Press Release
August 15, 2018

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

On President Duterte's statement, kung bababa daw siya sa puwesto, ikaw daw o si former Sen. Marcos ang gusto niyang pumalit sa kanya

Nakakataba ng puso yung paniniwala ni Pangulong Duterte subalit siya na mismo ang nagsabi na wala namang legal na paraan para mangyari yon at naniniwala ako na nagpapahayag lamang siya ng kanyang frustration kaugnay sa mabagal na pagtakbo ng mga nais niyang makamit at makita sa ating bansa, lalo na sa larangan ng korapsyon at kapayapaan.

Ano kaya yung naisip ng Presidente?

Hindi ko alam... Feeling ko nga eh gifted ako eh.

Hindi kayo nag-meet lately, sir?

Hindi. Hindi pa kami nagkakausap ni Pangulong Duterte.

Sa tingin nya capable kayo na i-lead at i-solve ang mga problema

Pananaw nya yon at gaya nga nang nasabi ko, nakakataba ng puso, subalit hanggang doon na lang siguro marahil yon.

Pero kung ibibigay talaga sa iyo tatanggapin mo? Hypothetical?

Walang hypothetical kasi hindi naman para sa kanyang ibigay yon.

Sir, gusto daw niya junta, dahil ayaw daw nya kay Vice President Robredo kasi sa tingin ng pangulo hindi niya kayang ayusin ang bansa.

Gaya nang nasabi ko, paniniwala nya yon, at siya mismo ang nagsabi na wala namang legal na pamamaraan para magawa at mangyari yon. Anumang usapin sa labas ng Saligang Batas ay walang patutunguhan, sa aking paniniwala.

Any comment kay former Senator Marcos.

Well, nananatili kaming magkaibigan, nasa sa kanya ang paggalang ko, sa kanyang kakayahan, at mas kaya nya sigurong sumagot sa katanungang yan, kaysa sa ako dahil mas marami siyang tagapagsalita.

How about the competence of Vice President Robredo, kinuwestiyon din nila?

Hindi para sa akin na tawaran yon. Nong nagdaang eleksyon namili ang taong bayan na siya ang pinili. Hindi para sa akin na maliitin ang kanyang kakayahan . Lalo na, dahil siya ang pinili ng mas nakakarami nating kababayan.

Tungkol sa budget, hybrid na raw sir, sabi ng House

Anumang bagay, hindi naman talaga pwedeng madaliin. Kung papunta tayo sa cash-based, maaari naming gawin ito nang dahan-dahan at hindi biglaan dahil baka mabilaukan ang iba't-ibang department at ahensiya ng pamahalaan, lalong-lao na kakatapos pa lang natin ng TRAIN 1, at nangako ang adminsitrasyon ng Build, Build, Build, hindi ito matutupad sa ilalim ng isang cash-based kung bababaan ang alokasyon ng kada ahensiya, tulad ng nakita natin sa panukalang budget ng 2019. Kung saan bumaba ng humigit-kumulang P70 bilyong ang budget para sa school building program. Bumaba ng P100 bilyon ang public works allocation. Bumaba ng humigit-kumulang P40 bilyon ang budget naman ng Department of Health para sa improvement ng health facilities. Kung bumaba ang karamihan sa mga ahensiyang ito, paano at saan napuntang yung tinatawag nilang Build, Build, Build, kung saka-sakali. So marahil dapat gawin ito sa transition, ang ilang bagay muna ang i-cash based sa budget tulad ng MOOE at parte ng capital outlay at dahan-dahanin ito sa loob ng dalawa o tatlong taon.

So tama sir yung hybrid, na napagkasunduan sa House?

Hybrid sa transition, sa dulo dapat magtungo pa rin tayo sa cash-based at dapat sa loob ng panahon na yan ng transition, mahanap ng gobyerno kung saan nabibilaukan yung mga ahensiya kung bakit napakababa ng absorptive capacity nila, kung bakit napakabagal ng implementasyon nila ng mga proyekto. Yon dapat sana ang hanapan ng solusyon, imbes na babaan lamang ang pondong ina-allocate para sa kada ahensiya.

Yung paulit-ulit na sinasabi ng Presidente na gusto niyang magresign, hindi ba makaka-discourage yon sa kanyang mga supporter?

Sa paniniwala ko ay hindi, tulad nga nang nasabi ko, at marahil sasabihin din ito ng kanyang tagapagsalita, pagpapakita lamang yon ng frustration marahil ng pangulo sa kabagalan ng pagkamit nya ng kanyang mga mithiin at layunin para sa ating bansa, bilang pangulo na mismo ng bansa. Dahil kung bilang pangulo ay hindi nya magawa yon, sino pa kaya ang may kayang gumawa non nang mas mabilis.

Sususportahan nyo yung resolusyon na ipatigil yung implementasyon ng driver-only ban sa Edsa?

Well ayon sa MMDA, isang linggo daw silang magda-dry run, hindi muna sila manghuhuli, puro paalala muna lamang at titingnan nila kung bababa talaga yung volume ng traffic. Hindi pa naman ito nakaukit sa bato. Ang tanong at kuwestiyon ko lang sa MMDA mula noon hanggang ngayon ay ito: Bakit ba ginagawa tayong parang Guinea Pig at tayo ang pinag-ieksperimentuhan? Wala ba silang mga simulation na pwedeng magawa na anumang polisiya na nais nilang ipatupad ay agad nilangmakikita sa computer pa lang at magbebenepisyon na lang tayo. Imbes na yung tayo na lang palagi yung pinag-ieksperimentuhan sa anumang bright idea na marahil ay may nag-suggest sa loob mismo ng MMDA.

News Latest News Feed