Press Release
May 27, 2019

Privilege Speech

Mr. President, I stand on a matter of privilege to shed light on the so-called Bikoy controversy. First and foremost, I vehemently deny Bikoy's allegation that I am part of any ouster plot against the Duterte regime. While it is definitely the worst democratically elected Administration in our Nation's history, since my release from detention in December 2010, I, and my group Magdalo, have embraced the democratic path to pursue government and societal reforms. I have been confronting Mr. Duterte and his allies on their draconian policies and acts of corruption using only the space that our democracy allows. Besides, how a series of videos could lead to an ouster of Duterte, as claimed by Bikoy, is simply beyond the realm of logic. Pag ganyan naman ka bobo ang plano, ibig sabihin wala akong natutunan sa mga karanasan ko.

Having said this, let me clarify certain issues regarding this controversy.

Una nang inilapit sakin itong si Bikoy ng mga pari nung August last year. Ayon sa kanila, ito raw si Bikoy ay humingi sa kanila ng sanctuary dahil sya raw ay papatayin ng mga taga sindikato na involved sa illegal drugs. Pinakinggan ko sya. Subalit nakulangan ako at nagulohan sa mga detalye kaya isinantabi ko at tuluyan nang kinalimutan ang usapang ito. Kung maaalala ninyo nung nagkaroon ng impasse dito sa Senado nung September last year dahil nais ako ipaaresto ni Duterte illegally, halos araw-araw akong nahaharap sa media at nagpe-presscon para himayin isa-isa ang lahat ng mga controversies na kinakasangkutan ng Duterte regime pero ni hindi ko ito namention kahit katiting.

Sometime in February, binalikan ako ng mga pari at binigyan ng mga dokumentong naglalaman diumano ng mga detalye ng mga bank accounts ng mga lider ng sindikato. Ayon sa kanila, ang mga ito ay galing sa mga kasamahan ni Bikoy na mga miyembro ng sindikato. Ang mga ito raw ay sina Jessmark Acosta and Dan de Vera. Ang pagkuha ng mga dokumento rin daw ang dahilan kung bakit nakatanggap ang mga pari ng mga death threats sa kanilang mga telepono. Coincidentally, dun din sa mga panahon na yun, nagsasabi si Duterte na dapat patayin ang mga pari at mga Obispo. Anyway, pinasuri ko ang mga dokumento sa mga media outfits, investigative journalists at iba't ibang entities both foreign and local. They said that the validation process might take a while but if the account details are accurate, the money trail could be traced. So, as far as those documents are concerned, maaring totoo pa rin ang existence ng sindikatong ito depende sa kalalabasan ng validation process later on. Ang sabi naman nila ay irereport na lang nila ito sa publiko pag ito ay nakumpirma na.

Binalikan ko rin si Bikoy ukol sa ilang detalye sa kanyang salaysay nung mga panahon na yun. Para maiwasang masunog sa maling akusasyon, ang sabi ko sa mga pari, wala tayong magagawa kundi antayin ang pagvalidate ng mga documents na yun. Matapos nun, I went on a series of speaking engagements abroad when the "Ang Totoong Narcolist" video series started appearing on social media. The Senate records would bear me out na wala ako sa Pilipinas ng mga panahon na yun. Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paggawa ng mga videos na yun. To my PMAer upperclassmen here, All Right, sir. Malamang sya rin ang gumawa ng mga video na yan. To be fair, maganda nga po ang pagkagawa ni Bikoy ng mga videos at nakakuha ito ng atensyon ng publiko. Sa pag-amin mismo ni Mr. Peter Joemel Advincula, siya raw ang tinatawag na Bikoy na nandoon sa video.

Nung lumabas eventually si Bikoy sa publiko nung May 6, na-float sa Minority block kung kailangan ba mag file ng resolution para imbestigahan ng Senado ang mga akusasyon na iyon. Ako mismo ang nagsabi sa mga kasamahan ko na wag na lang muna kami magfile ng resolution. Instead, antayin sya mag-labas pa ng ibang ebidensya to prove his allegations. Precisely, because I still have some reservations regarding his revelations. My fellow members of the Minority can attest to this fact.

