Press Release
August 30, 2018

AMBUSH INTERVIEW | EURO 2 VS. EURO 4 | LNG | NFA

[START RECORDING]

Q: Sabi nyo kasi cancellation, so what will happen?

SEN WIN: Sa ngayon kasi, pinayagan ng DOE na mag-import ng Euro 2. Marami ang hindi pabor dito, unang-una ang DOH dahil harmful ito sa kalusugan ng mga kababayan natin. Pagdating naman sa mga gas stations, dahil mapwepwersa silang mag-invest sa mga tangke, eh yung discount na pinapangako ng DOE hindi rin mangyayari dahil itong investment na gagawin ng mga gas stations ay ipapasa lang ito sa mga consumers so nakita namin na walang benepisyo ang pagpasok ng Euro 2, ang mangyayari lang sa atin ay lalong dudumi ang ating environment at yung lalabas sa mga tambutso ng PUJs at PUVs ay magiging madumi rin at hindi rin magiging efficient sa kalusugan natin.

Q: Sir, clear na ba na optional lang sya dapat?

SEN WIN: Hindi very clear. In fact, if you read the directive mandatory, required ang mga gast stations at oil companies to import Euro 2 kaya ho nagkaroon ng confusion dahil sinasabi dito optional pero sa circular ay mandatory.

Q: Final na talaga ang final directive ng committee to suspend muna?

SEN WIN: Ang recommendation is to cancel the importation of Euro 2. Ibig sabihin, let's proceed with the use of Euro 4, yan kasi ang mas malinis at yan din ang gusto ng gobyerno pagdating sa PUJ modernization. Kung matatandaan natin naglagay tayo ng almost 2.6 billion pesos para i-modernize ang mga jeepney natin at gumamit ng mas malinis na gasolina.

Q: Yung Department Order balewala na yun?

SEN WIN: Yun ang recommendation ng Oversight Committee na i-cancel na yang DO. Ibig sabihin, Euro 4 lang ang pwedeng gamiting gasoline dito sa atin.

Q: Habang wala pa yung final recommendation ng committee, paano ang magiging status?

SEN WIN: In the meantime, naka-hang ito DO dahil ang recommendation ngayon is i-cancel so they have to get back to us kung ano ang magiging decision nila dito sa DO na ito.

Q: Paano po ang mga gumagamit na sa Euro 2?

SEN WIN: Bawal na ang Euro 2 sa atin dahil nga madumi ito, Euro 4 na ang ginagamit sa atin.

Q: Paano kapag in-insist ng DOE Sir? Can still they implement that?

SEN WIN: Then we will hold them accountable. Kanina ang sabi ng DOH ay magkakaroon ng mas maraming respiratory problems: asthma, pneumonia-we will hold them accountable dahil nagpasok sila ng maruming gasoline so maraming tao ang magkakasakit.

Q: Sir, ano po yung sabi nyo na inconsistent sa jeepney modernization?

SEN WIN: Inconsistent like dito lang sa Senate, ang bagong jeepney na binili ay Euro 4 compliant yun. Ngayon, sinasabi natin sa lahat ng jeepney drivers, mag-euro 4 na kayo, tapos ngayon ay magpapasok pa ng Euro 2, so ano ba talaga? Nagkakaroon ng inconsistency sa policy ng DOE at sa DOTr.

Q: What do you see is the better solution or alternative to help the PUJs?

SEN WIN: The alternative is we stick with Euro 4 dahil ito po ang international standard ngayon, pwede nating pababaan pa ang presyo by allowing imported ethanol kasi kung matatandaan natin ay bini-blend din sa gasoline ang ethanol at if we allow imported ethanol dahil mas mura ito, bababa ang presyo.

Q: Meron na bang signal that the authorities will hear this?

SEN WIN: I think it was very clear in the oversight na maraming against dito sa pag-import ng Euro 2. In fact, wala ngang pumapabor kahit ang manufacturers ng mga sasakyan dahil kung ang sasakyan natin ay Euro 4 at nakargahan mo accidentally ng Euro 2, edi sira na agad ang sasakyan natin. Ngayon, ang mandate ng DENR, lahat ng sasakyan ay Euro 4 na so maraming inconsistency. In fact, ang nangyari dito ay ang DOE lang ang nag-issue nito without consulting other agencies kaya maraming inconsistency pagdating sa polisiya ng gobyerno.

