Press Release
September 5, 2019

Dispatch from Crame No. 587:
Sen. Leila M. de Lima's statement on Panelo's fingerpointing, re: GCTA/Sanchez scandal

9/5/19

Sa oras ng laglagan sa Administrasyong Duterte, iisa lamang ang palaging palusot ng mga opisyales nito, ang ituro ang nakaraang Administrasyong Aquino. Ito ang pahayag ng tagapagsalita nito na si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo pagkatapos na mabuking sila pareho ni Faeldon - si Panelo sa kanyang sulat sa Board of Pardons and Parole na bigyan ng "preferential" na tugon ang hiling ni ex-Mayor Sanchez na mapalaya na siya at si Faeldon naman ay sa kanyang pag-amin na siya nga ang lumagda sa Memorandum of Release para kay Sanchez na klarong hindi karapat-dapat gantimpalaan ng GCTA. Ang kakapal ng mga apog nila!

Sila ang mga pumapalpak, sila ang mga nambabastos sa batas, at sila ang gabundok na ang mga kasalanan sa taumbayan, kami pa rin ang sinisisi.

Unbelievably shameless! ###

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 587, here: http://bit.ly/2lSylFM)

News Latest News Feed