Press Release
August 13, 2018

Sen. Cynthia Villar Message of Commitment
Hugpong ng Pagbabago--Nacionalista Party (HNP-NP) Alliance
August 13, 2018

[Greetings]

Magandang araw sa inyong lahat. Masaya kami na ngayong araw ay pormal nang nakipag-alliance ang aming partido na Nacionalista Party (NP) sa partido ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

A formality is what this really is since you can say that "in principle" we in HNP and NP have been aligned. In fact, we thank Mayor Sara Duterte sa pag-imbita at pagsama sa amin sa iba't ibang panig ng Davao Region at iba pa.

At bilang regional party ng Davao, ang HNP ay talagang susi sa lalo pang pagiging malakas at matatag ng Region XI. And we are committed to the goals of HNP for the region as well as for the rest of the country, through its various chapters and allied partners.

Likewise, this alliance, we acknowledge that we share the same beliefs, thrusts, vision and mission with HNP. Mula noon pa ang motto ng mga Nacionalistas ay , "Ang Bayan Higit sa Lahat" . We at Nacionalista Party have always placed the interests of the Filipino people over and above everything else. At naniniwala kami na ang Hugpong ng Pagbabago ay inuuna rin ang kapakanan ng bayan higit sa lahat.

Bilang magka-alliance, magkasamang isusulong ng aming mga partido ang mga reporma sa ekonomiya na tatapos sa kahirapan ng ating mga kababayan, magbibigay ng hanapbuhay at kabuhayan, magsusulong ng kapayapaan, kaayusan at susugpo sa kriminalidad.

Alam ko rin na ang mga bumubuo sa Hugpong ng Pagbabago, katulad ng mga fellow Nacionalistas ko, ay magiging katuwang din sa pagsulong sa growth and development ng agriculture at protection and preservation of the environment.

Almost three years ago, kaming mga Nacionalistas ay tumugon na sa tawag ng pagbabago at nanindigan na sa pagsulong ng pagababago sa ating bansa sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dumating na ang pagbabago at patuloy pang nangyayari ito. Kaya naman, muli kaming nanininidigan sa tuloy-tuloy na pagbabago at pag-unlad sa pamamagitan ng pag-alliance sa Hugpong ng Pagbabago. Sama-sama natin ipagpatuloy ang nasimulang pagbabago para sa patuloy na pagsulong ng ating bansa.

Maraming salamat at magandang araw.

News Latest News Feed