Press Release
August 27, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview
At the Transport Unity Summit

August 27, 2018

Q: Ano basically ang kayang gawin ng Senate since parang sabi ninyo nga, tali naman ang inyong kamay?

Sen. Grace Poe: Unang-una, 'di ba kapag nag-budget tayo tatanungin natin ang DOTr: alam mo yung binibigay ninyong (ayuda) na P80,000 per driver ay parang kulang naman yata yun...Iti-trade-in (ang sasakyan) pero parang P80,000 lang ang kapalit...

Tapos kailangan din nating malaman kung papaano ba nila ipinamamahagi ang mga fuel vouchers na parang walang nakakatanggap, at kung may makakatanggap man, 25 percent lang. 'Yun 'yung mga bagay na dapat sagutin nila sa amin, at kung hindi nila magagawa 'yun ay talagang magkakaproblema sila pagdating ng kanilang budget.

Q: Is there a way to stop the jeepney phaseout kung ang DOTr mukhang 'yun na talaga ang plano nila?

Poe: Unang-una, hindi ako against modernization, lahat tayo gusto natin ng modernization pero dapat ayusin nila ang proseso para hindi naman mahirapan ang mga drivers. Alam mo 600,000 drivers ang apektado dito. Kapag nagkansela sila ng mga ruta, anong kapalit no'n? At papaano naman sila makakabili ng jeep na P1.2 million hanggang P1.8 million kung ang ibibigay mo lang ay P80,000 na pang-downpayment. So anong puwede nating gawin dito? Siguro kung hindi sila talaga makikinig sa ating mga resolusyon ay puwedeng magrekomenda para magkaroon ng batas tungkol sa kung ano dapat ang proseso ng modernization, ayaw naman natin no'n kasi ang tagal no'n. Puwedeng pumunta sa korte ang iba gamit ang resolusyon ng Senado na nagsasabi na ito ay hindi maayos na ginagawa, so may mga recourse naman.

Q: Possible bang ipitin ng Senate 'yung budget ng DOTr if itutuloy nila 'yung hindi just na modernization?

Poe: ...Ngayon, nasa kapangyarihan ng Kongreso at Senado na gawin 'yan. Siyempre ayaw naman nating gawin 'yan na basta ipitin dahil maraming apektado, pero kailangan muna nilang patunayan ang kanilang sarili na sa tamang paraan nila ginagastos ang pera na pinapamahagi sa taumbayan, dapat makarating sa mga drivers.

Q: Sa Metro Manila Council decision na ipagpatuloy pa rin ang dry run ng single passenger ban sa EDSA?

Poe: Nasa kapangyarihan nila 'yon, sang-ayon sa kanila ang ibang mga local government officials; so kung gagawin nilang dry run...gaano katagal itong dry run na ito, ano ba ang mga panukala dito? Manghuhuli ba talaga sila o...pagsasabihan ka lang? At pagkatapos ng dry run, gaano katagal ito? Two weeks? One week? One month? Dapat mayroon silang pag-aaral na ipi-presenta sa madla at sa Senado; at least ipatatawag ko sila: Nakagaan ba talaga sa biyahe? Nakadagdag ba talaga ito sa carpooling goals nila? Tingnan natin, pero siyempre sabi ko nga, ang high-occupancy vehicle, nagtatagumpay sa ibang lugar kung saan may mga ibang kalsada na puwedeng gamitin. Pero dito sa atin na talagang siksikan sa ibang kalsada ay baka mahirapan talaga tayo. Sana tapusin muna nila ang mga proyekto katulad ng NLEX-SLEX connector road, 'yung sinasabi nilang mga trains na galing China hanggang ngayon pinag-aaralan pa kung ito'y compatible o hindi. Makakatulong lahat ng 'yon.

Q: Sa modernization lang, what exactly do you want or will you ask Secretary Tugade na dagdagan 'yung P80,000 para makabili ng jeep 'yung mga drivers?

Poe: Unang-una dapat sabihin din natin sa DOTr, ano ba ang arrangement sa mga bangko? Dapat ang interest rates ay mababa...Kung ang downpayment ay puwedeng taasan ng kaunti (ang ayuda) kung kakayanin ng gobyerno, bakit hindi?...Kung ang isang jeep naman ay babayaran mo lang ng P80,000 para ipalit, iwan mo na lang kaya sa driver, basta makapasa ng emission test kasi puwede pa nilang gamitin sa kabuhayan nila 'di ba. 'Yun ang mga bagay na puwede nating sabihan ang DOTr.

Q: May panibagong hearing about this or sa budget niyo na sila sisingilin?

Poe: Alam mo sa Wednesday may hearing pa nga tayo sa mga paliparan. Tapos marami na talagang magiging okupado para dito sa budget. So kung puwedeng isabay sa budget o magkakaroon ng hiwalay na hearing, lalo na do'n sa mga Memorandum Circular na bagong pinapatupad ng DOTr--tumatango itong si Ka George na mag-eeksplika sa inyo--ay malalaman natin sa mga darating na araw.

News Latest News Feed