Press Release December 5, 2018 Sen. Bam on government's decision to implement excise tax on fuel in 2019 Nakakapagod ang mga urong-sulong na pangako, lalo na para sa mga Pilipinong nalulunod sa taas-presyo. Pinakinggan sana ang taumbayan at hindi na gatungan ng buwis sa petrolyo ng TRAIN Law, habang alam naman ng lahat na ang pag-akyat nito ang dahilan sa mataas na presyo sa merkado. Matagal na nating hinain ang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill na nagsisikap na baguhin at ayusin ang mga problemadong probisyon ng TRAIN. Ito na lang sana ang binigyan ng pansin ng mga economic managers imbis na ulitin ang mga pagkakamali ng TRAIN law. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|