Press Release
August 2, 2019

GRACE POE ON CAAP TERMINAL FEE EXEMPTION FOR STUDENTS:

Makakaginhawa ito sa mga biyaherong estudyante. Para sa isang mag-aaral, malaking bagay ang matitipid na P100-P200.

Makakaengganyo rin ito sa kanila para magbiyahe at bumisita sa iba't ibang lugar sa bansa.

Bilang chair ng Public Services Committee, umaasa tayo sa maayos na pagpapatupad ng programang ito. Hinihikayat natin ang mga mag-aaral na i-check ang kanilang mga tiket para masiguro na wala na sa charges ang terminal fee.

Tandaan natin ang ilan nating kababayang OFW na kailangan pang humingi ng refund dahil sa maling pagkolekta sa kanila ng terminal fee noong isang taon.

Patuloy tayong mananawagan ng maayos na serbisyo sa ating mga airport. Dapat maramdaman ito ng ating mga kababayan sa kanilang pagbiyahe.

News Latest News Feed