Press Release
July 22, 2019

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
after the State of the Nation Address
July 22, 2019

Q: Assessment po natin dun sa SONA ng Pangulo?

Sen. Grace Poe: Siguro, 'yung ating Pangulo, nagsalita mula talaga sa kanyang damdamin. May mga magagandang batas siyang nabanggit na dapat nating isulong sana; ito'y pagkakaroon halimbawa ng Department of OFW, Department of Disaster Resilience pati 'yung sa National Land Use Act at i-implement natin ang mabilis na pagpa-process natin ng business permit. Masaya rin ako na nabanggit ng Pangulo na tumulong din ang local government--Mayor at Governor--na ma-clear ang mga kalsada para mabawasan ang trapik. Siguro kung meron man, mas gusto ko pa ng kongkretong stratehiya kung anong klaseng diplomatic arrangements ang dapat magkaroon tayo kasama ng China.

Q: Ma'am 'yung paliwanag sa West Philippine Sea, kuntento po ba kayo do'n?

Poe: Sa tingin ko, siguro dapat mas naging ma-detalye pa, I mean, malinaw sinabi niya na atin ang West Philippine Sea pero papano natin maipapahayag ang ating protesta sa ginagawa ng China doon.

Q: Ma'am 'yung tsansa po na lulusot ang death penalty sa Senate?

Poe: Sa Senate, may malaking pag-asa na lulusot do'n. Pero ang posisyon ko sa death penalty, ang mahihirap ang apektado. Siguro dapat ay tingnan natin muna ang sistema ng hudikatura: na maayos natin ang hudikatura at mabigyan ng tamang suweldo ang mga judges natin; maayos ang mga korte natin, mga investigator natin, mga prosecutor natin na magkaroon ng reform bago siguro natin masabi na magka-death penalty or else baka maging biktima lang ang mga inosente.

News Latest News Feed