Press Release
March 7, 2019

WIN TRANSCRIPT AMBUSH INTERVIEW | MURANG KURYENTE ACT | OUTRAGE OF NCRPO DIR ELEAZAR

Q: Pasado na po ang Murang Kuryente Act?

SEN WIN: Yes, approved na sa bicam at nagpapasalamat ako kay Cong. Velasco, of course sa ating mga kasama sa House at nagkaroon tayo ng ganitong batas because malaking bagay to. Almost 1 peso ang matitpid ng ating mga consumers at para sa ordinary consumers, yung mga kumukunsumo ng 200 kwh per month, almost 170 pesos ang matitipid niya kada buwan. More or less lumalabas almost 4 kilos of rice yung matitipid ng isang ordinaryong pamilya.

Q: disagreeing provisions?

SEN WIN: Wala naman major disagreeing provision, Congressman Velasco just added na yung matitirang pera ay gagamitin sa explporation naman ng energy resource. So hindi naman lahat ng Malampaya magagamit. So, may matitira na pwede pang gamitin sa energy resource or energy development.

Q: Malamapaya fund at least 2020 to 2021?

CONG VELASCO: In addition lang po sa sinabi ni Senator Win, so right now kasi dapat malaman ng taong bayan na ang Malamapaya fund is around 208 billion. There's a balance of 208 billion, so it's been used kasi before for other projects not energy related. So we came to a consensus na para deretso mag benefit ang taong bayan, gamitin nating pangbayad sa utang ng PSALM and NAPOCOR para yung universal charge na china-charge sa ating bill, sa kuryente, mabawasan po. Sabi nga po ni Senator Win almost one peso, so roughly 200 kwh per household o 170 pesos yung matitipid nila. Ang Malampaya po kasi yearly it earns, so iba-iba po yung income, yung mga amount. So in 2019, the government will be earning around 22 billion. In 2020, there's another 22 billion so gusto lang namin sana gawin ni Zobel, is to earmark natin yung fund na andiyan tapos yung mga maear-earn natin through the years can be used by the DOE or by the government for other energy related projects. Specifically, ang gusto nga namin dito sa committee tusukin natin yung exploration beause sabi nga natin yung Malamapaya, kita naman po natin yung laki ng income ng nakukuha ng ating bansa so we'd want to continue Malampaya. Although, alam natin na made-deplete siya somewhere in the 2025 to 2029 na period so we want to look for other sources na makakapagbigay ng same income sa ating bansa.

Q: Hanggang kailang ang decrease ng 1 peso kung naka depende siya sa Malampaya?

SEN WIN: Actually ngayon, kung titignan natin yung bill natin meron nang 22 centavos diyan at pataas ng pataas yan. Aabot yan to almost 1 peso in the next few years so itong batas na ito matatangal yung 22 centavos na yun at mahihinto yung pagtaas ng universal charges. Kung makikita natin sa electricity bill meron doon yung tinatawag natin na universal charges for stranded costs and stranded debts so yun mawawala kaagad, yung buong universal charges. On top of that, I would also want to thank Senator Ralph Recto, siya yung principal author ng bill na ito and in fact naisip niya talaga kung paano matulungan yung ating consumers mapababa yung electricity bill natin. So ito yung kauna-unahang batas ng energy committee na direkta na makakatipid ang ating mga consumers sa pagbayad nila ng kuryente.

Q: Sir ilan percent ng Malampaya funds ang gagamitin for this law?

SEN WIN: Pag inipon natin lahat kasi tuloy-tuloy yung Malampaya fund, as we speak, kikita tayo ngayon, so ang estimate ko mga around 60-70% ng buong fund until maubusan ang magagamit dito. Yung matitira yun na yung sinabi ni Cong Velasco na gagamitin naman for energy exploration.

Q: 60-70 percent yun po yung sinasabi to 208 billion?

SEN WIN: correct.

Q: When do we expect na fully ma implement yung batas?

SEN WIN: 90 days meron na tayong IRR and we are hoping tthat the President will support this bill kasi nga ito yung kauna-unahang batas na deretso sa savings ng ating consumers. Yun yung ating nararamdaman every month, everytime kinukuha natin yung ating electricity bills, mahal, at marami sa ating kababayan especially kung kelan tumataas yung bilihin, gusto naman nila makakuha ng savings sa kanilang pagbayad ng kuryente. So yung savings yung hinahanap ng ating mga kababayan.

Q: Purely lowering the electricity bill yung batas na ito? Walang provision na mag make sure na may enough supply ng kuryente?

SEN WIN: Wala, this is purely savings in our electricity bill.

Q: Estimated number of households to benefit from this?

SEN WIN: More or less 16 million households ang nagbabayad ng kuryente sa ating bansa so 16 million household ang makakaramdam nitong batas na ito.

Q: Household or pati mga business establishments?

SEN WIN: Connections, kasama lahat ng connections so household, commercial and industrial dahil lahat tayo nagbabayad ng universal charges. Pag nakikita natin sa electricity bill nandun yun.

Q: Will it not deplete kaagad yung Malampaya Fund given the magnitude of those who will benefit from it?

SEN WIN: Sa ngayon, hindi ginagamit ang Malampaya Fund. In fact, last ginamit yan was in 2013 kung matatandaan ninyo nagamit itong Malampaya fund sa fertilizer, sa farm-to-market road, sa Quezon City alam ko nga meron doon. So dapat itong Malampaya fund ay ginagamit sa energy development kasi n the past nagamit ito sa mga bagay na walang kinalaman sa enerhiya.

Q: Ano mangyayari pag naubos na yung funds?

