Press Release
April 25, 2019

AMBUSH INTERVIEW | SENATE INQUIRY ON THE LUZON POWER OUTAGES | SENATE OF THE PHILIPPINES

[start recording]

Q: Lumabas kanina yung mga hindi sumusunod sa maintenance schedule, wala bang penalties?

SEN WIN: Walang akong narinig sa hearing na hindi tayo nakakasigurado na magkakaroon tayo ng tuloy tuloy na kuryente at malaki ang posibilidad na hanggang tag-ulan ay magkakaroon tayo ng brown out. Ang kagandahan lang ay pagdating sa eleksyon, mayroon tayong kuryente dahil walang pasok. I-expect na natin from now all the way to the rainy season na magkakaroon tayo ng brown out. Ginagawa naman ang lahat ng DOE kung ano ang pwedeng gawin pero ang pinaka dahilan dito ay maliit ang reserba natin kaya kung merong isang plantang masisira, agad tayong magkakaroon ng brown-out. Ang panahon ngayon ay napakainit, nakita ko ang pagtaas ng demand kaya't tuloy tuloy ang paglaki ng pagkonsumo ng kuryente kaya kung maliit ang ating reserba at tumataas ang konsumo ng ating kuryente, mag-expect na tayo na magkakaroon tayo ng brown out.

Q: May assurance po ba Sir na walang black out sa eleksyon?

SEN WIN: Wala namang black out sa eleksyon dahil wala tayong pasok, maraming mga factories at opisina ang walang pasok so bababa ang konsumo ng kuryente. Pero nasabi rin kanina na bago maghalalan, mag-expect na tayo na magkakaroon ng black out.

Q: Yung concern po kasi is yung burden na pinapasa sa mga consumer.

SEN WIN: Marami tayong polisiya na kulang dahil pag may nasirang planta, tumataas ang presyo na binabayaran natin, lahat ng consumers, eh hindi naman tayo ang may kasalanan bakit nasira, bakit tayo ang magbabayad? Ito yung mga polisiya na dapat maayos ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) para hindi tayo ang dehado kapag nasisira ang mga planta.

Q: May commitment po ba ang ERC?

SEN WIN: Meron. In fact, ang ating mandato sa kanila ay ayaw na nating maulit ito sa mga susunod na summer dahil ito yung pinaka kritikal dahil mainit. So ngayon pa lang ay minandato na natin sila na gumawa ng mga polisiya at iba pang bagay para hindi na magkaroon ng ganitong mga problema.

Q: Di po ba matagal ang approval para sa mga bagong power plant?

SEN WIN Yes, matagal. Yan ang nagiging sanhi ng problema natin ngayon dahil yung mga plantang dapat na tumatakbo na ngayon ay hindi pa tumatakbo dahil sa delay so kahit anong gawin natin, kung hindi susunod ang mga bagong planta, hindi talaga tutgma ang forecasting. Isa sa mga sinuggest natin sa DOE ay kung may mga hindi susunod, patawan rin ng penalty dahil tayo rin yung nadedehado dahil walang kuryente at tumataas ang presyo.

Q: Kailangan pa bang i-legislate yun?

SEN WIN: May power na sila para magpataw ng penalties at mga kaukulang parusa. Napag-usapan rin ang fact finding dahil nga nakita nating tumaas ang presyo at baka magtuloy-tuloy. Inumpisahan na ng DOE at ERC ang pagkukuha ng impormasyon kung merong mga sabwatan at collusion na nangyayari.

Q: So ERC as regulator, sila ang magpapataw?

SEN WIN: Yes. Sila ang magpapataw at gagawa ng polisiya para sundan ng ibang power plant at kung meron ding nakitang hindi tama, sila rin ang magpaparusa. Ngayon, ipupush natin na talagang ma-implement ito.

Q: Sino ang liable sa ganitong mga lapses dahil paulit-ulit eh?

SEN WIN: We will hold them also administratively liable dahil trabaho ng DOE yan, trabaho ng ERC yan at dapat aksyunan. Hindi yung puro recommendation and research lang ang importante aksyunan na yun. Administratively, pwede rin silang maging liable diyan-

Q: Liable ang DOE and?

SEN WIN: ERC.

Q: Contingency measures na dapat ipatupad before and after the elections?

SEN WIN: Ang ginagawa nila ngayon, meron mga plantang nasa Visayas na dinadala nila yung kuryente dito at yung malalaking nagkokonsumo ngayon, ginagamit yung generator, ito yung Interruptible Load Program (ILP) na tinatawag. So ito yung mga contingency measures pero short-term lang, to hindi pwedeng long-term, para lang makatawid tayo hanggang tag-ulan dahil pag nag tag-ulan na babagsak ang demand, makikita natin na mag no-normalize na yan dahil kasi ngayon napaka init, tumataas yung demand at kulang yung reserba natin.

