Press Release December 5, 2018
Statement of Sen. Francis Pangilinan on Charter change bill in HoR
Masyadong mahalagang usapin na hindi dapat minamadali. Tatlong porsyento lang ng mamamayan ang nagsasabing importante ang Chacha. Presyo ng mga bilihin, dagdag sahod at kita, at trabaho ang hinahanap ng mamamayan, at hindi Chacha. Kung sila-sila sa administrasyon ay hindi magkasundo sa ano'ng dapat baguhin sa Saligang Batas, bakit pa ito ipipilit sa taumbayan? Mas mainam na ipaubaya na sa susunod na mahahalal sa Kongreso ang usapin ng Charter change. Jobs o trabaho ng mamamayan at hindi jobs o pwesto ng politiko ang dapat inuuna ng Kongreso. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|