SEN WIN: based doon sa projection namin sobra-sobra yung Malampaya fund. In fact, may matitira pa close to 100 billion. kahit na maipatupad na itong batas na ito, may matitira pang close to 100 billion na pwede gamitin naman para maghanap pa ng bagong Malampaya. So that is the concept under this bill.

Q: So you're expecting na ma su-sustain yung implementation using the Malampaya fund?

SEN WIN: 466 billion to be exact ang natitirang utang.

Q: Wala nang universal charge sa bill?

SEN WIN: Under the universal charge may apat; missionary electricity, environmental charge, stranded debt and stranded costs. Yung huling dalawa yun yung pinaka malalaki which is about 22 centavos ngayon pero palaki ng palaki yan, aabot ng almost piso yung matatangal. Meron din mga pinag-aaralan ngayon ang Kongreso at Senado para matanggal na yung buong universal charge, yung apat na components, para mas bumaba pa yung presyo ng kuryente natin.

Q: Once mag take effect into law pwede na i-check ng consumers yung bill nila, sarado na yun?

Answer: It's staggered implementation, so may makikita pa rin kayong charges pero much much lower.

Q: Para sa conumsers kelan nila mararamdan ito? O may nakikita ba kayong hindrances para hindi siya maging ganap na batas?

SEN WIN: We're really hoping na mapirmahan ng Pangulo ito at makita niya na ito ay mabuti para sa ating consumers at sa buong bansa dahil ang negosyo, pag nakatipid naman ay kukuha pa sila ng mas marami pang trabahador, mas maraming mag tratrabaho. Hopefully kapag mapirmahan ito kaagad, in 90 to 120 days ay pwede na ma-implement.

Q: raratify pa rin pagbalik ng session sa May?

SEN WIN: Yes.

Q: So yung 90 days hindi pa start yun?

SEN WIN: Hindi pa, mag sta-start yun kapag na pirmahan na ni Presidente.

Q: So mga in the middle of the year pa yan?

SEN WIN: Well hopefully more or less mga third quarter, more or less.

Q: Ang utang ng NAPOCOR ay 466 billion yung buong yun ay balak bayaran?

SEN WIN: Ang PSALM nagbebenta pa ng assets so yung makukuha niyan sa nabenta niya ay gagamitin din niyang pangbayad. So pinroject nila yan, lumalabas na itong 208 billion sapat lang para ma wipe out yung 466 billion.

Q: Intact po yun diba?

SEN WIN: Yes, intact yun. Hindi ginagalaw yun. Every year, sinasabi ng PSALM na kailangan ko ng ganito, kailangan ko ng ganyan so yun ang kukunin for the next six years. So hindi sya isang bagsak. There were times na 20 billion, may times na 50 billion so iba-iba siya.

Q: Hindi rin isang bagsak na bababa ang kuryente? Gradually siya?

SEN WIN: Hindi, isang bagsak yun kasi may application na ngayon na 22 centavos. So ang makikita natin na isang bagsak, mawawala yun pero yung iba ay hindi na tataas. Kasi aabot yan ng almost 1.00 peso in the next five years or six years.

Q: Paano ang computation niyo Sir? Yung 22 centavos, sa isang buwan magkano ang matitipid?

SEN WIN: Kung ang matitipid natin ay almost 1.00 peso, sa 200 kilowatt, 200.00 pesos ang matitipid natin more or less. Ang isang household, makakitipid siya ng 175.00-200.00 pesos a month. Yun ang computation.

Q: Yung universal charges Sir, isang bagsak din yun mawawala?

SEN WIN: Yung existing ngayon, oo, yung 22 centavos isang bagsak mawawala yun. Pero tumataas yun eh.

Q: Yun yung magkano Sir?

SEN WIN: Kung 22 centavos, mga 50 pesos more or less per month for an ordinary family. Kung minimum waged ka, more or less 200 kilowatt ang kino-consume mo lalo na kung tag-init dahil yung mga electric fan natin ay naka-on.

OUTRAGE OF DIR ELEAZAR

Q: Ano po yung reaction niyo Sir doon sa outrage ni Dir. Eleazar sa kotong cop?

SEN WIN: Oo, napanood ko nga yung video eh. I think as a rule, lahat kami -ako, mga pulis, sundalo should practice the maximum tolerance rule pero alam naman natin na maraming mga pulis na sobra na talaga na nakakasira na sa kapulisan natin at sa imahe ng government at public servants, kasama na ko dito. In fact, if you remember a few months ago yung "pagpalit puri" may nahuling drug suspect at nirarape yung mga anak yung mga relatives, biro mo nangyari lang yun two months ago? ngayon nangyayari na naman ulit. So I think in that point in time si NCRPO Eleazar, talagang napuno na. I cannot blame him dahil talagang maraming scalawag at walanghiya sa ating kapulisan at at that point in time frustration yung lumalabas but as a rule all of us public servants, we have to practice maximum tolerance.

Nakukuha ko yun kasi noong Mayor ako kapag na ka encounter ka ng rape, talagang yung galit mo lalabas at lalabas eh at talagang gusto mo yung taong yun tignan ka sa mata para magsabi ng totoo. I think that was his point kaya naramdaman ko yung nangyari sa kanya dahil I was in the local government. Nakaharap ako ng rape, ng nakaw o nakapatay, yung rage lumalabas dahil gusto mo ng hustisya.

Q: Understandable yung reaction pero wag nang ulitin?

SEN WIN: I think as much as possible and as a rule, wag nang mangayri yun dahil hindi natin malaman kung saan pupunta yun, pano kung makabunot ng baril? We really have to practice maximum tolerance, that is the rule.

News Latest News Feed