Q: How will the fines and penalties work out?

SEN WIN: Under the law pwede mag pataw ng penalty ang ERC, up to 50 million, malaking ang kanilang kapangyarihan na magpataw ng penalty doon sa mga hindi sumusunod sa mga regulasyon-

Q: 50M per day?

SEN WIN: Sila na ang mag de-determine kung per day or other method.

Q: DOE and ERC officials na dapat sila ang mag monitor ng situation?

SEN WIN: Actually, makikita natin itong mga lapses sa policies at kaya ang recommendation natin ay i-impelment na yung mga policies na napag-aralan nila. Marami sa mga policies alam na nila, in fact, as early as 2017 noong nagkaroon tayo ng imbestigasyon dito, meron na silang mga recommendation hindi lang na i-implement. Ako naniniwala ako kung i-implement natin yun, maiiwasan natin yung mga ganitong brownouts na nangyayari.

Q: Reaction dun sa statement ng PIPA na reactionary lang yung penalties, nag caution kasi in any technology naman uncontrollable meron talagang glitches?

SEN WIN: Of course they will say that because they are defending kung ano nangyari sa kanilang planta, pero meron yung mga acceptable na mga araw na pwede kang mag maintain and pwede ka magkaroon ng forced outage, at kanina na-demontstrate niya na lagpas lagpas na tayo doon sa acceptable na pwede kang mag forced outage and pwede mang maintenance so talagang meron rin pagkukulang yung mga gencos, yung mga generating companies at kaya nga dapat may mga policy tayo na kung may pagkukulang dapat may maparusahan para hindi nauulit kasi nauulit ng nauulit eh.

Q: Election day, in-assure na walang brownout after election eh may canvassing of votes pa, doon may pasok? Power outages?

SEN WIN: Actually, yung canvassing is in danger because on election day walang pasok but canvassing may pasok na so that's why sinabi namin na even on canvassing maghanap na sila ng additional supply para pumasok because ang safe lang dito ang May 13 but it was also disclosed kanina na before May 13 and after May 13 manipis ang reserba natin. So kung may may papalya ulit na planta, malaki ang posibilidad na magkakaroon ng brownout.

Q: Contingency measure yung Interruptible Load Program (ILP)-

SEN WIN: ILP, ito yung generators na ginagamit sa mga shopping malls-

Q: Enough yung ILP?

SEN WIN: Makakatulong pero hindi enough-magiging mahal kasi diesel yun eh, yun nga yung sinasabi namin dahil sino ba ang magbabayad ng diesel? Tayo, dahil icha-charge yun sa ating mga consumers. Yun nga yung sinasabi natin na dapat hindi pinapasa sa consumers. Kung sino ang nasiraan ng planta, siya ang dapat managot.

Q: Manipulation or collusion hindi na establish?

SEN WIN: Umpisa yung fact finding dahil one week pa lang kailangan until end of the month para malaman natin kung ano yung resulta dahil ang pagbabayad is monthly. By the end of the month, next week, malalaman natin para makuha yung mga data.

Q: Sinasabi ni Mr. Tan sa initial investigation, wala naman daw collusion?

SEN WIN: Hindi naman niya nasabi yan with certainty, I think ang punto niya inumpisahan na nila yung fact finding. So hindi nila hinayaan to but they already started the fact finding but ultimately ang ERC ang mag pro-prosecute eh. So, information gathering ang The Philippine Electricity Market Corporation (PEMC), papasa sa Energy Regulatory Comission (ERC) at ERC ang mag pro-prosecute.

Q: You're also pursuing?

SEN WIN: We're coordinating with ERC dahil kung meron may anti-competitive behavior na nangyayari or sabwatan na nangyayari, dapat gumawa tayo ng mga batas para hindi mangyari yun. Gusto natin malaman kung saan ang naging butas at kung nagkaroon ng sabwatan.

Q: Kelan niyo ine-expect yung results ng fact finding?

SEN WIN: On May 2, meron ulit tayong isang meeting, they will give us a definite schedule.

Q: Batas sa collusion?

SEN WIN: We will have to wait for the investigation to finish kasi nag umpisa na yung fact finding ngayon and yung next is the investigation.

Q: Si Congressman kanina sabi na may assurance na maipapasa sa 17th Congress yung Anti-Power Line?

SEN WIN: Dito kasi sa atin yung mga transmission lines atsaka yung mga cable minsan dumadaan yan sa mga private property na may puno at hindi maputol yung mga utility yung mga puno dahil private property. Ngayon with this law, meron silang pahintulot na putulin yung mga puno dahil yung mga puno na yun pwede maging sanhi ng brownout, so that is the essence of the law.

[end recording]

News Latest News Feed