Press Release
September 25, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Q: 'Yung arrest paano ninyo siya tinitingnan considering na ang dami niyang mga pinipresentang dokumento during the past days?

Sen. Grace Poe: Para sa akin, ang mabuti dito binigyan siya ng pagkakataon para makapagpiyansa. Para sa akin, ako'y kumpyansa na madedepensahan naman ni Senator Trillanes ang kanyang kaso kasi 'di ba, ito ang nakakalito sa akin, ang isang amnesty kasi ay dumaan sa Senado at sa Kongreso at ito ay naaprubahan. Hindi lang naman siya ang nabigyan ng amnesty, marami ang nabigyan ng amnesty. So kung kukwestiyunin 'yung kanya, lahat 'yun malalagay sa peligro at mawawalan ng bisa ang amnestiya na ibibigay ng gobyerno sa mga darating na panahon; papaano magkakaroon ng tiwala? Kaya ako, dasal ko naman na ang mahihiling natin dito ay ang pagiging patas ng Korte na pakinggan talaga. Hindi ako abogado, totoo 'yon, pero parang malinaw naman na ilang daang tao sa Kongreso, ilang Senador ang nakabasa ng amnestiya na 'yon. Siguro naman may basehan 'yon.

Q: Doon kayo na-aalarma, bakit may Hold Departure Order at arrest warrant kahit na inaprubahan?

Poe: Unang-una, 'yung arrest warrant, siguro para mapatunayang nandito siya, 'wag siyang aalis kasi malinaw na mabigat ang kaso niya, rebelyon 'di ba? Pero 'yun nga ang sinasabi ko, kailangan ba talaga? Mukhang hindi naman siya--well, 'yan naman ay dumaan sa dalawang kapulungan at hindi lang naman si Senator Trillanes ang nabigyan ng amnestiya kaya lahat ngayon 'yan ay mabubungkal, hindi lang military kundi 'yung mga iba pang mga political leaders na nabigyan ng amnesty.

Q: Sa Senate, walang general sentiment.

Poe: Sa ngayon...ang pampalubag-loob nga ay makakapagpiyansa siya at siguro kung makapagpiyansa siya mas malaya siyang makakapasok dito. May mga iba naman ding naging kasamahan natin na nakapagpiyansa noon at pumasok sa trabaho para marinig pa rin natin 'yung kanyang panig.

News Latest News Feed