Press Release
April 29, 2019

Win Transcript | Live phone patch interview on the employment protection of Filipino workers

Q: Ang pakay po ninyo ay hindi lamang i-prioritize ang Filipino workers, pasok po ang Senado sa oversight sa mga kontrata dito?

SEN WIN: Meron tayong isang batas, ito yung ODA na binibigyan po ng kapangyarihan ng Pangulo para pumasok at umutang para sa mga mahahalagang proyekto at imprastraktura pero gusto rin nating dagdagan para protektahan ang ating mga manggagawa at mga local employees natin kung tayo ay umuutang. Dito sa mga ODA, meron na silang mga consultant at mga kompanya na tutulong gumawa ng mga proyektong ito. Ang pinakamahalaga ngayon dahil ito ay utang, tayo rin ang nagbabayad. Sa mga susunod na mga taon ay ipapasok ito sa ating budget at ikakaltas sa mga buwis na ibinabayad natin so at the end of the day, utang pa rin po ito at dapat makinabang tayo sa mga proyekto at pinagkakautangan natin. Ang pinakamabilis na pakinabang natin dito ay ang trabaho na malilikha nitong mga imprastraktura.

Q: Kapag tayo po ba ang umuutang, sila ang magse-set ng conditions? Kung sino po ang nagpautang?

SEN WIN: Depende sa proyekto. For example, komplikado ang proyekto kagaya ng subway - yung pinaka-depot niya, yung paradahan ng pogon ay nasa Valenzuela so natutuwa kami kasi pwede kaming mag-supply ng mason, karpintero at ng electrical engineers pero aminado rin kami na wala tayong mga specialized engineers kagaya ng railway engineers. Yun po ay pinahihintulutan ng pamahalaan natin na magtrabaho temporarily, maximum siguro niyan ay two years para maitayo ang subway pero yung mga simpleng trabaho at may makukuha namang workers dito gaya ng electrical engineers, yun ang hindi na dapat pahintulutan, dapat protektahang ang mga manggagawa sa ating bansa.

Q: Yung sinasabi niyo pong amyenda rito sa official document assistance, is there a dirt in the law na kailangan punan ng ating mga mambabatas?

SEN WIN: Ang objective lang natin ay bigyan ng emphasis dahil nga dito sa pangungutang na ito ay gusto kong bigyan ng diin na dapat ay makinabang tayo - ang mga trabahador at manggagawa natin dahil kapag nangutang tayo at pinapatayo na ito, magandang maging explicit sa batas na may proteksyon ang ating mga manggagawa at yung trabahong available rito ay ibigay kaagad sa kanila, yun ang priority, yung mga manggagawa na available naman sa ating mga syudad.

Q: Gusto ba ng mga Filipino workers to actually be employed sa mga Chinese?

SEN WIN: I assume gusto nila dahil nalaman ko nga na yung operator ngayon ng pison, at the very minimum ang kinikita nila ay 1,000 pesos a day so almost twice above our minimum wage. It takes a special skill para mag-operate ng mga heavy equipment like pison, train, etc at sa dami ng construction ngayon both private and public, nagkakakulangan na ngayon ng mga operators ng pison. Madali namang mag-train niyan, in one month ay pwede na tayong mag-train so hindi ibig sabihin na may mga pangangailangan ng ganitong operator ay kailangan na natin mag-iimport ng mga dayuhan para dito.

Q: Yung iba po yata ay naghahanap ng TESDA certification.

SEN WIN: Correct. Ang TESDA po ay nakatugon naman sa pangangailangan natin sa construction workers at alam ko na paspasan din silang nagti-train.

Q: Ito po ay sa mga papasok pa lamang sa kontrata. Kamusta naman po yung mga nandito na?

SEN WIN: Nagkaroon na ng pagdinig dito sa Senado at iminumungkahi po ng Committee on Labor na maging mapagmasid at alisto ang DOLE at BI sa mga dayuhang walang permit dahil karamihan sa kanila ay walang permit yan dahil hindi talaga sila makakakuha ng permit kasi made-detect agad ng BI na hindi pwede. Enforcement of the law po ang kailangan at yun ang iminungkahi natin sa Senado.

Q: Kanya-kanya sila ng pag-issue ng mga dokumento eh, walang coordination among government agencies.

SEN WIN: Correct, pero ngayon ay meron na silang task force na itinalaga para i-harmonize ang mga working permit na ibinibigay. Ang pinakamahalaga ho dito ay implementasyon at enforcement ng batas. Narinig ko rin po sa pahayag ng DOLE at BI na gumagalaw na po ang kanilang itinalagang task force.

Q: Under the principle of reciprocity, ang Filipinos ba na going to China to work, dito pa lang sa Pilipinas ay pupunta na sa Embassy nila and start working on a visa to allow him to work? Kasi para sa akin ang dali, papasok sila bilang turista at dito na nila tatrabahuin yung kanilang work visa to be able to stay and work.

SEN WIN: Matatandaan natin na may nahuling 1,100 na Chinese workers sa Fontana at ang balita ko nga ang trabaho nila ay mga karpintero, janitor at iba't-ibang trabaho na marami naman dito sa atin at walang mga work permit yun. Pinasok lang at tourist visa, illegal ho iyon kaya nga we have to strictly enforce the law.

Q: Yung mga Chinese nationals na gustong magtrabaho dito, bakit hindi sila magpuntang Embassies at mag-apply for a work visa?

SEN WIN: Ganun po yung process talaga. Bago ka umalis, siguraduhin mo na may permit ka na pero marami rin ho sa kanila ang nakikipagsapalaran.

Q: We allow it kasi Senator eh, under our law they are allowed to come in as a tourist and then just process the work permit later on.

SEN WIN: Kung yung trabahong yun ay marami dito sa atin, hindi dapat ina-allow yun. For example, nag-tourist ka tapos ang trabaho ay available naman dito, hindi ka dapat bigyan ng permit.

Q: Minsan kasi is yung language din, karamihan sa customers or clients nila ay Chinese rin kasi they speak the language.

SEN WIN: Ang importante po rito ay ma-determine ng pamahalaan ano ang mga trabaho na talagang technical in nature at bigyan ng temporary permit dahil may tinatawag tayong technology transfer na kasama rin sa trabaho ang mag training ng mga manggagawa.

News Latest News Feed