Press Release
October 2, 2018

DOORSTOP INTERVIEW OF SEN. KIKO PANGILINAN ON 2019 OPPOSITION SLATE AND 'RED OCTOBER'

Q: Update sa line-up ng opposition?

SEN. PANGILINAN: Tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap ng Liberal Party kasama ang Akbayan, Magdalo, Tindig Pilipinas, Aksyon Demokratiko, at iba pang mga grupo para mabuo ang isang tiket na i-a-announce natin ang pinaka-final na line-up sa October 9. At doon natin ilalabas 'yung buong hanay ng mga kandidato sa ating koalisyon para sa Senado. Tapos 'yung filing October 11 to October 17.

Q: Parang nagkaroon ng delay, ang unang commitment niyo first week October meron na or at least end of September.

SFNP: Well, syempre kasama 'yan sa pag-uusap. May mga kinukumbinsi pa, merong mga nagbabagong isip, merong mga last minute na mga minumungkahi na pangalan na kinakausap. May konting delay pero we're still on track.

Q: Pero so far, meron pa ho bang iba pang sure bukod po kina Senator Bam?

SFNP: Well, we're also looking at, actually nag-submit kami ng ilan pero pinag-aaralan din 'yung dating Solicitor General Florin Hilbay, si Samira Gutoc who is a Marawi evacuee, former assemblywoman sa ARMM, and then pinag-aaralan din si Romy Macalintal bilang kandidato, of course si Barry Gutierrez, and other names, so pinag-aaralan pa natin lahat.

Q: Anong makikilalang peg ng coalition ninyo? Ano 'yung parang magiging peg ng kampanya ninyo, Sir?

SFNP: Secret. I-aannounce natin sa--'di natin pangungunahan dahil right now also we are discussing 'yung magiging battlecry, ika nga, and the slogans and the emphasis. So definitely ang ating bibigyang pansin itong pagtaas ng presyo ng bilihin, itong TRAIN law na dagdag pahirap sa ating mga kababayan, itong ENDO, dapat itinutulak natin lahat ito at hindi lamang ipangako kundi talagang gawin ng aksyon dahil nga Senate action 'yan at legislation 'yan.

Q: So si VP Leni, will she actively campaign, Sir?

SFNP: Yes. The Vice President has committed to actively campaign para sa tiket ng ating koalisyon.

Q: Sir, kaya ba 'yung 12 or 'yung target is at least maka-six lang tapos alliance?

SFNP: We are looking at quality rather than quantity and we're looking at ensuring na 'yung resources natin ay mabibigyan talaga ng prayoridad 'yung quality candidates so it may not necessarily be a full slate.

Q: Kailan officially ipe-present?

SFNP: October 9.

Q: Saan?

SFNP: Fina-finalize pa natin 'yung venue. May mga nag-o-ocular na ng mga possible na venue.

Q: 'Pag hindi full slate, 'di po ba sign of weakness 'yon?

SFNP: I don't think so. Historically, wala pa akong nakitang full slate na nanalo mula nung ako'y tumakbo in 2001. So what's the point of coming up with a full slate kung alam naman nating 'di lahat mananalo at sabihin na nating walang pag-asa, ika nga. That would actually be more of a weakness. 'Yung finu-full slate mo pero alam mo namang walang kapana-panalo 'yung ilan dun sa mga kandidato.

Q: Si Sec. Mar, confirmed na po ba?

SFNP: Hindi pa siya nagdedesisyon.

Q: Hanggang kailan 'yung ibibigay niyo dun sa mga medyo nagdadalawang-isip?

SFNP: Well Oct 9 ang ating announcement, although ang filing is Oct 11 to Oct 17 so we will see ano ang magiging developments doon sa mga hindi pa nakakapagpasiya. Well the only deadline really would be the Comelec deadline. Pero may substitution pa. Pero malayo pa 'yun, November pa ata o December.

