Press Release
August 1, 2018

Transcript of SNBA interview
Senate August 1, 2018

Question: (unintelligible)

Sen. Nancy Binay: Kasi di ba kahapon, may lumabas na istorya na parang Php90 million yung nakalaan na budget para sa information dissemination in federalism at ang gagawin nilang evangelist or spokesperson would be si Asec. Mocha Uson. Tamang-tama, dito sa Senado tinatalakay namin, ongoing yung discussion pagdating dyan sa Charter Change pati sa federalism, so sabi ko magandang marinig kung ano ba yung konsepto ng federalism na ilalatag ni Asec. Mocha para sa ating mga kababayan.

Question: This does not in any way express any doubt on her capability or her methods, her understanding of federalism kaya gusto nyo munang i-check kung papaano nya ilalatag.

Binay: Ako, hindi. Kasi talaga namang meron kaming, nagkoconduct kami ng hearings ngayon, so magandang malaman kung yung sinasabi niya ba sa ating mga kababayan is the same concept of federalism na inihahain sa amin dito sa Senado. Because you know, baka umiikot sila, tapos yung version pala na nilalatag nila sa baba e malayo doon sa version na pinag-uusapan namin dito sa Senado.

Question: So hindi naman po yun duda sa kakayahan nila na ilatag ang pederalismo accurately and factually?

Binay: Ako gusto ko malaman, kasi nga sa pag-iikot namin sa baba, ang naririnig naming feedback dun sa ating mga kababayan, na medyo may confusion on the ground. Kasi parang limang forums na ata yung na-attendan (attend) nila, tas iba-ibang version of federalism. Since I believe yung pag-ikot ni Asec Mocha would be the official position ng executive department, magandang mapakinggan kung ano nga yung magiging position nila.

Question: Ma'am, clarify ko lang. Yung nakakarating sa inyo na information, parang iba yung sinasabi ni Asec. Mocha doon sa unang inilalatag na draft federal government.

Binay: Hindi, hindi pa ata sya umiikot, kasi mag-uumpisa pa lang ata silang umikot. So maganda bago nila simulan yung pag-iikot nila, magandang malaman kung ano yung version, kung ano yung konsepto ng federalism na ilalatag nila sa baba. If you remember nung isang hearing namin sa Baguio on constitutional changes, parang may confusion on the ground kung anong form ng federalism or papaano ba i-execute itong konsepto ng federalism. So maganda, maririnig na namin kung ano yung ilalatag at ide-disseminate na federalism sa baba.

Question: (unintelligible)

Binay: Kung nabasa nyo naman yung statement ko wala namang nakalatag na ganun. In fact, ako, ano lang to e, part ng mandato namin, napakainit ng usapin sa Charter Change, and kung yun yung magiging, yun ang kumbaga, na-assign sa kanya na trabaho, is to talk about it on the ground e why not start talking about it dito sa Senado na kung saan kami naman talaga yung may mandato kung anong papalitan natin sa Constitution.

Question: (unintelligible)

Binay: Napahiya ba sya? But not our fault.

Question: (unintelligible)

Binay: Tip lang, kasi I assume kung iikot sya, I guess may PowerPoint presentation sya, pwede naman niyang ipakita sa amin kung ano yung, kung papaano yung kanyang presentation pag umikot sya sa iba't-ibang lugar sa ating bansa.

Question: Thank you ma'am.

News Latest News Feed