Press Release
June 28, 2019

Dispatch from Crame No. 545:
Sen. Leila M. de Lima's Statement on Duterte's threat to jail those who will file an impeachment complaint against him

6/28/19

Tulad ng inaasahan, nagpaka-Duterte na naman si Duterte sa panahong nahaharap siya sa malaking isyu--nagpaka-diktador at nagpakaduwag.

Sa halip na ilabas ang tapang niya para ipagtanggol ang mga Pilipinong mangingisda at ang dignidad ng ating bansa mula sa Tsina, nanakot pa itong si Duterte na ipakukulong ang sinumang magsasampa ng kasong impeachment laban sa kanya.

Ganito naman talaga ang tatak ng kanyang gobyerno: Kapag gusto nilang ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na isyu at napapraning nang matanggal sa puwesto, magpapalabas si Duterte ng basurang matrix, o kaya naman, magbabanta na ipapatay o ipakulong ang mga kritiko para patahimikin sila.

Ito nga po ang ginawa niya sa akin at sa iba pang oposisyon, sa International Criminal Court (ICC), pati na sa mga pari, kababaihan, at sa iba pang tumitindig laban sa palpak niyang mga polisiya gaya ng War on Drugs.

Huwag nating lubayan ang isyung ito ng paglabag ni Duterte sa Saligang Batas; ang pagiging traydor ng isang Pangulong akala mo kung sinong siga, pero walang maibuga sa Tsina.

Nasa tuktok ka man ngayon, hindi mo pa rin kayang takutin ang lahat ng tao, Ginoong Duterte. Higit sa lahat, hinding-hindi mo matatakasan ang panahon ng paniningil para sa mga kasalanan at pagtataksil mo sa bayan.

No one, not even a popular president, is above the law.

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 545, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_from_crame_no._545)

News Latest News Feed