Press Release
August 29, 2018

EXPLANATION OF VOTE ON SBN 1233: MOVING BACKWARD NOT MOVING ON

*Akbayan Senator Risa Hontiveros' explanation of vote on the Bicam ratified version of the "Coconut Farmers and Industry Development Act"

Mr. President, I voted no against Senate Bill 1233, and I reiterate my no vote to the bicam version.

Ang pinakapuso ng "Coconut Farmers and Industry Development Act" ay ang Trust Fund Committee. Ang panukalang ito ay galing mismo sa mga organinsyon ng mga magniniyog sa Pilipinas, upang mapamahalaan ang pondong ng isang komite kungsaan mas maraming magniniyog ang nakaupo. Hindi ito naisakatuparan sa inaprubahang bersyon ng Senado.

Kung marahas ang Senate approved version, mas masahol pa ang bicam version. Dahil sa pagtanggal ng limitasyon sa depinisyon ng coconut farmers sa mga magniniyog na nagmamayari ng lupa na limang hektarya pababa, itinanggal ang pagkiling sa maliliit na magniniyog na siya dapat maging benepisyaryo ng coco levy funds at mas nangangailangan ng ayudang pinansyal.

Ang Coco Levy Act na sana ang magtatama sa historical injustice na dinanas ng ating mga magniniyog. Sa pagbalewala sa panukala mismo ng magniniyog, Mr. President, my dear colleagues, hindi po natin tinutuwid ang mali. hindi natin winawasto ang mapait na kasaysayan sa ilalim ng diktaturyang kurakot.

Hindi po ito "moving on." Ito ay moving backward.

I vote "No."

News Latest News Feed