Press Release August 29, 2018 Sen. Bam on the Sultan Kudarat bombing Nakikiramay po tayo sa ating mga kababayan sa Sultan Kudarat at kinukondena natin ang kalapastanganang ito. Ramdam ko ngayon ang matinding pangamba para sa ating mga anak at mahal sa buhay sa panahong patindi nang patindi ang kultura ng karahasan sa bayan. Sa pinapangarap nating maunlad na Mindanao, walang lugar ang sakitan at patayan. Ipagdasal natin ang ating bayan. Ituloy po natin ang laban para sa kaligtasan ng bawat pamilyang Pilipino. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|