Q: Anong liability nila pagdating dito?

SEN WIN: Definitely, accountable ang DOE dahil sila ang may directive nito and of course we will make them accountable sa polisiyang ito.

Q: Clarification lang Sir, kung i-implement pa din ng DOE ang DO saying na ito ang naging recommendation or motion towards inflation. You will hold them accountable by?

SEN WIN: In many ways, either through the budget dahil budget season na ngayon. Of course, administratively may mga remedies, we can complain in various offices. Definitely, ang mga officers ng DOE na may kinalaman dito ay magiging accountable, we will call them and make them answerable sa mga negative effects nitong Euro 2.

Q: What about environmental owners?

SEN WIN: Inconsistent din ito sa DENR circulars dahil ngayon kung babasahin mo sa circular, ang sinasabi, dapat lahat ng bagong sasakyan ay Euro 4. Kung nagkamali lang na kargahan ng Euro 2, sira agad ang sasakyan.

Q: Can the affected car owners sue for damages and demand refund?

SEN WIN: Mas medyo magulo yun dahil ito ay sa pagitan ng car owners and the gas stations. Ang point dito ay there will be confusion kung ang ikakarga mo ay Euro 2 or Euro 4. Ngayon kasi lahat ng gas stations ay Euro 4, so they should be very clear at dito rin matatakot ang mga car manufacturers dahil kung nakargahan nyo ng Euro 2 at masira ang sasakyan, sila rin ang dapat mag-repair ng mga saskayang ito.

Q: Nag-commit ba ang DOE officials na they will go back?

SEN WIN: Definitely, I think the committee, lahat ng Co-Chairman from the House-sina Congressman Lord Allan Velasco - sina Senator Pimentel, lahat kami ay the same ang position an dapat ay pag-aralan, ako kanselahin, dito sa Senado kung ano ang kanilang decision.

Q: Do you need to put that in a remedial legislation?

SEN WIN: Isa sa mga legislation na iniisip naming ay dapat talagang merong very comprehensive consultation dahil makikita natin na ang isang directives ay maraming effects to government policies.

LIQUEFIED NATURAL GAS (LNG)

Q: To entice investments on LNG, will you be coming up with a law?

SEN WIN: We will definitely harmonize it with BOI Law kasi ang BOI, ang trabaho nila ay to encourage investments in new industries but we are now on the process of working with DOE in coming up with a comprehensive LNG law that will become the ultimate framework of the LNG industry. Nag-usap na kami ng DOE and they are agreeable to that kasi ngayon ay wala tayong batas that governs LNG eh, talagang based on a circular lang that's why we want to make sure that the future of LNG will be viable and sustainable. We will have a framework to regulate the importation of LNG, the terminal activities of LNG, and also the liquefaction of LNG, ang downstream baka we'll do that later on na. Most of this is midstream.

Q: Suggestion before ng DOE is a provision that would allow them to enter the industry kapag walang private investors?

SEN WIN: That's one of the suggestions but ang counter proposal ko na lang is to allow to strengthen DOE's power to dictate on the energy mix. For example, gusto ko sa energy mix natin ay 20% LNG, then the industry will follow that policy-that's just a random number. Now, the market will be dictated ang guided by the energy mix so instead of government spending taxpayer's money on the project, you are actually creating space for the investors to come in. Yun ang counter proposal natin para wala nang gastos sa gobyerno natin.

Q: Have you looked at the ideal mix for LNG?

SEN WIN: Wala pa, that's a policy question so we will leave that to the DOE to determine. Bahala na sila doon sa energy mix, but that framework will be the best option because we don't have to spend government's money to put up LNG facilities. That's my proposal. Para sa akin kasi, kapag pumasok na ang gobyerno to spend money, ang taas ng risk nyan, paano kung hindi kumita? Paano kung malugi? Paano kapag magkaroon ng problema sa construction then pera natin yan as taxpayers pero if we will say, "okay, ang gusto ng gobyerno, 20% LNG, pasok kayo lahat", sila na ang bahala, assured sila ng market na may 20% doon na para sa inyo lang yun.

Q: It takes time to build infra for LNG so kailan yun dapat mai-submit?

