Press Release
May 22, 2019

Sen. Bam on results of 2019 elections

Hindi man tayo pinalad na makakuha ng pangalawang termino, hindi mauubos ang pagmamahal ko sa ating mga kababayan at kagustuhang manilbihan sa kapwa, bagkus sa ibang larangan naman.

Napakalaking karangalan ang manilbihan sa taumbayan kaya't lubus-lubos ang pasasalamat ko sa mga nakatrabaho at sumuporta sa akin sa loob ng anim na taon at sa mga walang pagod na nangampanya nitong nakaraang mga buwan.

Bago pa man ang araw ng eleksyon, ipinaubaya ko na sa Diyos ang resulta. At buo pa rin ang tiwala ko sa Kanyang plano para sa akin at higit sa lahat, para sa ating Bayan.

News Latest News Feed