Press Release
November 26, 2018

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar
(Hearing on NFA budget)

Q: Na-satisfy ba kayo sa sagot, na-assure ba kayo na hindi na mangyayari iyong mga nangyari sa NFA?

Villar: Wala namang sagot. There was no report because the Secretary of Agriculture is not here. And they have no report whatsoever with regards to the complaint of Senator Pangilinan so we said they have to give the report before Friday. Because we might go on plenary Monday. Dapat may report na iyon kasi kung hindi magrereport, tatanungin pa sa plenary iyon.

Q: Paano maaapektuhan ang rice tariffication bill kapag napasa ang budget ng NFA?

Villar: Pareho pa rin ang kanilang budget for buffer-stocking. But they will use it to buy rice from the local farmers, hindi na to import or to pay for their loans. Talagang ipo-focus nila ang pagbili ng rice sa local farmers.

Q: Na-assure ba nila sa inyo na there will be enough buffer stock?

Villar: Pwede namang sabihin nila na there will be but if they do not do their job well, hindi rin. So it depends on how they will do their job.

Q: Supposedly dapat mas makaka-focus na sila doon dahil wala nang importation?

Villar: Wala na. Naka-focus lang on buffer-stocking which they will buy from the local farmers.

Q: Sa retrenchment, marami bang mawawalan ng trabaho?

Villar: Titingnan namin kasi hindi ko naman alam ang organization nila and how this bill will affect them. I think iyong DOF inassure kami na sila na ang bahala diyan.

Q: You mentioned earlier about their performance vis-a-vis kung ano ang pwedeng mangyari sa budget nila, what do you think of their performance sa nakaraan and will this affect their budget?

Villar: Hindi ba may budget talaga sila for buffer stocking but they did not do buffer-stocking. They paid their loans. It was not meant that way. Talagang iyong budget nila is for buffer-stocking, P7 billion a year.

Q: So most likely hindi posibleng mataasan ang budget nila?

Villar: Hindi siguro. Baka mahirapan.

Q: Iyong rice tariffication, hindi naman siya magpapababa ng presyo ng palay?

Villar: Tinaas pala nila, meron silang inadd na P3.00 na premium which they can withdraw anytime. Talagang P17.00 pa rin but during that time na nahihirapan, binigyan sila ng authority to pay additional P3.00. But that can be removed anytime. Siguro ganoon na lang ang gagawin, titingnan kung ano ang demands of the time na kaya namang magbigay ng ganoon ang NFA Council.

Q: How much ang magiging range ng bigas starting next year?

Villar: Sabi nila ngayon daw meron nang mga P38 diba? Even sa local. Tapos hihingi sila ng authority na ibebenta nila ang rice nila at P33 iyong buffer stock ng NFA para hindi masyadong malaki ang losses nila. Hindi lang natin alam kung mapapayagan sila. Kapag binili nila at P17, they can sell it at P30. Kapag binili nila at P20, they can sell it at P33. Parang ganoon, depende kung magkano nila bibilhin sa farmers iyong rice.

Q: Lugi ba iyon sa P33?

Villar: Hindi. Break-even na iyon. Kung binili nila ng P17, break-even na iyong P30. Kapag binili nla ng P20, break-even P33.

Q: So iyong P27?

Villar: Lugi sila doon. Kasi iyong P27 walang provision sa overhead, iyong P3.00 ang overhead. Kapag binili mo ng P17 at minill mo, P25 iyon kasi 65% lang ng one kilo of palay ang lalabas na rice so ang puhunan nila doon sa rice P25 tapos magbibigay sila sa magbebenta ng P2, so P27. So wala iyong overhead, P3.00 ang overhead. So iyon ang lugi nila. But if they sell it at P30, covered iyong overhead kung binili nila ng P17. Kung binili nila ng P20, P33 ang break-even.

Q: Magkano po ba ang budget ng NFA at saka dahil sa tariffication babawasan na ang budget ng NFA next year?

Villar: Ang NFA? No, because that's for buffer-stocking. We want to keep the buffer-stocking kaya lang ngayon required sila to buy it for the local farmers, not to import.

Q: The agency itself po, babawasan po ba ng budget?

Villar: Iyon lang ang budget nila, P7 B. And then iyong overhead nila doon ay may P3.00 for overhead.

Q: Kasama na sa P7B iyong para sa staff?

Villar: May income daw sila from various, iyon ginagasta rin nila iyon, regulatory.

Q: May sinasabi silang magiging loss nila, P160 million?

Villar: Hindi natin alam kasi iba-ibang adminsitrator, iba-iba iyong kanilang profit and loss. Depende nga sa nagma-manage so I cannot predict that.

Q: Ano po iyon parang projection lang ni ni Administrator Escarez?

Villar: Hindi ba sinabi ko sa inyo, kapag binenta nila ng P30, walang loss kapag binili nila ng P17. Kapag binili nila ng P20 per kilo ang palay, then kailangan ibenta nila ng P33 otherwise may loss sila.

Q: Pero iyong sa personnel, wala pa?

Villar: Wala pa iyon.

Q: Sa Monday i-sponsor nyo na sa plenary?

Villar: Baka doon kami magsisimula kasi diba binigay na sa amin, na-transmit na then one week pag-aaralan. We go plenary sa Monday. Tentative December 3. Iyon ang tingin ko earliest na we can go plenary.

Q: To be signed na?

Villar: Ang prediction nila mare-reenact ang budget for one month. Parang hindi namin makakayang tapusin ang budget from December 3 to December 12, two weeks. I think aabot kami ng Jnauary so bale iyong budget reenacted for one month tapos mapapasa namin sa January.

Q: Ang tariffication is December 3...

Villar: Ngayon papipirmahan na namin. Depende kung kailan pipirmahan ng Malacanang. But we will forward it to the President as soon as we ratify the bicameral report.

Q: May statement si Sen. Gatchalian na ang effect ng tariffication is abolition ng NFA?

Villar: Hindi. Walang provision ang rice tariffication on the abolition of the NFA. Ang sinasabi namin mali-limit ang kanilang role sa buffer-stocking, buying from the local farmers. Walang abolition.

Q: Nabawasan ang mandate nila?

Villar: Nabawasan.

Q: Anong function po mismo ang mawawala sa kanila?

Villar: Iyong importation saka regulatory.

Q: Paano kapag hindi sila nakapag-submit ng detailed report by Thursday, hindi ba maiipit ang budget ng NFA?

Villar: Siguro naman magsa-submit sila kasi ayaw naman nilang maipit ang budget nila.

Q: Kung wala silang report hindi ninyo mae-endorse ang budget?

Villar: Kine-question ni Senator Kiko. Sila ang mag-uusap. Wala naman sa akin ang question, nakay Senator Kiko.

News Latest News Feed