Press Release
October 16, 2018

Transcript of Sen. Bam's speech and interview after filing of COC

SEN BAM: Ako po si Senator Bam Aquino. I just filed my COC for another term. Alam niyo, ngayong taon, maraming nagsabi "Sen. Bam baka magandang huwag ka na lang tumakbo. Iba na ang sitwasyon ngayon. Wala ka sa administrasyon."

Pero alam niyo po itong hangarin nating maglingkod sa bayan - hindi pa tapos. Hindi pa tapos ang ating pangarap para sa bansa. At iyong pangarap natin, simple lang - isang maunlad na bayan na walang maiiwan.

Nasimulan na natin ito sa Senado noong naitulak natin yung libreng tuition sa kolehiyo, yung ating pag-tutol sa TRAIN Law, yung ating patuloy na pangungulit na bawasan ang presyo ng bilihin at bigas sa ating bansa. Ngunit marami pa pong reporma ang hindi pa natutupad at kailangan nating tuparin.

Sa aming opisina, nakatutok kami sa pangangailangan ng pamilyang Pilipino. Noong ang kailangan ng pamilyang Pilipino ay edukasyon, itinulak namin yung libreng tuition. Kung kailangan nila kakayahan doon sa kanilang mga gastos sa pang araw-araw itutulak namin ang pagbaba ng presyo ng bilihin at ng bigas.

Nakita natin sa Senado na kailangan natin yung mga tao na ang interest ay ang bayan, hindi yung iilan lang, hindi yung administrasyon lang, kundi yung taumbayan. Kailangan natin ng mga taong tututol sa mga probisyon, batas na alam nating makakasama sa taumbayan, makakasakit sa pamilyang Pilipino. At kailangan din natin ng magtataguyod ng talagang kailangan ng taumbayan, mag-fofocus doon sa totoong pangangailangan ng taumbayan.

Kaya andito tayo, inaalay muli ang sarili sa taumbayan, hinihingi ng kanilang suporta, hinihiling ang inyong suporta na ipagpatuloy itong mga ipinaglalaban nating mga reporma, at pinakamahalaga sa lahat, ang pagtaguyod sa isang bayang walang maiiwan. Maraming salamat po.

Q: In 2013 you started at number 33 at surveys i remember, how would you compare this race, is this as tough considering what is happening to the opposition? It is as tough starting at number 33?

SEN BAM: Mas matindi ngayon kasi wala kami sa administrasyon. Nakikita naman natin yung popularity ng Presidente. Pero palagay ko po yung mga kandidato na independent, yung mga kandidato na interest ng taumbayan ang inuuna, ay kailangan din umabot sa Senado upang maging alternatibong boses din doon. In many ways iyan yung naging role ko noong tumutol tayo sa TRAIN Law, at ngayon patuloy kaming nagsasalita tungkol sa mga problema ng pamilyang Pilipino pagdating sa presyo ng bilihin at bigas. Kailangan natin iyan. Pero palagay ko ngayon mas mahirap pa pero hindi naman pwede kapag madali lang, dapat kahit mahirap yung laban kung mayroon kayong gustong matupad para sa taumbayan kailangan niyo rin iyan ipaglaban. And I think the selection would be tougher. Pero palagay ko mas mahalaga ung election na ito na magkaroon ng mga alternative voices sa Senado.

Q: Nabanggit niyo in several interviews na lagi kayong nabibiktima ng fake news, and iyong mga issue na binabato sa inyo ay walang katotohanan, pero paano niyo ito ipaparating sa mga kababayan na nasa DND classes na walang access sa tamang information?

