Press Release
October 24, 2018

Transcript of Sen. Bam's interview after 'Oposisyon Koalisyon' launch

Q: Sir, it's not even campaign period pero why do you have this event?

Sen. Bam: Mahalaga na mapakilala na sa taumbayan ang mga kasama natin sa koalisyon. Syempre, mga dehado rin kami kaya gusto naming mapakilala sa taumbayan ang mga hinahangad natin dito. Here, we are showing eight (8) individuals na sa tingin naman natin maipagmamalaki, may mga gustong gawin para sa ating bayan, at may mga pangarap para sa ating bayan. Hinihikayat natin ang taumbayan na tignan ang mga kasama natin sa koalisyon. Makikita nila na ito ay mga taong maipagmamalaki at nararapat sa Senado.

Q: Ano masasabi niyo sa line-up ng PDP-Laban and Hugpong, and how do you think you'd play against them?

Sen. Bam: Sa eleksyon na ito, mas madali na ipresenta mo ang mga kasama mo sa taumbayan. Right now, when you look at the eight (8) people na kasama natin, magaganda yung mga track record, malilinis, may hangarin para sa ating bayan, maraming gustong gawing kabutihan para sa mga kapwa Pilipino. What is important for us right now ay imbis na pagkaabalahan natin yung mga nasa kabilang partido, mayroon din naman silang mga movements, ang pinakamagandang stratehiya ay ipakilala nang maayos ang walong (8) kasama natin sa coalition ng mga independent at mga may sariling isip.

Q: Will you still use social media?

Sen. Bam: Of course! Lahat ng media, kailangang gamitin: traditional at social. But I think ang isang kailangang balikan ay yung person-to-person campaigning. Yun siguro ang nawala over the years. Hinihiling namin sa mga volunteers at sa mga taong naghahanap ng pagbabago, naghahanap ng solusyon sa problema ng ating bayan, ay hindi sapat na magpost lang sa ating FB at social media pages. Dapat ay katukin natin ang mga pinto at puso ng ating mga minamahal sa buhay. Ikampanya natin yung mga taong gusto nating makita sa Senado.

Q: Part ba ng plan niyo na iovercome yung negative tag ng "dilawan" na nagamit na ng critics against the LP over the years?

Sen. Bam: Makikita mo dito na iba-iba ang partido. There are four (4) political parties as part of the coalition. Ang pinakamahalaga ay bumalik tayo sa issue ng taumbayan. Kapag ako umiikot sa mga palengke at urban poor groups, hindi sila nag i-identify as yellow or red, blue or green. Ang hinahanap nila ay yung tutugon sa mga problema ng kanilang pamilya. At this point, pinakamahalaga na isantabi na muna ang politika and let's try to present people who will work for our fellow Filipinos. Yung mga magtra-trabaho talaga sa mga concerns ng mga kapwa Pilipino natin. As I've said many times, hindi lang ito isang partido, hindi lang ito Liberal Party. These are different parties na nagsama-sama upang itaguyod ang talagang mahalaga sa ating bayan, yung kapakanan ng bawat pamilya.

Q: What are the four (4) parties?

Sen. Bam: Aksyon Demokratiko, Akbayan, Magdalo, Liberal Party, and other civil society groups who are joining us.

Q: If this is about the coalition, bakit hindi nasama si Neri Colminares kahit opposition din naman siya?

Sen. Bam: You can ask Sen. Kiko Pangilinan who is the campaign manager. Kami naman, we are also part of the candidates. Pero alam ko na mahabang usapan yan. Kami naman po ay walo (8), twelve (12) naman po ang iboboto natin. So there is space also for the other independents to come in and possibly also coalesce with us. Palagay ko na magbababago-bago pa rin to before the official start, which is February. Pero itong first eight (8), buong puso ko pong sinasabi na maipagmamalaki natin na magtra-trabaho para sa inyo.

Q: Sir, would you know bakit hindi nakaattend si Sec. Roxas?

Sen. Bam: I think he is abroad. Sa pagkakaalam ko, nahuli rin ang kanyang desisyon na tatakbo so he scheduled a previous trip. But of course, kasama pa rin siya sa aming walo.

Q: Sir sabi niyo matagal ang process para maging kandidato. Ano ba yung process na yun?

Sen. Bam: Hindi kasi ako part of the process. Isa ako sa mga pinagpilian dun. Hindi ako ang pumili. I think si Sen. Pangilinan and VP Robredo will be the best to ask that.

News Latest News Feed