Press Release
October 3, 2018

Transcript ambush interview of Senator JV Ejercito

Sen. JV Ejercito (SJVEE)

...siguro nagsakiripisyo na rin siya kasi naapektuhan na rin yung buong PCOO kasi yung budget ng PCOO is being held lalo sa House (of Representatives). Naiintindihan ko napakahirap din kasi ng ano niya sitwasyon. She is a blogger and at the same time a public official so siguro mas maganda na rin yun for Mocha now to continue her blog na with more freedom, na hindi ka na ano...kasi if you are a government official, siyempre you are held to a different standard.

Wala ba siyang nabanggit...?

SJVEE- Wala eh, nabanggit lang niya kanina yun na mayroon siyang announcement kaya ang sabi niya kung puwede. Siyempre...nakiusap siya kung "puwede ba akong magsalita." So sabi ko, dito naman pag mayroong, anything that concerns the agency ay pinapayagan natin. So sabi nya mayroon siyang important announcement. Siyempre nagulat din naman ako, alam ko na mayroon nang mga hint na siya ay magreresign pero hindi ko na tinanong kung ano yung kanyang important announcement. So at least tapos na nasabi na niya at ang pasasalamat ko na lang at least sa Senado nagtiwala siya ditosiya pumunta at ginawa ang announcement

(?????)

SJVEE- palagay ko is a good move on her part kasi sabi ko nga ang hirap magbalanse blogger ka tapos public official ka so of course you will be contrained medyo may konting restriction. Siyempre iba yung, we hold public officials with higher standards tsaka kumbaga mas controlled ang iyong movement, yung sasabihin mo. So now as a blogger, now that she has resigned, she has more freedom.

(???)

SJVEE-sana probably, hopefully sana the resignation of Asec Mocha, hopefully PCOO can now reboot. Sabi nga an gaming suggestion coming sa Senado, coming from Senate President, to go back to the old set-up na Office of the Press Secretary. It's a good chance also for the PCOO to reorganize, to streamline,to reorganize in this period. Ang maganda kung makakabalik tayo sa old set-up na Office of the Press Secretary and it is easier to be recognized also in the international community, by the other states na mas kilala ang Office of the Press Secretary.

(????)

SJVEE- I would think so. Si Asec Mocha kasi became very controversial kasi alam nyo naman siya very fiery, very, being a blogger masyado syang mapusok. S siguro a lot of people misunderstand her, hindi siya naiintindihan, maraming hindi pabor sa sinasabi niya marami rin namang pabor. So soguro yung style niya, sugro baka hindi bumagay sa gobyerno. Baka mas bumagay sa kanya talaga yung bumalik siy sa pagba-blog niya kasi sabi nga niya mas free na siya, mas libre na siya kung ano ang gusto niyang gawin, ano ang gusto niyang sabihin.

Pero capable syang maging awmaker,maging congressman o senador?

SJVEE- Kung ano man ang balakniya in the future hindi natin alam,waa naman siyang nabanggit kung siya ay tatakbo biang senador, bilang congressman o ano man wala siyang nabanggit...we are in a democratic society kng sino man ang gustong tumakbo siyempre pwede naman.

Sa tingin nyo tama lang ang desisyon iya...?

SJVEE- Palagay ko. Anuman ang nasabi tungkol kay Asec Mocha, for her to make that sacrifice kasi nakita niya, kumbaga naho-hold na yung budget ng PCOO, ng buong departamento because of her, dahil lang sa kanya. Kumbaga doon sa House inaprubahan ang budget ng PCOO except dun sa kanyang office.so I think is a good move on her part, it was a sacrifice, ngsakripisyo siya pero siguro t ealst good for both the PCOO at elast makapag-ano na sila, makapag-move forward with lesser controversy kasi nga masyadong controversialsi Asec Mocha. And kay Asec Mocha naman siguro she will find more peace of mind and she will have,mas mabuti rinas a blogger yung knyang gutong express ay wala nang ano, no holds bard na kumbaga ngayon.

Sir bakit nag courtesy call siya sa office mo? Ano yun nagpa alam?

SJVEE- Tinanong lang kasi niya yung mga ganitong protocols na gusto niya raw mag announce, may gusto daw siyang sabihin so nagpa alam siya sakin kung puwede ba akong magsalita. Sabi ko ano ba ang sasabihin mo? Basta naman tungkol sa ahensya konektado dito, pwede naman. So sabi ko anytime mag back-in ka lang mag raise ka lang ng hand, I-recognized kita. Ako naman meron na akong mga narinig na gusto na siyang mag resign meron ng ganun kaya lang hindi ko na tinanong. Sabi ko kung ano man ang gusto mong sabihin, I will give you the floor.

Sir during your private conversation hindi niyo kinonfirm na nag resign na siya sir?