SEN WIN: Hopefully, within six months magawa na yung framework. It will take time. It's a very comprehensive framework so it will take time to approve kaya nga ang importante ngayon ay tayo na ang gagawa para mabilis ang proseso and si Congressman Velasco also agreed to join forces para atleast ang House ay kasama natin of drafting that LNG framework. It's just a collaboration of the three entities.

Q: May stand na kayo doon sa joint exploration?

SEN WIN: Meron na but I'll reserve it muna. We have to make sure that we say the right things. NATIONAL FOOD AUTHORITY (NFA)

Q: On Secretary Pinol, sabi nya kakain daw sya ng bukbok rice, safe pa rin daw for consumption?

SEN WIN: He's missing the point. Dalawa ang mandato ng NFA: pababain ang presyo ng bigas at make rice available sa lahat ng bahagi n gating bansa at itong rice na available ay dapat malinis, walang insekto o bukbok-yan ang responsibility ng NFA. Right now, hindi nila ginagawa ang kanilang responsibility. Para sa akin, may tatlong dahilan para i-abolish ang NFA: una, hindi nila ginagawa ang trabaho nila, ang presyo ng bigas ay patulioy na tumataas, maraming lugar ang walang bigas, at ang bigas na ini-import nila ay sira naman at maraming insekto; pangalawa, every year ay nagsa-subsidize tayo close to 7 billion pesos, nagbibigay tayo ng pera from the tax na binabayaran natin pero hindi naman nila ginagawa ang trabaho nila so saying ang subsidiya na ibinibigay natin; pangatlo, pag in-abolish ang NFA, bababa ang kilo ng bigas ng almost 10 pesos dahil we will now allow cheap rice to be imported. I think after 30 year ng existence ng NFA, it's about time to admit na failure toing NFA as a policy and we have to move to a new policy which is rice tariffication which is lahat na ay nagsasabi at based rin sa aming computation na bababa talaga ang presyo ng bigas by 10 pesos.

Q: You should just give in at least by year 2020 kasi daw by then, magiging 90-95% rice efficient na tayo.

SEN WIN: Ang NFA has been in existence for the last 30 years, it's been a policy 30 years ago na ang sabi NFA ang magiging agency na bumaba ang presyo ng bigas pero after 30 years, wala naming nangyari at tumataas pa rin ang presyo ng bigas at nagkakaroon ng rice shortage. Kung matatandaan nyo ay nagkaroon naman ng oversupply ng bigas na nabulok sa mga warehouse so in effect, the operations of NFA has been so inefficient na sayang ang 7 billion na binibigay ng taxpayers, lahat tayo ay kinakaltasan tayo ng buwis through the TRAIN Law tapos hindi naman nila ginagawa ang trabaho nila so it's really time to abolish it.

Q: Given the situation, sabi nyo nga marami silang failure, wala bang dapat maging accountable dito?

SEN WIN: Definitely, the head of offices should be accountable, the head of offices, the ultimate agency also.

Q: Si Secretary Pinol Sir?

SEN WIN: Sya being the head of agency, dapat maging accountable sya, sagutin nya bakit nagkakaganito ngayon ang agency?

Q: In-endorse nyo po ba iyan sa Blue Ribbon?

SEN WIN: We can investigate this through the Agriculture Committee. Yung pag-aabolish pwede rin nating pag-usapan but I think it's really about time na i-abolish na talaga ang NFA dahil pinagbigyan na natin ng 30 years para gampanan ang trabaho nila, binigyan na natin ng milyon-milyon every year, 7 billion in fact pero hindi pa rin nagagawa ang kanilang obligasyon. Sana binigay na lang directly sa farmers para pambili ng binhi.

Q: How would you assess Secretary Pinol's performance?

SEN WIN: I think he can do better, he can definitely do a lot of reforms. Nakikita ko naman na ginagawa nyang ang makakaya nya but definitely, hindi pwedeng business as usual, ang kailangan na rito ay reporma kasi kung bubuhayin natin ulit ang NFA next year at kung magbibigay tayo ulit ng 7 billion, ano ang assurance natin na magiging maayos ang patakbo ng NFA?

Q: Misuse of 7 billion Sir? Anong kaso roon Sir?

SEN WIN: Correct. Well, maraming kaso doon and one is not performing their duties.

Q: Graft?

SEN WIN: Well, we can investigate

[END RECORDING]

News Latest News Feed