Press Release
April 3, 2019
Sen. Bam thanks Sen. Grace Poe for her endorsement
Taos-puso po akong nagpapasalamat kay Sen. Grace sa kanyang endorsement at suporta.
Sabi nga niya, hindi pulitika ang basehan ng kanyang endorsement sa akin kundi ang paninidigan para sa bayan at ang aming mga pinagtulungan sa Senado.
Anim na taon ko pong nakasama si Sen. Grace sa Senado at nagkatuwang kami sa pagsusulong ng mahahalagang reporma sa edukasyon, kaya malaking bagay po para sa akin ang kanyang tiwala at suporta.
|