Press Release
July 30, 2019

Transcript of Interview with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On the National Commission of Senior Citizens

Q: Ano ang mga benepisyong maaaring ibigay ng naturang commission para po sa mga nakatatanda?

SP Sotto: Napansin kasi nung pagkaka-create nitong batas na ito na kaunti sa Pilipinas ang nakakaalam kung ano ang mga benepisyo ng mga senior citizens. So, siniguro lang na itong commission na ito that will composed of seven commissioners, bale chairperson at saka anim na commissioners, regional ito. Geographical regions ang pag-appoint sa kanila at ito ay para masiguro yung talagang implementasyon ng mga batas, mga polisiya, mga programa ng gobyerno with regards to senior citizens. Tapos inatasan din sila na ireview at gumawa ng mga pag-aaral at mag-rekomenda ng mga aksiyon tungkol dito sa mga batas na ito na dating mga batas para sa senior citizens. Kasi dapat gumagawa ng mga polisiya para ipromote at pangalagaan para samga proteksiyon ng mga karapatan ng mga senior citizens. Mag put up ng mga information campaign, mga ganun. Awareness of the rights of senior citizens.

Q: At saka sa probisyon po ng batas na nabasa ko, inililipat na yung gawain ng DSWD para sa mga seniors dito sa naturang commission. Kasi yung pamimigay ng pension para sa mga seniors, nanggagaling sa DSWD. Itong ganitong function ay ililipat ba sa kanila?

SP Sotto: Hindi, polisiya lang sila. Ang distribution nun, sa DSWD pero sila ngayon yung magsisguro na iniimplement ito, ginagawa ito, at yung pag-establish ng operation with the local government units, mga LGUs. Basta pertaining to the welfare of senior citizens yun ang mga trabaho nila. Yung distribution, nasa DSWD pa rin yun.

Q: Siguro ang maganda rito ngayon, kasi example, merong COA report tungkol sa pondong ito, sinasabi ng COA, hoy DSWD, ayusin ninyo ang listahan ninyo kasi meron kaming nacheck na patay na, tumatanggap pa. Yung iba dito ay hindi naman karapat-dapat tumanggap. Itong mga bagay na ito, maaaring ang commission ay manghimasok para masiguro na yung pera ay napupunta sa tama.

SP Sotto: Correct, absolutely tama ka. Yan kasama sa mga function na gawa nila dapat.

Q: Hihingi pa rin ito ng IRR, wala akong nabasa ditong remuneration kung paano yung sweldong natatanggap ng commission?

SP Sotto: Wala pa pero parang lalabas ito na under the Office of the President. Kasi sa ngayon wala pang naaappoint ang Presidente, so hindi pa rin nabuo yung IRR niyan kung hindi (unclear) ang batas.

Q: Kasi sa lahat ng lugar merong office of senior citizens affairs (OSCA). Itong mga ito, magiging under sa kanila?

SP Sotto: Oo, parang ganun. Magcocoordinate sila dapat with the local government units, saka yung OSCA na yan saka yung mga national agencies.

Q: So lahat ng batas, lahat ng benepisyo para sa mga senior citizens, sila ang dapat na magsiguro na ito ay napapatupad at alam ng lahat ng mga seniors?

SP Sotto: Yun, tama kaya information dissemination ang importante. Maliit na opisina lang ito, anim na commissioner lang at saka yung chairman pero geographically located dapat sila kaya ang pag-appoint ng Presidente, hindi basta-basta madali. Pero, more or less on monitoring na pinapatupad ng maayos yung mga batas para sa senior citizens. Mapa-national, mapa-local, mapa-DSWD, mapa-LGU.

On the divorce bill.

Q: If you don't mind, sa divorce, nagfile na sa Lower House, dito sa Senado, si Sen. Risa Hontiveros nagfile ulit. Ano sa tingin ninyo this 18th Congress, palagay ninyo ito ay maicacalendar for debate?

SP Sotto: Palagay ko mapapagusapan at madedebate yan kasi aside from may nagfile, nandun din si Sen. Pia Cayetano na isa sa mga stalwarts ng proposal na yan noon pa man, so inaasahan ko na pagbubusihan niya yan. Siguro paguusapan naming mabuti sa debate kasi with proper safeguards, tingnan natin kung mas maeeksplika sa amin ni Pia ito ng mas mabuti kesa doon sa present laws on annulment. Kasi originally pag binabanggit sa amin nung araw yan, ang sinasabi ko, paluwagin na lang natin yung annulment kasi maraming kontra diyan, sabi ko. So gawin natin, paluwagin natin yung annulment. Kaso sinasabi nila, mahal daw yung annulment, matagal, at kung anu-anong problema. Agrabyado daw ang mga kababaihan, sila lagi ang naaapi. Sabi ko wala namang natuloy na hiwalayan kung hindi gusto ng lalaki. Yung lalaki ang promotor diyan. Debating mabuti yan, mabuti tinanong mo sa akin yan ng wala si Helen dito para...

Q: Yun nga ang gusto kong tanong, ano ba ang damdamin dito ni Mam Helen sa divorce bill na ito.

SP Sotto: Naku, pag siya ang tinanong mo, ang kuwento niya, sasabihin niya sa akin dahil meron siyang mga kamag-anak at aaminin ko na, may isa, dalawa sa mga anak ko na sinasabi sa amin na paano yan, dapat na, matagal ng panahon na nararapat (unclear). Pag tinanong mo si Helen diyan, medyo 70-30 percent siya in favor, with proper safeguards. Pero wala siyang planong idivorce ako.

Q: Yan ang squeaker doon. Ang binabanggit po ng mga proponents nito with all due respect, is that so ayaw ninyo, gusto namin, can we debate and start the discussion? Debate and eventually, let's vote?

SP Sotto: Yes. Siguradong paguusapan natin yan, at isa sa mga healthy debates namin yan sigurado aside from the death penalty.

News Latest News Feed