Q: Sir 'yung mga may pasabi like Sereno and Dingdong Dantes, wala na po sa listahan ninyo?

SFNP: Right now, ang understanding natin is that they will not pursue their candidacies so hindi na sila nakapaloob doon sa pinag-uusapan.

Q: 'Yung unang nag-float like Agot Isidro.

SFNP: The same. She has made her decision so we're now focusing on the names that were mentioned. Romy Macalintal, Florin Hilbay, Samira Gutoc, of course Gary Alejano is already a nominee of Magdalo in the coalition.

Q: --

SFNP: Alam mo kung pinag-uusapan ang winnability sa ngayon based on 'yung mga poll results, eh dapat hindi nanalo si Vice President Leni nung 2016. Dapat hindi rin nanalo si Vice President Binay nung 2010 so maaga pa to say na 'yung mga poll results sa ngayon ay indication na kung sino ang mananalo o hindi. In fact, sa aking karanasan sa maraming eleksyon, may mga number 1 sa poll nung umpisa ng kampanya, talo. Merong top 3, top 2 sa poll, nung nag-umpisa ang eleksyon sa Pebrero pero talo. So being in the top 12 at this point does not necessarily mean victory is certain. At the same way, 'yung mga nasa likuran, hindi ibig sabihin ay hindi sila winnable sa sitwasyon sa ngayon.

Q: Ano ang likelihood ng alliance with other political parties or talagang ito na, civil society plus LP na talaga?

SFNP: Well as long as we are able to bring in more like-minded groups and individuals even until election day, we will strive to be able to put together the broadest coalition of groups and individuals that share our view na dapat tutulan ang extrajudicial killings, dapat pagtuunan ng pansin ang pagtugon sa inflation, sa trabaho, hanapbuhay, at syempre 'yung pagtutol dito sa mga kurakot sa gobyerno na nauuwi nga sa palpak na pagpapatakbo ng ating ekonomiya.

Q: So hindi kayo sarado doon sa political parties?

SFNP: Yes, we are open to other groups in the long run.

Q: Additional political groups?

SFNP: Sabihin na nating 'yung mga incumbent senators na baka hindi sumama sa tiket ng administrasyon. Bukas tayo. Pag-usapan natin as a way of uniting behind a common set of objectives.

Q: Wala pa sa ngayon aside from Sen. Bam na incumbent na sure na pupunta po sa inyo like si Sen. Grace, Sen. Sonny?

SFNP: Wala pa. Although may mga pag-uusap. May mga informal talks but nothing has been final.

Q: Is it time to close the story of destab linking the opposition?

SFNP: Yes. After 'yung sinabi nung Armed Forces chief kanina, and he said categorically that there is no coalition between the Liberal Party, Magdalo and the Communist Party of the Philippines. Tapos na 'yon. Kung sino man ang naglalabas pa ng mga isyu na ito hanggang sa ngayon eh tigilan na nila. Sabi ko nga, sa halip na pinag-uusapan itong destabilization, dapat 'yung pagsa-stabilize ng presyo ng mga bilihin ang maging prayoridad ng gobyerno. Hindi dapat Red October ang pinag-uusapan kundi October Bagsak Presyo ang dapat pinag-uusapan.

Q: Despite what was said earlier, sabi po ni Harry Roque na he insists na they have intel information na involved ang LP sa Red October. And he is saying na dine-deny--

SFNP: Hindi naman bago na iba't ibang sangay ng administrasyon ay iba-iba ang sinasabi. Pero tayo [doon sa] maliwanag sinabi ng Armed Forces Chief of Staff na walang relasyon o walang koalisyon ang LP kasama ang Magdalo at ng Communist Party of the Philippines. So I think that should be clear and categorical.

Q: Roque should take the cue from the authorities themselves?

SFNP: Basta ako, the AFP has spoken together with the DND and sila ang ating security experts so we will listen to the DND Secretary and the AFP Chief.

News Latest News Feed