Press Release
November 9, 2018

PAHAYAG UKOL SA DESISYON NG SANDIGANBAYAN SA KASONG KATIWALIAN LABAN KAY IMELDA MARCOS

Sa kabila ng matinding kadiliman, may naaaninag at umuusbong na liwanag. Ito ang liwanag ng hustisyang nakamit ng sambayanang Pilipino ngayong araw, matapos mahatulang may sala ng Sandiganbayan 5th Division si Imelda Marcos sa mga kaso ng katiwalian.

The guilty verdict handed over by the Sandiganbayan against former First Lady and current Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos is long overdue, but is still a welcome relief in our tedious struggle to make the Marcoses and their cohorts accountable for their crimes. This development also serves as a reminder to other abusive and crooked officials - the current occupant in Malacañang included - that the long arm of the law and justice will catch up with them.

Ito ay hustisya para sa mga Pilipinong nasadlak sa kahirapan dahil sa talamak na katiwalian sa ilalim ng pamumuno ng mga Marcos. Ito ay hustisya para sa sambayanan na patuloy pa ring nagbabayad ng utang ng Pilipinas sa ibang bansa na lumobo noong panahon ng Batas Militar. Higit sa lahat, ito ay hustisya at tagumpay para sa Pilipinong naninindigan laban sa mga pilit binabago ang kasaysayan, at sa mga naghahangad ng pananagutan sa mga tiwaling nais muling maghari-harian sa ating bayan.

Isang mapagpalayang araw sa ating lahat!

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

9 Nobyembre 2018

News Latest News Feed