Press Release
March 13, 2019

Transcript of Phone-patch interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On the 2019 budget

Q: Ano po ang nangyari kagabi sa inyong pulong sa Malacañang?

SP Sotto: Ang unang pasok kaagad ng Presidente, pag-upong-pag-upo, diretso kaagad, sabi niya I want to break the impasse, sabi niya, but I want you to know, that I will not sign anything if the Senate President will not sign it. Yan na kaagad ang banat niya. So sabi niya, ano, paano natin ireresolve ito? Something to that effect in so many words. Nag-umpisa yung House, sinasabi nila na yung mga amendments daw nila ay hindi daw nila pinakikialaman ang amendments namin, ganyan. Ang sabi ko naman, sinagot kaagad ni Senator Legarda yung mga sinasabi na alegasyon, tapos kami naman, sinabi kaagad namin na wala kaming sinasabi sa amendments ninyo, kami, amendments namin institutional amendments sa Senado, pero hindi yun ang punto ko, sabi ko. Ang punto ko is after naratify na natin, at saka ninyo ginagalaw at tinatamaan pa, kako, Ginoong Pangulo, ay yung mga Build, Build, Build mo doon sa DPWH na budget, at napupunta sa mga district. Syempre, may mga sinasabi sila, so to cut a long story short, in so many words, ang naging suggestion ni Senator Lacson ang namayani sa amin. Ang sinasabi niya, para maresolve natin lahat ito, ibalik natin ito sa original form. Kung ano ang napagkasunduan sa bicam, niratify namin, niratify ninyo, whether may amendments kayo diyan, may pork o wala, yun ang ipasa natin. Yun ang gawin ninyong enrolled bill. Bawiin ninyo yung pinadala ninyo sa amin, gawin ninyong enrolled bill yung napag-usapan natin, at ang Pangulo na ang bahala doon sa issue ng itemization. Kasi hindi naman papayagan ng Pangulo kung may tagilid. Doon sila humingi sa Pangulo, sabi nga. Pumayag ang Executive Department, agreed sila. Si Presidente, agreed. Si ES Medialdea, na nandoon din, at si Sonny Dominguez, Department of Finance, Payag din. Pakiramdam ko doon sa House, yung tinatawag nating acquiescence, ika nga, parang okay, but we just have to wait and see what they will do if they will really, babawiin nila, at papadala sila sa min ng bagong enrolled bill. Anyway yun ang sitwasyon na nangyari kagabi.

Q: So sir ang libro ho ng budget ngayon, nasaan na? Yung actual na libro? Nasa Pangulo na ho ito?

SP Sotto: Hindi, nasa opisina ko. Binigyan kami ng kopya, lahat ng mga senador, meron.

Q: Soon sa binabanggit ninyong gagawing pagaaral po ng inyong legal team diyan at saka ng inyong research team diyan, naconfirm po ninyo yun? Yung sinasabi po na yung original na supposed to be approved na sa bicam, you will just ratify it, talaga pong ginalaw?

SP Sotto: Oo, maliwanag dito sa nakikita ng LBRMO, Legislative Budget Research And Monitoring Office, maliwanag na nagalaw at ang tinamaan nga, ay yung mga vi-net ng mga Cabinet Secretaries ito, pagkatapos ililipat sa districts. Yun ang mabigat, after ratification. Kung ginawa nila ito after mag-bicam, wala silang maririnig sa amin.

Q: Kasi nga pagdaan sa inyo, either you ratify it or not.

SP Sotto: Oo, hindi mo na pwedeng galawin yung gusto nila.

Q: Yun pong posibilidad na kung yan ay pipirmahan ninyo, kung saka-sakali at ienroll ninyo, at i-veto na lang ni Presidente?

SP Sotto: Pwedeng mangyari yun pero kagabi, sinabi ko rin yan, bakit gusto ninyo kako, I was talking to members of the House din, the committee nila, sabi ko, bakit isusubo ako at isusubo ninyo ang Speaker ninyo, pipirmahan na iva-violate namin ang revised penal code at saka Constitution. Siguradong may magdedemanda sa amin niyan in the future, sabi ko. Bakit isusubo natin doon? Ibig sabihin, tagilid ang ibibigay namin, I will certify that it is correct? Why will I sign it if I cannot certify that the bill is correct?

Q: Ngayon po ang bola nasa Kamara?

SP Sotto: Oo, nasa kanila ngayon kung yung pinagusapan kagabi ay kanilang susundin.

Q: Presumption lang. Pag hindi sila sumunod, what will happen next?

SP Sotto: Yung mangyayari diyan, Agosto na papasa yan. Magiging supplemental budget ang gagawin, maipapasa yan after dito sa bagong Kongreso na. kagabi binigyan kami ni Secretary Dominguez ng effect kung ito ay papasa na kaagad, ang magiging epekto sa economic growth natin, sa GDP, tapos kung ipapasa namin ng Agosto, kung ilan yung ibababa, at kung ipapasa namin at kung hindi namin ipapasa at magiging re-enacted budget until December for the entire year, ay ganun din ang alam. Malaki, mga 2.3-2.5 percent ang mawawala in the re-enacted budget. Kaya ayaw din naman talaga natin yun kaya lang sundin natin yung batas. Sundin natin kung ano ang tama, doon tayo sa tama, kung tatamaan tayo dahil sa tama, wala tayong magagawa pero pwede naman nating remedyohan na tama pa rin pero hindi tatamaan masyado yung economic growth kung pumayag na sila dito sa pinagusapan.

News Latest News Feed