Press Release
September 9, 2019

GRACE POE ON ABANTE:

Kinokondena natin ang tahasang pag-atake at panununog sa printing press ng pahayagang Abante.

Malinaw itong pananakot, hindi lamang sa Abante, kundi sa mga mamamahayag na nagbabalita lamang ng impormasyon at nagsisiwalat ng korapsyon at maling gawain ng iba't ibang tao, kabilang na ang mga tiwali sa gobyerno.

Nananawagan tayong magkaroon ng masusing imbestigasyon sa insidenteng ito, para mapanagot ang may kagagawan.

Sana'y mabigyan din ng karampatang tulong sa lalong madaling panahon ang mga empleyado na nasaktan sa insidente.

Huwag tayong matakot na magpahayag para sa katotohanan at para sa bayan.

News Latest News Feed