Press Release
September 9, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On the Senate hearing on the GCTA

Q: Maliban kay Yolanda Camilon, Meron po bang haharap ngayon na testigo?

SP Sotto: Dalawa dapat. Yung isa, palagay ko (unclear), yung isa, hindi pa nagcoconfirm kasi parang nanlalamig yung paa, sabi niya. Yung magco-corroborate kay Yolanda Camilon, mukhang ready na.

Q: Yung ika ninyong umatras kasi natakot, ito ba ay active sa serbisyo, or retired na, or nagresign na?

SP Sotto: Dalawa yan, yung isa, dati sa serbisyo, yung isa nasa loob pa so medyo hindi ko pa nakukuha ang confirmation ngayong umaga kung talagang pwede. Mabigat yung mga binitawan, kaya nga ayokong gamitin kung hindi siya nagsabi.

Q: Sa ngayon ang kumpirmado lang, babalik si Gng. Yolanda Camilon, at yung isa magpapatunay sa kanya, hindi pa tayo sigurado doon sa...

SP Sotto: Doon sa taga-loob at doon sa dating nagtatrabaho doon.

Q: Si Faeldon ay iniimbitahan pa ninyo?

SP Sotto: Kasama silang lahat, yung mga humarap dito noong nakaraang hearing, pinabalik silang lahat ni Senator Gordon, yung chairman ng committee.

Q: Pati yung lahat ng nabanggit na pangalan doon sa kwento ni Gng. Yolanda, obligadong humarap ngayon?

SP Sotto: Oo, pina-subpoena ni Senator Gordon sa akin, pinirmahan ko yung subpoena niya. Anim yata yung bago niyang subpoena kasi may mga sinubpoena deuces tecum din siya. Gusto natin makumpleto talaga ito, kasi, ano ba ang gagawin natin dito, ganun na lang? Di ba from top to bottom may allegation, talagang we have to solve this once and for all. Amend the IRR or ask the DOJ to change the IRR, or come up with a new law na hindi kayang abusuhin, or ang pinaka-importante, tingin ko dapat ihiwa-hiwalay na natin talaga, segregate na natin, regional Bilibid prisons.

Q: Meaning po, maliban doon sa main issue na GCTA, yung kamalian doon sa interpretasyon, at saka yung IRR, sasakupin ninyo pati yung reformation ng sistema ng bilangguan natin?

SP Sotto: Correct. Not only reform the people inside, we reform the entire penitentiary system.

Q: So kasama po siguro dito yung pagbabago kung kinakailangan man, sa bumubuo ng batas sa Bureau of Corrections?

SP Sotto: Oo, napaka-halagang baguhin talaga yan, baka kailangan ng moral regeneration kasi kumpirmado yung naririnig natin sa labas, yung alam nating nangyayari, kumpirmado.

News Latest News Feed