Ngayon, itong mga pagtuturo ni Bikoy sakin ay hindi rin bago. Ginawa na ito sakin dati ng isang bogus na testigo na nagngangalang Mina. Inilapit din po ito sakin sometime in early 2017 kung hindi ako nagkakamali, kasi meron daw syang isisiwalat na impormasyon tungkol sa illegal drugs. Gaya ng lahat ng mga inilalapit sa aming opisina ukol sa mga prospective whistleblowers, pinadaan ko sya sa aming vetting process. Pero hindi sya pumasa. Tapos nun, gaya ni Bikoy, lumipat sa kabila at nag-akusa na inaalok ko rin daw sya ng pera para magtestigo laban kay Duterte. Panoorin ang short video na to.

Video 1: Mina presscon

Kung hindi mo alam ang background, parang kapanipaniwala sya kapag pinapanood mo pero ang hindi nya alam ay nakuhanan siya ng video habang boluntaryo siyang nagsasalaysay ng kanyang nalalaman.

Video 2: Mina interview

Ang totoo nyan, aside sa hindi sya pumasa sa vetting process, sya ay nanghihingi ng pera para sa kung anu-anong dahilan. Nung hindi nabigyan, bigla nang tumalon sa kabila at dun na naman nanghingi ng pera at inakusahan na ako ay nag alok ng pera para tumestigo laban kay Duterte.

Karamihan sa atin ay napanood ang pagbaliktad ni Bikoy nung Thursday sa isang presscon sa Crame. Ganun din, pinapalabas nya ay gawa-gawa raw lahat ng oposisyon ang mga isiniwalat nya sa video kapalit daw ng pera. Pero nakalimutan nya na nilapitan din nya ang opisina ni Senate President Sotto nung 2016 as Senator Sotto mentioned in his press conference last May 8. At gaya ng ginawa ni Senate President, pinadaan ko din sya sa isang vetting process para makumpirma ang mga sinasabi nya.

Sabi rin nya na dinikta raw sa kanya ang lahat ng isiniwalat nya. Ngayon, panoorin naman natin ang presscon ni Bikoy sa Integrated Bar of the Philippines as reported in the news.

Video 3: Bikoy IBP presscon.

Kitang kita natin dito na buong buo ang kumpyansa nya sa pagharap sa media. Wala naman akong nakitang bakas ng pagaalinlangan sa salita nya. Regardless, sa kanyang pagbalibaliktad, he has lost all value and credibility as a witness.

Mr. President, I stand by my track record here in the Senate. Kapag sigurado ako sa isang testigo, ebidensya o akusasyon, nilalabas ko at tinitindigan ko rito sa Senado. Mabigat ang prosesong pinagdadaanan ng mga prospective witnesses na lumalapit sa amin kasi kapag hindi katotohanan ang ilalabas ng mga ito, madali silang gibain ng mga tanong ng mga Senador. The fact na hindi ko sya inilabas dito, ibig sabihin hindi sya nakapasa sa aming vetting process at lalong di ko siya kinupkop. Yan ang dahilan kung bakit sa ilang imbestigasyon na rin ang nasamahan ko, sa awa ng Diyos, hindi pa naman po ako nasusunog sa mga inilabas ko.

Anu't- ano pa man, hindi ko po masisisi ang mga pari na naniwala at nagtiwala kay Bikoy. Sa kabutihan ng kanilang puso at magandang layunin, nagbigay sila ng sanktuwariyo sa isang taong nagsasabi na nanganganib ang kanilang buhay. As shepherds of Christ, that is their ministry. Hindi lang nila siguro na-expect na meron pa ring tao na susuklian ang kanilang kabutihan ng isang kataksilan.

At this point, I will formally turn over the videos and documents to the Secretariat as part of my privilege speech.

Salamat po.

News Latest News Feed