Kasi mag-iimbentaryo.

SP Sotto: Oo. Papasok ako eh. Siguro naisip, mag-iimbentaryo ako, binanatan.

News Latest News Feed