Press Release
March 12, 2019

Transcript of phone-patch interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon on DZMM Teleradyo

On On the 2019 budget

SP Sotto: Ted, good morning, magandang umaga sa inyong lahat.

Q:Tito Sen, budget. Ano po ba ang problema kasi may sinasabi si Senator Ping, may mga binabanggit siyang figures, and then ang sa Kamara po naman iba ang binabanggit nila. Bottom line po dito, ito po bang 2019 budget, ay tingin po ba ninyo malalagdaan ng ating Pangulo because last night ang sabi niya hindi niya pipirmahan ang isang dokumento na dinuktor o illegal.

SP Sotto: Sa sitwasyon ngayon, as we speak, nireresearch mabuti ng LBRMO yung sinubmit sa amin kagabi. Kahapon ang sinasabi ko doon sa House, kung sa tingin nila wala silang ginalaw, sabi nila wala silang ginalaw, at ang ginalaw nila, before ratification, Katulad nung sinasabi namin sa Senado, eh di ipadala nila sa akin, papirmahan nila sa Speaker nila, sabi ko at ipadala nila sa akin. Mukhang ginawa so kahapon o kagabi dumating. Ilang kopya yun, nireresearch ng LBRMO pero ang masasabi ko, kapag nandudoon talaga yung sinasabing ginalaw na mga P79-billion after ratification, eh hindi ko makukunsensiyahang pirmahan yun dahil bukod sa vina-violate ko yung Constitution, I will be violating also the revised penal code on the issue of falsification of legislative documents. Hindi ko pwedeng gawin yun. Ngayon pagka-nangyari yun, 100 percent hindi pipirmahan ni Presidente yan kahit ipadala nila ng wala akong pirma.

Q:So sir nireresearch ito ngayon ng inyong legislative budget research and monitoring office? Kasi may binabanggit si Senator Ping na dalawang aspeto na sa budget, ang umano ay ginalaw doon po sa public works, at saka sa DOH.

SP Sotto: (Unclear), facilities enhancement program.

Q:Opo. Kapag nakumpirma ng inyong team na ito nga ay ginalaw, hindi ninyo pipirmahan?

SP Sotto: Hindi ko pipirmahan, oo. Magiging illegal document yun sapagkat kabisado ko yan, nanggaling ka diyan. Pag tapos na ang bicam, nagratify kayo, tapos na yun, hindi na pwedeng galawin yun. As a matter of fact, kung tutuusin, pagka you want to be strict about it, ang nakalagay sa Constitution, pagkatapos ng third reading, hindi mo na pwedeng galawin. But anyway, ang naging practice natin pagdating ng bicam, tinatawag nga nilang third House, nalilikot ng kaunti, but then it goes back to the floor for plenary ratification. Pag naratify na sa plenary ng either House, hindi mo na pwedeng galawin yun, yun na yun. Magpi-printed copy ka na.

Q:How soon can your research team come up with the findings? Within the day?

SP Sotto: Within the day, and well, sabihin ko na siguro sa iyo, total wala namang nakikinig, tayong dalawa lang ang nag-uusap, eh pinatawag na ako ng Presidente mamayang gabi. Pinatawag na niya ako, dadalhin ko na yung kung ano ang makakuha kong research at anong balita, dadalhin ko mamaya.

Q:Hindi ko po maiwasan itong banggitin na medyo nagkaka-personalan. Ngayon po may mga reports na. Dito ho ba ano po ang issue dito? Wala itong personalan, trabaho lang?

SP Sotto: Wala. Naririnig ko nga yung merong pinagbibintangan, mainit daw si Senator Lacson, dahil daw kay Speaker GMA, hindi totoo yun. Bago pinuna ni Senator Lacson yan, yang P79-billion, hineads-up na ako ni Senator Loren dahil sinabi ng LBRMO na namonitor nila na ang ginagalaw, yung naipasa na. Yung kay Senator Lacson, yung issue ng pork barrel talaga yun noon pa. Noon pa yan, at saka habang nagdedebate kami, tiningnan ko yung mga journal ng hindi lang sa hearing, pati sa plenary dito sa budget, talagang mainit naman siya doon sa pork barrel.

Q:Ang sabi po ng Presidente, kapag tayo ay gumalaw sa ilalim ng re-enacted budget, may problema po ang gobyerno, na maaapektuhan pati po yung ating GDP. In case lang po na mapatunayan ninyo na ginalaw po itong budget, hindi nga ito tama kasi nga ratified na yan, hindi mo na maaaring galawin, what will be the cure? Is there a cure?

 SP Sotto: Yes, there is. Una sa lahat, para hindi naman kabahan yung ating mga kababayan bakit malakas sa loob namin ang re-enacted budget, pag re-enacted budget, lahat ng mga gastos ng gobyerno para sa pangsweldo, public services, yung mga ganoon, nandoon lahat yun. Hindi mawawala yun. Ang naglakaroon lang ng problema ay yung mga DPWH na programa, yung natapos na, hindi mo pwedeng gamitin ngayon yung budget na yun doon sa natapos na proyekto. Yun mga ganun lang. Pero heto nga, ang remedyo, pagdating ng... dalawa ang remedyo pero hindi maganda yung una. Una is pagdating ng May 20, magbicam kami ulit. Madugo na yun. Ang pinakamaganda, yung isang remedyo, is magpasa kami ng supplemental budget doon sa bagong Kongreso sa July.

Q:Pero sir kalagitnaan na ng taon yun.

SP Sotto: Wala na sigurong sakit ng ulo. Okay lang yun konting pag tutuusin, pag sasabihin nila, sinasabi ng economic managers, baka maapektuhan ng 1-1.5 percent ang ekonomiya dahil doon. Una maliit yun, pangalawa, mas malaki ang 2018 budget natin kesa sa 2019 budget, so hindi talaga magkakaproblema yun, authorized naman ang Presidente mag-realign in the next two or three months kung hindi pa namin mapapasa yung supplemental budget, pero sa tingin ko, by August, maipapasa na namin yun.

Q:Yun pong Build, Build, Build po ngayon, may mga kontratista na hindi mabayaran at nag-aabono daw muna, ano po ang tingin ninyo doon?

SP Sotto: Mahuhusay naman yung mga kontratistang yan, mga nananalo sa bidding yan, may mga puhunan naman sila. Pwede naman siguro silang magsakripisyo o mag-abono para sa gobyerno. Ilang buwan lang naman yun. kung talagang tutuusin. Kasi kung papayagan namin yang ganyan, ang labo talaga ng pangyayari, hindi ko na nga kinukuwestiyon kung saan nila dinadala. Hindi na yun ang punto ko. Si Ping yun ang punto. Ako ang punto ko, is wala sa lugar, hindi tama, mali. Hindi dapat gawin.

News Latest News Feed