Press Release
December 10, 2018

Speech of Senator JV Ejercito
Ratification by the Senate of Bicameral Conference Report
Universal Health Care Act

December 10, 2018

Mr. President at mga kagalang-galang na miyembro ng Senado,

Maligayang Pasko po! Napaaga po ang pasko hindi lang sa Senado kundi sa buong Pilipinas. Ngayong araw isang napakahalagang regalo ang hatid ng pagratipika ng kapulungang ito sa isa sa mga legisilative priorities ng 17th Congress.

Your Senate Panel of the Bicameral Conference on the Disagreeing Provisions of Senate Bill No. 1896 and House Bill No. 5784 or the Universal Health Care Act is pleased to report that we have come up with a reconciled version, and which we are submitting today for ratification by the Body. The comprehensive details of the disagreeing provisions are reflected in the Joint Explanatory Statement. With the permission of the Body, I move that the said Joint Explanatory Statement on the Disagreeing Provisions of Senate Bill No. 1896 and House Bill No. 5784 be read in toto into the Record. For the information of the body, the Senate version of the bill was adopted as the working draft with amendments.

----

Inaasahan po natin na sa lalong madaling panahon ay pipirmahan ng Presidente ang UHC upang ganap na maisakatuparan ang garantisado at maaasahang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.

Sa ilalim ng Universal Health Care, ang bawat Pilipino ay hindi na kailangang mangamba sa tuwing sila o ang miyembro ng pamilya ay magkakasakit dahil aayusin at palalakasin natin ang pagbibigay ng serbisyo lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

Hindi na po magiging problema ang gastos sa pagpapagamot dahil awtomatikong isasama at magiging miyembro ang bawat Pilipino ng Philhealth.

Hindi na din po iisipin ang kakulangan ng mga doktor, nurse, at iba pang health workers dahil popondohan at pagtitibayin natin ang mga benepisyo para sakanila.

Mr. President, hindi po naging madali ang pinagdaanan ng Senate Committee on Health and Demography bago kami nakapag-sumite ng UHC version na sumasalamin sa pagtaguyod ng karapatan ng bawat Pilipino sa isang maaasahang serbisyong pangkalusugan.

Ang inyong lingkod po ay nagpapasalamat sa mga taong naging katuwang natin at naging daan sa pagbalangkas natin ng kasalukuyang bersyon ng UHC. Malaking tulong din po ang pag-antabay ng ating mga kababayan, ang pagtawag nila sa ating tanggapan upang magtanong at magbigay suhestiyon kung paano natin mapapabuti ang iplementasyon nito.

Hayaan niyo po akong banggitin ang mga tao at organisasyon na nakiisa saatin sa adhikaing ito.

Ang Department of Health, sa pangunguna ni Secretary Duque at sa kanyang mga kasama na sina Usec. Mario Villaverde, Usec Lilibeth David, Dr. Beverly Ho, at kanilang mga technical staff. Sila ang ating naging pangunahing katuwang upang mabuo natin ang itsura ng isang UHC framework.

Kay Dr. Orville Solon ng UP School of Economics, Dr. Albert Domingo ng World Health Organization, at Dr. Troy Gepte na nagbigay ng kanilang mga mahahalagang inputs upang mas mapabuti nating ang ilang probisyon ng UHC Bill. At sa ating Health Committee Secretary Beatriz Cruda na naggabay sa atin sa pagbalangkas ng panukalang ito.

Nariyan din po ang suporta ng ilang organisasyon katulad ng Social Watch, Action for Economic Reforms (AER), Ayos na Gamot sa Abot Kayang Presyo (AGAP) Coalition, Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), at Philippine Academy of Family Physicians. Maraming Salamat po sainyong pag-antabay na ang mga mahahalagang probisyon ng ating panukala ay manatili at mapaganda pa.

Nais ko din pong pasalamatan ang mahal nating mga Barangay Health Workers (BHW) na nagbigay daan upang maging produktibo ang committee hearings natin sa mga probinsya. Malaking tulong po ang ating regional consultations at hearing upang malaman natin ang regional concerns ng ating mga kababayan at local government units.

Naging instrumento po ang ating mga LGUs sa matagumpay na regional consultations. Maraming Salamat sa League of Provinces of the Philippines (LPP), Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at iba't ibang samahan ng LGUs sa kanilang suporta sa tuluyang pagpasa ng UHC.

At ngayon po Mr. President, nais kong ipaabot ang aking taus-pusong pasasalamat sa ating mga kasama sa kanilang kontribusyon at walang sawang suporta. Lalung-lalo na po sa mga may-akda ng UHC sa Senado:

Senators Ralph G. Recto, Risa Hontiveros, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Leila De Lima, Cynthia Villar, Joel Villanueva, at Manny Pacquiao Sa ating Majority Leader at aking Seatmate, Senator Migz Zubiri, ang ating Minority Leader, Senator Franklin Drilon, at ang ating magaling na Senate President, Senator Vicente Sotto III, sa inyong suporta sa panukalang batas na ito.

Nagpapasalamat din po ako sa ating Presidente sa pag-sertipika niya bilang urgent sa UHC at sa pagbigay ng priority rito sa kanyang administrasyon.

Mr. President,

Matapos po ang mga pagdinig, debate, at pag-uusap, heto na po ang totoong reporma sa sektor ng pangkalusugan.

Matapos po ang mahabang panahon na ito ay hindi nabigyan ng pagkakataon na maipasa, naging daan ang Senadong ito upang maihatid natin sa ating mga kababayan ang serbisyong pangkalusugan na garantisado, abot-kaya, at para sa lahat.

Muli po, Maligayang Pasko at Maraming Salamat po!

News Latest News Feed