SEN BAM: Well unang-una kailangan namin ng tulong ng media na ipapahiwatig yung katotohanan, kapag mayroon kayong namomonitor o nakikitang fake news sana tulungan niyo kami na i-flag ito. Hindi lang sa akin but sa lahat ng mga kandidato kung ano mang partido kung may fake news man sa kanila kailangan namin ng tulong niyo because, at the end of the day, yung reach ng radio, television mas malawak pa rin sa social media. Secondly ito naman yung mahalaga hindi na pwede yung laban sa social media lang kailangan katukin natin yung mga puso ng ating mga kababayan. We need volunteers who will go around, iikot sa mga Brgy sa mga community kakausapin yung mga sector at taumbayan at mag papaliwanag sa mga tao kung ano ang mga nangyayari at handang ipaglaban ang katotohan, hindi lang po papayag sa mga fake news. So I think those two are very important. Unang-una, yung tulong ng media hindi kami humihingi ng special favor. Humihingi lang kami ng tulong sa paglaban sa mali at sa fake news. Pangalawa, yung pag-organize ng taumbayan na kailangan tayo bumalik sa taumbayan tanungin ulit sila ano ba talaga ang ninanananis niyo at mga hinaing niyo. Kaya mahalaga na mag-connect ulit tayo sa taumbayan, hindi lang yung pag connect online but pati rin po offline. and this is an important way to listen, to make sure na centered ang panunungkulan mo na hindi ka nawawala ng landas at pangalawa upang kunin yung opportunity na iyon para ipaliwanag yung mga totoo at hindi na nakikita nila sa facebook at sa ibang social media platform.

Q: Do you have any fears now that you run under the opposition?

SEN BAM: Lahat naman ng kandidato may pangamba iyan, kahit anong ranking mo pa at the beginning of the filing nagbabago bago iyan. When I ran in 2012 there were 3 at the top 12 in October na hindi naka abot, and of course as you know yung dalawang hindi naka pasok sa October ay nakapasok sa dulo which is myself and Sen. Poe. So magbabago bago pa po iyan at lahat ng kandidato tuwing election may pangamba iyan. But more than the fear kailangan yung umiral sa puso mo yung talagang gusto mong gawin sa bayan. That's what will drive you forward kung yung takot ang iiral sa puso mo hindi ka nalang gagalaw. We've seen that in the past few years na may takot talaga. Pero kailangan mong isantabi yung takot at ilagay mo sa puso mo yung taumbayan, kung ano talaga kailangan nila. And that should be your driving force. Hopefully kung yung taumbayan nakikinig sayo, kung yung gusto mong gawin para sa kanila iyon din yung gusto nilang gawin para sa kanilang pamilya pwede po kayong magtulungan. The best campaign is when yung ipinaglalaban mo at gusto ng taumbayan magkaparehas, at alam mong hindi ka nawawala sa landas dahil yung tinutulak mo sa Senado iyon talaga ang mahalaga sa tao and I'm hoping in the next few months will show na itong mga itinulak na namin sa Senado yung libreng edukasyon, pagbaba ng presyo ng bilihin at bigas, pagtutol sa TRAIN Law yun din yung hinahanap ng taumbayan natin.

Q: How about the part of the opposition, do you expect block offs against you?

SEN BAM: Practically two and a half years na tayong binabakbak sa social media. Sanay na tayo diyan. Sanay na din yung taumbayan, sanay sila in the sense na alam nila na marami talagang fake news na lumalabas. And most surveys will show na iyong taumbayan mataas na iyong radar nila, yung pang amoy nila sa peke nandiyan na, kailangan na lang ng kaunting tulong mula sa media at mula sa mga sectoral groups natin. But I think in that sense ma neuneutralize natin yung fake news dahil yung taumbayan hindi na talaga naniniwala sa mga bagay-bagay na napaka layo naman. When I go around iniinvite ako lagi na magsalita sa mga paaralan para pag-usapan yung fake news, simple lang sinasabi ko, "Yung source paki check." Kung yung source yung mga institution niyo palagay ko mas malaki yung chance na totoo po iyan or probably you can say na na verify iyan with the proper journalists. Pero kapag yung mga source po niyan ay yung talagang kakaiba yung mga pangalan ay palagay ko kailangan ma verify iyon sa mga traditional media institutions natin. Kahit papaano I think mas maalam na rin yung taumbayan and I think that's a good sign for many of us who are running.

Q: How do you respond or deal with those politicians or those in public office who call the bad news about the fake news? Should politicians call it fake news?

SEN BAM: Syempre hindi. Dapat hindi kami balat sibuyas. But unfortunatey kasi yung fake news kung saan-saan din talaga napupunta at worst ngayon yung fake quotes. Kailangan din talaga mas maging maalam tayo. How I wish na ang debate po ay tungkol sa voting record (sa Senado) kasi kami naman were proud of our voting record wala kaming kinahihiya (na panukalang binoto sa Senado) at tingin namin lahat ng tinutulak namin sa Senado ay kailangan ng taumbayan.

News Latest News Feed