Press Release
July 22, 2019

GRACE POE INTERVIEW TRANSCRIPT
DZMM with Joyce Balancio

Q: So Sen. Grace Poe, as chairman of Public Services, ano po 'yung inaasahan ninyong babanggitin ng Pangulo sa sektor ng transportasyon?

Sen. Grace Poe: Magandang hapon sa ating mga kababayan. Unang-una ang Public Services ay hindi lang transportasyon, kasama din diyan ang paglikha ng maraming trabaho. Narinig natin ang interes ng ating kababayan kung paano mapapataas ang suweldo nila at mangyayari 'yan kung dumami ang trabaho dahil may kompetensya sa pagkuha ng empleyado. 'Pag na-amend natin ang Public Service Act, mas marami ang mamumuhunan sa ating bansa lalo na ang foreign investors kaya 'yan ang ating uunahin at itutulak. Pangalawa na rin diyan ang Freedom of Information, dahil sa lahat ng kontrata ng gobyerno dapat may karapatan ang ating mga kababayan na busisiin ito para hindi tayo maloko. Pagdating naman sa transportasyon, siyempre sinusuportahan natin ang 'Build, Build, Build' project ng Presidente, so 'yung magandang transportasyon sa ating bansa ay dapat rin nating ayusin. Kailangang lumikha tayo ng National Transport Safety Board para ang kaligtasan ng ating mga kababayan ay maging pangunahing layunin ng ating gobyerno.

Q: Senator na-file po ang panukalang batas on emergency powers, na-tackle na po ito sa committee ninyo, paano ang pag-atake natin ngayon sa bill na ito 'pag ito'y dumating sa inyong committee?

Poe: Alam mo ito ay na-file na, may nag-file nito, kung hindi ako nagkakamali ay si Senator Tolentino. Ito ay uunahin rin natin, kapag ito ay na-certify na ng Pangulo as urgent. 'Yan sa tingin ko ay maipapasa basta lamang ang importante ay ito: may klarong listahan ng kung ano ang mga proyekto; kailangan mayroong transparency, puwede nating busisiin ang mga kontrata para hindi tayo maloko; at dapat mayroong isang traffic czar na mamumuno na mayroong kapabilidad.

Q: 'Yun po 'yung mga wala po sa unang bill na na-file?

Poe: Meron, kaso hindi na-certify as urgent. Maraming naunang bills tulad ng TRAIN na ginawang prayoridad ng gobyerno.

Q: Si Alan Peter Cayetano, na dati nating colleague sa Senado, ay ngayon House Speaker. Ano pong tingin ninyo sa pagkakatalaga niya bilang House Speaker?

Poe: Alam mo si Senator Cayetano, maabilidad, very competent. Bilang naging katrabaho niya, ako naman, gusto kong maging matagumpay siya at ayan naman ay prerogatiba ng mga taga-Kongreso na piliin siya.

Maraming salamat po.

News Latest News Feed