SJVEE- Actually parang sinabi niya nung papunta pa lang siya dito galing siya sa new york, sa dahilang nahol- hold na ang budget ng PCOO sa House eh sabi niya eh gusto ko ng mag resign. Kasi buong departamento na ang naapektuhan ng dahil lang sa akin. So sinabi niya na yung ganun pero hindi na ako nag elaborate kasi parang alam ko naman na yun ang kanyang announcement. Pero sabi nga niya na ayoko ng maapektuhan ang buong departamento at ang administrasyon.

Sir yung budget ng PCOO retain or matatapyasan?

SJVEE- Depende kasi meron kaming binigay na bagong instruction sa PCOO, as recommended by Senate President na bumalik tayo sa dating set-up under the office of Pres. Secretary, na ibabalik yung dating structure at the same time yun pong gusto natin na ma strengthen yung Press Attaché na strategic areas siguro ma improve yung image hindi lang ng Presidente kung hindi ng buong bansa pa rin yung Office of the nitong Press Attaché, ay I revive in strategic areas.

Sir kung babalik sa old set-up retain yung same amount or meron bang ma di-displace na mga taga PCOO?

SJVEE- Depende titignan natin, sabi ko nga it's a good chance for them to re-organize to stay line and to make the new department, the new old department the Office of President Secretary to be more efficient. So may isang buwan pa naman I think they have the time to draw up the plan doon sa pagbalik sa office of Pres Secretary sana maging mas more efficient, sabi ko yung mga hindi na kaylangan, kung kaylangan tanggalin eh tanggalin. Yung mga kaylangang idagdag eh idagdag. So it's a good chance for them also to re-organize. Itong one month period na sila po ay nag dra-draw up ng plan, to revert back the office of the President Secretary.

Sir bakit mas pinili ni Mocha na dito mag announce? SJVEE- Well nagpapasalamat ako kay Asec Mocha at least nagbigay siya ng tiwala, sabi niya dito siya pumunta kasi mas nagtitiwala siya sa Senado at suguro sa mga ilang beses din kaming nagkasama sa mga overseas state ni Presidente sympre mas naging palagay siya na mas kilala niya. So mas nagkaroon siya ng tiwala, siguro iba yung nag sha-share ako nakilala at nakasama niya kaya mas may tiwala ng konti.

Sir possible po ba na ______ by next year?

SJVEE- Possible, kasi almost the same set-up naman kaya lang sabi ko it's a time also, a good chance for them to improve and to reform yung set-up ng PCOO.

Sir P1.4 billion ang budget...

SJVEE- ah it depends kasi meron kaming mga ni request na yung pong Press attaché ay i-revive, pero ang sabi rin namin ni Senador Sotto yung mga hindi na kailangan ay tanggalin niyo na, ang tingin kong kaylangan natin in the future sa pagtingin ay palagay ko yung Press Attaché will be important hindi lang para kay Presidente Duterte which for the Government of the Republic of the Philippines to have at least an office in strategic areas, sa Ameica, sa United States, sa Europe, sa Japan, China, siguro Middle East, so limang areas na dapat meron tayong Press Attaché.

Sir slightly magkakaroon ng budget increase?

SJVEE- for those offices definitely, pero baka naman ma cancel out din, sabi naming mag stay line sila, mag re-organize sila eh, yung mga tingin nilang hindi na kaylangan tanggalin na nila. So yung mawawalang budget dun yun ang ilalagay natin sa mga Press Attaché office that we will revive.

So Sir no need for legislation kung gagawing ganun ang set-up?

SJVEE- Palagay ko wala na eh, mukang executive order lang yung creation ng PCOO eh, kasi same, pareho lang naman yung budget nila halos so wala naman halos nabago just the same, probably a little tricky of the structure kasi PCOO was, ginawa naman yun para ma accommodate yung tatlong Press Secretary that time pero ngayon wala namang ganung sitwasyon, so it's a good time also para at least makapag re-organize sila and reboot sabi ko mag reboot naman itong bagong lumang office ng Press Secretary.

Sinabi ni former Asec Mocha Uson since wala na siya sa government.... Yung mga attacks and criticisms...

SJVEE- Well we are in the democracy, meron tayong freedom of expression so palagay ko mas libre na siya, kasi nga sabi ko napakahirap talaga nung panahong siya po ay Asec, kasi talagang hindi niya maalis yung pagiging blogger, pero hindi din pwede you have to maintain standards pag ikaw ay nasa gobyerno. siguro ngayon na let go na niya ang pagiging Asec, at least she can now enjoy more yung freedom of expression.

Pero Sir as identified pa rin siya ... hindi kaya dapat may mag advice sa kanya..

SJVEE- Well pwedeng mag advice kaya lang wala na siya sa gobyerno eh, unlike nung nasa gobyerno ka you are expected to maintain that level of standard of being a public official. So siguro yun, at least makakapag blog na siya, with more freedom this time ang hirap talagang timplahin nun, pero at least it's good for her Mocha it's good for PCOO also na mabawasan na yung controversial personality.

Sir sino ang..... ng OPS?

SJVEE- Depende yun sa Presidente, probably siguro si Secretary Andanar I assume, but it depends, depende sa Presidente kung sino ang napupusuan niya na maging Pres Secretary.

News Latest News Feed