Press Release
September 3, 2018

Sen. Bam on filing of House counterpart to Bawas Presyo Bill

Nagpapasalamat tayo kina Cong. Miro Quimbo, Jorge "Bolet" Banal, Jose Christopher Belmonte, Gabriel Bordado Jr., Raul Daza at Congresswomen Jocelyn Limkaichong at Josephine Ramirez-Sato sa pagsulong ng House version ng Bawas Presyo Bill.

Dumadami na ang mga kasama nating lumalaban sa pagtaas ng presyo.

At inaasahan nating dadami pa mula sa Kongreso at sa taumbayan ang susuporta sa panukalang ito.

Magkaisa sana tayo para tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

News Latest News Feed