Press Release
August 22, 2018

Sen. Bam Aquino on Imee Marcos's "Move On" Statement

Sinaktan ka na't ninakawan, sasabihan ka pang mag-move on.

Hindi ba sa mga nawasak na relasyon, ang kadalasang nagsasabing mag move on ay ang nanakit, pero ang nasaktan ay naghahanap pa ng closure?

Mahirap maka get over pag walang closure, lalo na pag pinamumukha sa publiko na walang kasalanan ang salarin.

Klaro naman sa kasaysayan kung sino ang nagnakaw, nag-torture at pumatay. Napakadaling sabihing mag move on na lang, pero sa mga nasawi, napakahirap nito.

News Latest News Feed